Chapter 47

3.5K 105 16
                                    

Chapter 47: Same
  
  
   
  
   
Mabilis na lumipas ang oras. Gabi na't nasa tapat na kami ng bahay namin ngayon ni Daniel. Nagprisinta kasi siyang ihatid ako diretso sa bahay namin para masigurong ligtas akong makakauwi.
  
  
"Thanks for this day, Zoe." aniya pagkababa ko ng kotse niya. "Sana nag-enjoy ka." napakamot siya ng ulo.
   
 
"Uhh, oo naman." nakangiting sabi ko.
  
 
"Really?"
  
  
"Of course.." pero mas mag-e-enjoy sana ako kung hindi umeksena sila Hunter sa date natin.
  
   
"Buti naman kung ganon, nag-enjoy rin kasi ako lalo na't nakasama kita." nakangiting sambit niya. Napatangu-tango naman ako't napayuko para itago ang tuwang naramdaman ko sa sinabi niya. Iba ito sa kilig, natuwa lang ako sa ideyang nagawa kong maging mabait sakanya. Kumpara kasi sa trato ko sa ibang mga lalake, halos lahat ay nasusupladahan at napapranka ko.
   
  
"Osige na Zoe, pumasok ka na sa loob. Baka lamukin ka pa dito."
   
  
"Uhh, oo. Ingat sa pag-uwi ah?"
   
 
"Yes ma'am." natawa pa kaming dalawa sa pagsaludo niya na parang sundalo. Sinundan ko ng tingin ang papaalis niyang kotse hanggang sa mawala ito sa paningin ko.
  
   
Napabuntong hininga ako bago mapagdesisyunang pumasok ng gate.
   
   
"What's with the same color of your dress with his shirt?" natigilan akong bigla. Hindi ko nagawang humarap agad dahil sa paglagabog ng puso ko. Napalunok ako. Parang kilala na nito kung kanino nanggagaling ang boses na tumawag sakin. "Oi."
   
 
bwiset.
  
  
Napapikit ako ng mariin at humugot ng malalim na hininga. "What are you doing here?" tanong ko ng harapin siya. Napalinga linga pa ako sa paligid sa pagtataka kung paano siya nakapunta dito ng hindi napapansin ni Daniel.
  
  
"I told you, we'll talk." sagot niya habang nakapamulsa.
      
  
Napairap ako. "Tss." tatalikuran ko na sana siya ng bigla niyang hawakan ang kamay ko't iharap sakanya. "Gosh Hunter!" iritadong saad ko sabay bawi ng kamay ko sakanya.
   
   
"Do you like him?" direktang sambit niya na parang hindi nadala sa pagkainis ko.
  
  
"Ano bang klaseng tanong yan--"
   
  
"Just answer me Zoe." madiing saad niya. Napakurap naman ako ng ilang beses dahil sa seryosong ekspresyon ng mukha niya. Galit at pagkadismaya ang tanging nakikita ko sakanya.
   
  
Pinilit kong hindi magpaapekto. "It's none of your business."
  
  
Napasabunot siya sa sarili niyang mga buhok. "Ilang beses ko bang dapat sabihin sayo na wag kang sumama sakanya ha Zoe?" halatang nainis siyang lalo sa tono ng pananalita niya. "Ang tigas pa rin ng ulo mo!"
   
  
Napatiim bagang ako sa sinabi niya. "Wow! Kung makapagsalita ka parang hindi ka ganon ah. Masyado kang pa-inosente!" bulyaw ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Inis na inis na rin ako. Kung makapagsalita siya akala mo sino lang akong kausap niya.
  
  
Napahilamos siya ng mukha sabay bumuntong hininga. "Listen, Zoe." nilapit niya ang sarili niya sakin. Ako naman tong napatingin sa ibang direksyon para iwasan ang mga mata niya. Ayokong mawala ang inis ko dahil lang sa ekspresyon ng mukha niya.
   
  
"It's not easy for me seeing you with someone else, lalo na ang isang tulad ni Daniel." sinuklay nya ang buhok niya gamit ang mga daliri niya. "I know that he's kind, genteman, matino at higit sa lahat... hindi katulad ko. Kaya alam kong hindi mahirap na gustuhin ang isang kagaya niya Zoe."
  
  
"Hunter--"
   
 
"Pero for God's sake, magkagusto na lahat ng babae sakanya, basta wag lang ikaw." sandali siyang natigil para hawakan ang mga kamay ko. Hinimas niya iyon na parang isang babasaging baso na iniingat ingatan niya para hindi mabasag. "I love you, you know that right?" napalunok ako't dahan dahang binawi ang mga kamay ko sakanya.
    
   
Sandali kong sinulyapan ang mukha niya. Pinagmasdan ko ang mapupungay niyang mga mata. Mas lalo kong naramdaman ang paghuhumarentado ng puso ko. Para akong nadadala sa sincere na ekspresyon ng kanyang mukha. Gusto kong ilabas kung anong sinasabi ng puso ko pero may kung anong pumipigil sa sistema ko kaya hindi ko magawa. "Go home, Hunter."
       
   
"No Zoe, pay attention to me." pagpupumilit niya.
  
  
Umiling ako. "Hunter no... just leave."
   
  
"I'm not going to leave you." pagmamatigas niya. " Don't you see, I'm trying to have a serious conversation with you right now." paliwanag niya. Napabuntong hininga ako, konting konti na lang ang pasensya ko. Baka hindi ko na kayang magpigil sa nararamdaman ko.
  
  
"And I'm trying to subtly avoid it." napakunot bigla ang noo niya. Itinagilid niya pa ng kaunti ang ulo niya na parang naghahanap ng sagot sa sinabi ko.
  
  
"What? Why Zoe?--"
      
   
Hindi na niya natuloy ang sinasabi niya ng hindi ko na napigilan ang sarili kong magsalita. "Because I do have the same feelings with you, Hunter." diretso at walang palyang sabi ko. Biglang nanlaki ang mga mata niya. Kita ko pang napalunok siya. Ni hindi na niya nagawang umimik habang nakatitig sakin. Shit!
 
 
Mabilis akong napaiwas ng tingin. Hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang mga mata ko. Ramdam kong umakyat ang dugo sa ulo ko. Parang namumula na ako sa kahihiyan kaya bigla na akong umalis sa harapan niya. Nataranta akong pumasok ng gate at hindi na siya nagawang lingunin.
  
   
Diretso kong pinasok ang kwarto ko sabay hawak sa dibdib ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na parang gusto nitong kumawala sa loob. Ano ba tong nangyayari sakin?
   
  
"The hell! why did I say that?"
    
   
  
---

Innocent Devil meets Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon