Chapter 61

3.7K 106 10
                                    

Chapter 61: Heart and Mind
   
   
   
   
    
Hindi ko na nagawang i-off ang wifi sa phone ko kagabi dahil mabilis akong nakatulog. Nakita kong may notification na may panibagong chat na naman si Hunter. Binuksan ko.
  
  
*MESSENGER*

Hunter (5:48 AM): Good morning! I love you!

Hunter (5:49 AM): Yan, ako na mismo magbibigay ng picture sayo para hindi ka na mahirapang kuhanan ako ng palihim

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hunter (5:49 AM): Yan, ako na mismo magbibigay ng picture sayo para hindi ka na mahirapang kuhanan ako ng palihim.
   
Hunter (5:50 AM): Pampaganda ng umaga mo ^.^

Zoe (6:05 AM): Ang hangin.

Hunter (6:06 AM): Close the window ๏_๏

Zoe (6:07 AM): I'm referring to you.

Hunter (6:07 AM): Aww. (。•́︿•̀。)

Hunter (6:08 AM): That was harsh Zoe...

Hunter (6:09 AM): Sinaktan mo ko dito, dito, at dito.

Zoe (6:10 AM): Dami namang "dito"

Hunter (6:11 AM): Hindi mo ba alam yan? Patalastas yan ni Jericho Rosales

Zoe (6:11 AM): Ahhhhh.

Hunter (6:12 AM): Kung sabagay, pang-gwapo lang naman yung patalastas na yun.

Hunter (6:13 AM): Parang ako.

Zoe (6:14 AM): Hindi ka ba titigil?

Hunter (6:15 AM): Bakit? Naiinlove ka ba lalo?

Zoe (6:16 AM): Wow! sarap mong hambalusin ng alarm clock!

Hunter (6:17 AM): Para magising ako sa katotohanang mahal mo talaga ako? Alam ko na yan Zoe ;)

Zoe (6:18 AM): Hindi! Para magising ka sa katotohang ang kapal mo!

Hunter (6:19 AM): Aww 5x

Zoe (6:20 AM): Aso ka?

Hunter (6:21 AM): Pick up line na naman ba yan? Takot na kong mag-bakit. Masyadong masakit.

Zoe (6:22 AM): Haha :p

Hunter (6:23 AM): Pero okay lang kahit masakit, basta para sayo.

Zoe (6:24 AM): Daming alam.

Hunter (6:25 AM): Gwapo e ¯\_(ツ)_/¯

Zoe (6:26 AM): Ewan ko sayo. Maliligo na ko.

Hunter (6:27 AM): Pwedeng sumama?

Seen.

Hunter (6:28 AM): Joke lang babe

Zoe (6:30 AM): Eww! Don't call me "babe", yan pa lang ang tawagan niyo ni Stella nun diba, duh!

Hunter (6:31 AM): Oo nga no? E anong gusto mo?

Innocent Devil meets Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon