Prologue
Papunta kami ngayon sa Welcome week ng Epidóseis university. Open gate kaya nagkayayaan kaming magkakaibigan. Sakto at laban sa knockout tournament sa basketball ng kambal ni Autumn kaya manonood rin kami.
Pagkababa pa lang namin ng kotse, sumalubong na agad ang mga matang nakatitig samin. Nandyan rin ang mga makakapal ang mukha na may kasama pang bulong. Syempre magpapatalo ba ako? Binigyan ko sila ng MASAMANG tingin. Can't they recognize who am I?
"Hey Zoe, chill. Kakapasok pa lang natin baka may masimulan kana." pabirong saad ni Sasha. Napansin niya siguro ang aura ko.
"Maganda nga yun e. Para malaman nila kung sino ako."
"Haha yeah right."
"Guys, dito tayo!" natutuwang saad ni Autumn. Nakita kong tinutukoy niya ang gymnasium. Nakapasok na ako sa university na to noon pa, I think pangatlong beses ko na to kaya familiar ako sa mga lugar.
Ang dami ng tao sa loob. Parang mga patong patong na basura ang mga manonood. Idagdag mo pa ang ingay. Nakakairita.
"Autumn!" o well, buti pa ang isang to, hindi mukhang basura.
"Uy Chris, nagsisimula na ba?" magkamukhang magkamukha nga ang kambal. Ang cute lang tingnan dahil nakikita ko ang boy version ngayon ni Autumn.
"Hindi pa naman. Tara." sinama kami ng kambal niya sa may seats sa center court kung saan doon niya kami pinaupo.
"Okay na ba kayo dyan?" tanong ni Christopher.
"Oo, okay na okay!" natutuwang sagot ni Skylar. She obviously has a crush on him.
"Osige, pano ba yan. Alis muna ko ah?" nakangiting saad niya at umalis.
Ilang sandali pa at nakita kong may dumating na lalakeng nakavarsity jacket at may hila hilang babae. Namukhaan ko yung lalake, siya yung nanalong Mr. Epidóseis ng university na to this year. His Blaise..
"Stay here, Claire." utos ni Blaise sa nasabing Claire. Kaya ayokong magkaboyfriend, nagiging kawawa ka.
"Anong oras magsa-start? Naiinip na ko." saad ko sa katabi kong si Autumn.
"Maya mayang konti Zoe." tsaka siya nagpeace sign. I'm bored. I'll make sure na pagkatapos nito, pupunta ako ng club mamaya.
"Cr lang muna ko." pagpapaalam ko sa mga kaibigan ko. Tumango naman sila bilang tugon.
Dumiretso ako sa labas ng gymnasium. Nagsinungaling ako, oo. Paano ba naman kasi, nakakabored talaga sa loob. Babalik rin naman ako mamaya, magpapahangin lang sandali.
Isa pang nakakabored ang school na to. Wala man lang akong makalaban ni isa sa mga estudyante dito. Halos lahat, hanggang tingin lang ang kayang gawin. Sobra na ba akong nakakatakot para sakanila?
Well, dapat lang.
Dahil sisiguraduhin kong tatalunin ko sila kapag binangga nila ako.
*boooogsh!*
"Stupid!" kakasabi ko pa lang ng 'binangga', may gumawa na nga. Literal na bangga pa kaya napatumba ako.
"You're cute, can I keep you?" inis na inis kong tiningnan yung lalakeng nakabunggo sakin. Nakangisi pa ito habang nakalahad ang kamay niya. Hindi man lang nagsorry!
"I'm fine, thanks for not asking." tumayo ako ng mag-isa. Pinagpag ko naman ang puwetan ko. Ilang sandali pa ng manlaki ang mata ko sa gulat ng hawakan ng lalake ang hita ko.
Napaatras ako tsaka sya sinamaan ng tingin.
"What the heck are you doing?!" pasigaw ko ng sabi sakanya. Naagaw ang atensyon ng halos ng mga tao sa paligid namin.
"I'm just removing the dirt." ngayon ko lang napansin na nakasoot rin siya ng varsity jacket. Basketball player? I don't care!
"Really huh? Sa legs pa talaga?" nakapamewang kong sagot.
"Oh come on, wag mong sabihing iba ang iniisip mo?" inilapit niya ang sarili niya sakin. Hindi naman ako nagpatinag.
"Oo. BASTOS." tsaka ko siya binigyan ng tumataginting na sampal sa pisngi niya. Napahawak naman siya sa pisngi nyang napuruhan ko ng sampal, mukhang ininda niya yung sakit. Sasagot na sana siya ng biglang may tumawag sakanya sa likod ko.
"Hunter, ano ba? Kanina ka pa hinahanap. Magsisimula na yung game." si Christopher pala. So it means kateam nila ang bastos na to.
And what did he say?
Hunter? Hmm..
"Hey Zoe, nandito ka pala."
"Yeah. Nagpahangin lang. Unfortunately, a devil just bumped into me." mukhang naguluhan siya sa sinabi ko.
"Devil?"
"Oo, yang kasama mo." nakangisi lang yung nasabing Hunter sakin. Para siyang may iniisip na kakila-kilabot.
"Uh, pagpasensyahan mo na. Mabait to, playboy lang." napatawa silang dalawa.
"Christopher, Hunter, tara na!" galit na sigaw ng isang lalakeng nasa edad 30.
"Oh, okay." napatakbo agad papasok si Christopher. Naiwan naman itong si Hunter at tinitigan pa ako ng malagkit. What the hell is wrong with him?
"You think I'm a devil, huh?" nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. "Well then, I'm going to destroy your heart." halos pabulong na niyang sabi bago umalis. Imbis na matakot ako, natuwa pa ako. Mukhang hindi ako kilala ng isang yun.
"Then try me." bago mo pa masira ang puso ko, sirang sira na ang pagkatao mo. Evil smile.
---
Don't forget to vote for every chapter of this story guys! (Mga beshie isang pindot lang sa vote ugh! hahaha) You may also share this to your friends and follow me for more updates ;)
-audaciousjane
BINABASA MO ANG
Innocent Devil meets Naughty Angel
RomanceHunter: Ang tigas pa rin ng ulo mo! Zoe: Wow! Kung makapagsalita ka parang hindi ka ganon ah. Masyado kang pa-inosente! ----------------------------------- Hunter de la Vega, sikat sa pagiging gwapo, hot, basketball player, mayaman at notorious play...