Thirty three

2.3K 50 0
                                    

Promotion

I tightened my doctors coat just to feel its warmth.  Could it be warmer than this?  Literally I was chilling for I don't know why. i hold tightly on my coat as if to lessen my discomfort.

Lately I am too sensetive with how is everything going on around me.  I just masked my sadness by fake smile and more workload. 

Mababaliw ako sa kaunting oras na walang ginagawa.  Isang multo para sa akin ang bawat bakanteng minuto.  I wanted exhaust myself till my eyelids drop.

Kung dati ay mahalaga ang bawat galaw ng orasan, malaking kaibahan na ito ngayon.  Kung pwede ko lang ibalik ang orasan na maaring magbalik sa mga kaganapan.  Kung meron lang ako kapangyarihan na ibalik lahat at patigilin ito sa punto masaya lang ang lahat. Kung pwede lang...

May mga bagay na ayaw tanggapin ng sistema natin lalo na hindi ito maghahatid ng magandang alaala.  Kailangan pa ba mabuhay kung wala ka naman dahilan para dito? Sabi nga, para kanino ka gumigising? Mapait na ngiti ang magiging sagot ko dito. 

I am here to give life a fighting chance, provide wellness, and manage physical pain.  But at the end of the day, how can I do that with glee if, even myself doesn't want my life to go on this sad? 

It is quite alarming to know how my coping mechanism works since I was able to function well while on grief.  It is the feeling of just shutting your world from outside.  But I just cant.  There are still those who needed my professional care.  Isang sinumpaang tungkulin na mahirap talikuran.

Tanging tunog ng sapatos ko ang mariring sa pasilyo na panay puti ang pintura.  Katahimikan.  It is an unusually morning for me.  I gripped on my take-out coffee habang patuloy sa paglalakad.

Pagkabukas ko ng surgery department, bumungad sa akin ang ngiti ng bawat tao sa loob.  Maya't maya may pumutok na confetti sa magkabilang gilid ko.

CONGRATULATIONS!

Pumapalkpak habang mabanaag ang kasiyahan sa mga mukha nila.  Nanlaki ang mga mata ko habang papalapit sa kanila.   unti-unti sila nahawi at isang mahabang mesa ng iba't ibang pagkain ang nakahanda.  May backdrop pa na tarp, it says:

CONGRATULATIONS!
Dra. Laurice Ocampo
Head, Surgery Department

Greetings from:
Sandoval Doctors Hospital

Isa-isang pumatak ang luha sa mga mata ko?  Is this what I dreamed of? What I want to become?  Napatutop ako sa aking bibig matapos may kumuha ng dalahin mula sa mga kamay ko. 

Isang nakangiting mukha ni Dra. Arabella Sandoval ang sumalubong sa akin.  Inabot niya sa akin ang magkabilang braso.  She embraced me as soon as I stepped forward.  Namiss ko lalo si mama sa kanya.  Her embrace is so motherly like mama Marina.  Napahagulgol ako dahil duon.

"Sshhh... she won't be happy seeing you cry like this.  Tahan na." hinagod niya ang likod ko habang mahigpit akong niyakap.

"Congratulations Laurice!" Napatango lang ako habang tahimik na humihikbi.  Yeah, ayaw ni mama na malungkot ako.  Kabilin-bilinan niya sa akin yun.

"Don't make her cry mom.
Oh Hi Laurice, congratulations!" Wilma, daughter of Dra. Sandoval approached us. At inabot niya sa akin ang isang bouquet ng makukulay na bulaklak.  Napansin ko isa na dito ay paborito ko, ang stargazer.

I smiled at her.  "Thank you." Iginiya niya ako papunta sa mga kasamahan namin nakaabang sa aming moment na yun. Isa isa nila akong binati. 

Napansin ko rin si Kaye.  Mas malawak ang ngisi na katabi ang ever loyal fiance na niya ngayon. More tamed version of Josef.  I can sense it.

"Congratulations doc Laurice! You see?  I know you will make it this far.  I'm so happy for you." gigil niyang sabi. hindi ko mapigilan ang mga luha kong nagsimulang magsipatakan. Napayakap ako sa kanya.

Gulat siyang hiniwalay ang katawan sa akin.  Pinilit niya akong pakalmahin.  "Hey! Huwag kang ganyan. Kakain pa tayo." sabay halakhak niya. "Halika na." at iginiya na ako sa buffet table kabilang sa ibang kasamahan naming nakapila na rin.  Akala mo naman ganun siya kagutom.  If I know she just wanted to divert my emotional distress.

Binati rin ako ni Josef.  Bakas ang pagkabalisa sa kanya ngunit di ko na ito binigyan ng pansin.  Buhol buhol na ang mga ideyang pumasok sa utak ko ngayon.  Puno ng pangamba.

Everyone is in hype atmosphere when all of a sudden silence consumed as the door swung open.  Maging ako ay napamaang sa nakikita ko mula sa pintuan ng hall.

Always Been YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon