Chapter 60: Pictures
Tahimik lang at walang umiimik samin ni Hunter. Nasa kwarto na kami ngayon habang ginagamot ko ang sugat niya sa labi. Nakatulala lang siyang nakatitig sa baba. Hindi ko alam kung ano bang tumatakbo sa isip niya pero pakiramdam ko, naapektuhan siya sa nangyari sakanila ni Daniel. Kung alam ko lang na ganon ang nararamdaman ni Daniel, sana umiwas na ako sakanya nung simula pa lang.
Pakiramdam ko pa tuloy, kasalanan ko ang nangyari kung bakit nagkasakitan ang dalawa.
"Aww.." mahinang daing ni Hunter nang hindi ko sadyang madiinan ang sugat niya.
"S-Sorry.." napayukong sabi ko.
"Okay lang.." narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Nilingon ko siya. "Hindi ka naman naniniwala sa mga sinabi niya, diba?" aniya sa malungkot na boses.
Pinilit kong ngumiti. "Of course." muli ko sanang gagamutin ang sugat niya pero pinigilan niya ang kamay ko para hawakan yun.
"I didn't play fair, Zoe." nakatitig lang siya sa mga kamay ko habang hinihimas niya ito. Nanatili lang akong walang imik para makinig. "Bago pa ang birthday nina Chris at Autumn, Daniel already told me that he likes you... that he wants to have you as his girlfriend. Gusto ko siyang tanungin kung bakit ikaw pa pero hindi na lang ako nagsalita, naiinis ako." so it means, kaya ako nilapitan ni Daniel nung birthday ng kambal ay dahil sa gusto niya ako..
Now I know.
"Nung nakita kitang kasama siya, hindi ako mapakali sa table namin kaya palihim ko kayong sinundan, hanggang sa humiwalay ka sakanya. Sinabihan kitang wag kang sasama sakanya pero mukhang hindi kita mapipilit. Ayoko namang sabihin ang totoong dahilan dahil baka... gustuhin mo rin siya. Ako ang nauna sayo kaya hindi pwedeng sakanya ka mapunta." natatawa pa siya habang nagkekwento. Ngayon, mas nagiging malinaw sakin ang lahat.
Kaya pala..
Dahan dahan niyang inangat ang tingin niya sakin. "Tama siya sa sinabi niyang tinraydor ko siya... pero anong magagawa ko? Nagmahal lang rin naman ako, at kahit ano gagawin ko basta ako lang rin ang mahalin mo..." napayuko ako sabay kagat ng ibabang labi ko. Siya nga ang pinili ko pero tama ba tong dapat na may masaktan para maging masaya kaming dalawa?
Ang gulo..bakit ganito ang naiisip ko? Dahil ba puro kabaitan ang pinakita sakin ni Daniel kaya ganito akong nagi-guilty para sakanya?
"Pero yung paglalaruan at sasaktaan lang kita, yun ang hinding hindi ko magagawa sayo Zoe." kita ko ang pagiging sinserado sa mga mata niya. Para itong naluluha. Napalunok naman ako tsaka hinawakan ang pisngi niya.
"Naniniwala ako sayo, Hunter." mabilis niya kong hinigit papalapit sakanya para yakapin. Sobrang higpit ng pagkakayakap niya, and I feel safe from the things that hurt me inside. Parang nawala lahat ng pag-aalinlangan ko.
Binaon niya ang mukha niya sa leeg ko. Damang dama ko ang mainit na hininga niya. "I'll never stop loving you...not even for a second." ngumiti ako. Hinarap ko siya at sandaling tumitig sa mga mata niya.
Binigyan ko siya ng halik sa labi niya. "Aww."
"Oh gosh! sorry!" natarantang saad ko nang maalala kong may sugat pala siya.
Tanga tanga kasi Zoe!
Ngumuso siya. "Kindly repeat it, please." napakagat naman ako ng ibabang labi sa pagpipigil ng tawa.
"Tatamaan yang sugat mo. Ayoko namang mapa-aray ka na naman sa sakit dahil lang--" nilagay niya ang index finger niya sa labi ko kaya napatikom ako ng bibig.
"Shhh...just kiss me." bulong niya na parang nang-aakit. Sa pagngisi niya ay bigla siyang napahawak sa labi niya sabay sabing, "Fuck!" daing niya sa sakit ng sugat niya.
"Tss." napailing-iling na lang ako habang nangingiti. Gustong magpahalik pero konting ngisi lang niya, masasaktan na. Yabang talaga.
Matapos ng tatlong araw namin sa Camp Netanya, bumalik na rin kami sa Maynila papauwi sa mga bahay namin. Nakasimangot pa si Hunter nang ihatid niya ko sa tapat ng gate namin. Nagsisisi daw siya kung bakit tatlong araw lang ang hiniling niyang kapalit. Masyado daw mabilis ang paglipas ng oras kaya nanghihinayang siya ngayon.
Kahit naman ako nabitin pero..wala e.
"I'll miss you.." nakangusong aniya habang nasa loob ng kotse niya.
Ngumiti ako. "I'll miss you too."
"Tara, alis ulit tayo?" pagbibiro niya.
Natawa naman ako. "Ewan ko sayo, umuwi ka na nga."
"Haha okay fine.. we'll see each other tomorrow, right?"
Tumango ako. "Yeah."
"Okay, I'll go now... I enjoyed a lot." lumapit naman ako sakanya para bigyan siya ng halik sa pisngi.
"Me too." kita ko agad ang pamumula ng mukha niya sa ginawa ko. "Text me when you get home." dagdag ko.
Napailing-iling naman siyang nakangiti sabay buntong hininga. "Yes I will, my girlfriend." nakagisi niyang utas tsaka kumindat.
Umangat na rin ang bintana ng kotse niya kasabay ng pagmaneho niya paalis. Sinundan ko pa ito ng tingin bago ako pumasok sa bahay namin. Hindi ko maalis ang ngiti ko sa labi hanggang makarating sa kwarto ko.
Nakakamiss..
Sandali kong binalikan ang mga masasayang alaala namin ni Hunter sa Camp Netanya. Kahit na may panget na nangyari sa pagitan nila ni Daniel, binalewala na lang niya ito para saming dalawa. Minsan ay sumasagi sa isip ko ang mga sinabi ni Daniel kaya hindi ko maiwasang hindi makonsensya. Hindi ko na lang pinahalata kay Hunter dahil ayokong mag-alala siya at mag-isip ng iba.
Napahikab ako.
Ngayon ko lalong mas naramdaman ang pagod kaya agad akong napahiga sa kama ko't nakaidlip.
Sa paggising ko, "10 na pala.." saad ko nang mapatingin ako sa wall clock. Kinusot ko ang mga mata ko't napaunat ng kamay. Kinuha ko ang phone ko para tingnan kung may text ba ni Hunter, pero wala.
Napakunot ako ng kilay. Sabi ko magtext siya pag nakauwi na pero anong nangyari?
Nag-online akong agad sa messenger para makita kung may chat siya. Mabilis namang nagpop-up ang limang sunud-sunod na chat head kasama ng kay Hunter.
Sakanya agad ang binuksan ko.
*MESSENGER*
BINABASA MO ANG
Innocent Devil meets Naughty Angel
RomanceHunter: Ang tigas pa rin ng ulo mo! Zoe: Wow! Kung makapagsalita ka parang hindi ka ganon ah. Masyado kang pa-inosente! ----------------------------------- Hunter de la Vega, sikat sa pagiging gwapo, hot, basketball player, mayaman at notorious play...