Chapter 16

4.4K 118 6
                                    

Chapter 16: Level 1





Isinagawa ko na nga ang plano ko sa mga sumunod na araw. Sa mga ganitong sitwasyon, palagi kong nagugustuhan ang bilis ng paggana ng utak ko sa mga dapat kong gawin.


Saktong wala akong pasok ngayon at meron si Hunter kaya naghanda ako ng lunch at inutusan ang isang driver namin na ihatid ito diretso sakanya. Isa ito sa mga paraan ko para mapahulog sya sa bitag ko. Nabasa ko rin sa google tips na madali mong makukuha ang loob ng lalake sa pagkain.


The way to a man's heart is through his stomach. Yes it is an idiomatic expression, but still naniniwala pa rin ako lalo na't magaling ako sa pagluluto.


Ginagawa ko ito hindi dahil gusto ko sya sa mabuting paraan, gusto ko sya dahil gusto ko syang pabagsakin. Kailangan ko lang syang paniwalain na nakuha nya ako. Ng sa gayon, madali ko na lang maisasagawa ang masama kong intensyon.




Kinuha ko ang phone ko sabay hanap ng number ni Hunter para tawagan. Nakuha ko ang number nya kay Autumn na galing sa kambal nyang si Chris.


"Hello?" boses pa lang, alam kong si Hunter na.


"Hi Hunter."


"Z-Zoe?" napangiti ako. Mukhang pamilyar na rin agad ang boses ko sakanya.


"Exactly."


"Where did you get my number?" kahit na hindi ko sya nakikita, pakiramdam ko nakangisi na sya.


"Friend of yours. Nga pala, narecieve mo ba yung lunch na pinahatid ko sayo?"


"Ow yeah, actually kinakain kona nga nito. Wala naman sigurong lason to ano?" sabay tawa nya.


"Of course wala." kung pwede lang, ginawa ko na.


"Ah ha! Thanks by the way, masarap ka pa lang magluto."


"I know Hunter, no need to mention it."


"I wonder kung masarap ka rin sa kama." pabulong nyang sabi kaya hindi ko na narinig.


"What did you say?"


"Nothing Zoe." sabay hagikgik nya ng tawa.


"Fine. Sige na, ibababa ko na. Ubusin mo yang luto ko."


"I will.."


"Good."


"Bye Zoe, thanks for the lunch... again." he chuckles before I ended the call.


Sandali kong tinitigan ang pangalan nya sa phone ko at napangiti. Mukha namang napaniwala ko syang maganda ang intensyon ko sa ginawa ko. That was too simple.


Level 1, Mission accomplished.




*tok! tok! tok!*


"Pasok." sigaw ko.


"Ma'am, pinapatawag po kayo ng daddy nyo.."


"For what?"


"Gusto nya daw po kayong makausap. Importante daw po." napairap ako. Importante na naman? For sure pagsasabihan nya lang ako sa mga nalalaman nya tungkol sa mga nagagawa ko.


"Alright." dala ko ang phone kong bumaba ng kwarto ko. Pumunta ako sa office room ni daddy at nadatnan ko syang nakaupo sa swivel chair nya habang may kausap sa telepono.



"Oh yeah... she's here... yeah of course... okay bye." napataas ako ng kilay matapos nyang ibaba ang telepono. Are they talking to me?


"Come here Zoe." turo nya sa upuan sa tapat ng table nya. Sumunod naman ako.


"Anong pag-uusapan natin?... na naman." pahinang sabi ko.


"Alam mo naman kung gaano kaimportante ang negosyo ng pamilya natin, hindi ba? I always do everything just to keep our business on top... as always."


"And?"


"And now, I want you to help me, Zoe. Gusto kong maging parte ka ng pagpapa-angat ng kumpanya. Lalo na nasa tamang edad kana rin--"


"Gosh! diretsuhin mo na ko dad." ang dami dami pa kasing sinasabi. Hindi na lang itumbok ang pinakapoint ng sinasabi nya.


"Binabalak kong i-arrange marriage ka sa anak ng isang kasosyo natin."


"What?! Hell no!" sigaw ko.


"Come on Zoe, malaki rin ang negosyong pinanghahawakan nila at kapag nag-merge ang kumpanya nila at ng atin, mas aangat tayo sa lahat.."


"The hell I care. Ayoko!" napatayo na ako sa kinauupuan ko dahil sa inis.


"I'm not asking for your permission Zoe. Sinasabi ko lang to para malaman mo. Dahil sa ayaw at sa gusto mo, ikakasal ka sa susunod na taon."


"Susunod na taon? May date na agad? Ni hindi niyo nga alam kung anong ugali meron ang taong ipapakasal nyo sakin tapos basta basta na lang kayo magdedesisyon!"


"This is for your own sake Zoe!"


"Really? For my fucking own--" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko ng makatanggap ako ng sampal mula sakanya. Malakas na sampal dahilan para tumulo ang luha ko.


"Hindi kita pinalaki ng ganyan." saad nya. Napakuyom ang panga ko bago ko sya harapin.


Alam kong nakita nya ang pagpatak ng luha ko pero agad ko rin itong pinunasan.


"Yes dad, hindi nyo nga ako pinalaki. Kaya wala rin kayong karapatan para pakealam ang magiging buhay ko." madiing sabi ko bago ko sya talikuran. Kahit na tinatawag nya ako para bumalik, binalewala ko lang sya. Patuloy lang ako sa paglalakad papalabas ng kwarto at padabog na isinara ang pinto.


Tinungo kong agad ang kotse ko at pinaharurot ito ng walang alinlangan. Dahil sa galit ko, hindi ko na ata alintana na kasing bilis ko ng magmaneho si Hunter. Wala na akong pakealam kung saan ako makarating, ang importante, makalayo ako sa bahay. Kung tutuusin, hindi ko nga nararamdaman na bahay ko yun dahil sa palagi na lang sermon at mga masasakit na salita ang inaabot ko kay daddy.


Minsan naiisip ko tuloy, sana kasama na lang ako sa namatay nung naaksidente sa barko si mama. Edi sana, hindi ko na nararanasan ang ganito kasalimuot na buhay.



*peeeet! peeeet!*



"Ah! shit!" iritado kong saad ng bigla na lang sumulpot ang isang sasakyan sa harapan ko. Muntik ko pa itong mabangga kung hindi lang ako agad pumreno.


Bumaba ako ng kotse para sugurin ang driver ng kotse sa harapan ko. Hindi ko palalampasin ang katahangang ginawa nya. Kita ng naka-red light ang dinadaanan nya, tutuloy pa rin. Humanda sya dahil sakanya ko ibubuhos ang galit ko!


"Bumaba ka dyan!" sigaw ko sabay hampas sa harapan ng sasakyan nya.


Ilang sandali pa ng bumukas ang pinto ng kotse nya at dahan dahan syang lumabas. Nagcrossed-arms pa akong inabangan sya kasama ng matatalim kong titig.


"Ikaw?!" sabay naming saad ng makita namin ang isa't isa. It's Colline.



----

Innocent Devil meets Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon