Chapter 67: Sorry
Nagawa kong tiisin ang pagkawala ni Hunter sa tabi ko. Pero ngayong nalaman kong kasama niya ang ex girlfriend niya slash first love niya, parang gusto ko siyang pwersahin na umuwi na dito. Hindi ko lang kasi maatim na nagawa niyang makipag-usap at makipagkaibigan ulit kay Claudette. Ex niya na yun diba? Dapat iniiwan na sa nakaraan hindi yung dinadala pa sa kasalukuyan.
Err!
"Nakakainis naman!"
"Bakit ba nilipat? Prepared na pa naman rin ako!"
Napatingin ako sa mga kaklase kong sobrang dismayado dahil sa balitang na-move ang prom sa March. Todo angal pa ang iba na halatang hindi tanggap ang pagkansela ng prom this week. Pasalamat nga sila't yan lang ang problema nila. Samantalang ako, halos sumabog na sa inis at galit dahil sa selos.
Pagkatapos ng klase, nagkayayaan kami ng mga kaibigan kong pumunta ng cafe. Sumama na rin ako para makapaglibang. Gusto kong makalimot sa sama ng loob na nararamdaman ko. Baka kapag hindi ako nakapagpigil, mabaliw na lang akong bigla sa mga naiisip ko.
"Zoe, alam mo ba kung bakit na-cancel yung prom this week?" tanong sakin ni Sasha.
Sinulyapan ko lang siya sandali at muling pinaglaruan ang frappe na inorder ko. "Yung daw kasing nakausap na mag-o-organize ng gymnasium, hindi tumupad.. marami daw kulang na gamit. Wala daw mahanap na ibang organizer. Hindi naman rin pwedeng sa mga estudyante ipagawa lalo na't Magical Night ang theme ng prom natin this year." paliwanag ko.
"Kaya naman pala.." patangu-tanong saad nilang tatlo.
"Mabuti na rin yun kesa naman madaliin lang ang pag-o-organize." si Hailey.
"Kung sabagay, every year palaging bongga kaya hindi hahayaan ng director ng university natin na mapuputol ang kinasayan ng NAU." dagdag ni Sasha.
"Oo nga... atleast pag sa March rin, baka makauwi na yang si Hunter at pwede pang makapunta sa prom." sambit ni Sasha dahilan para mapalingon ako sakanya.
Napailing-iling ako. "Tss. Imposible." hindi na 'ko aasa. Mahirap na.
Muli kong binalik ang atensyon ko sa frappe. Nagsawa rin akong paglaruan ito kaya ininom ko na. Hindi ko na rin naman narinig pang nagtanong ang mga kaibigan ko kaya naman tumingin na lang ako sa mga taong nagdadaan sa labas ng cafe.
"Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko!" napasulyap ako sa pag-iyak ng babae sa tabing table namin. Kita kong hinihimas ng babaeng kasama niya ang likod nito.
O well. Ang drama naman.
Binalewala ko na lang.
"Bakit? Ano bang nangyari?" dinig kong tanong nung babaeng naghihimas ng likod.
"Nag-away na naman kasi kami ng boyfriend ko. Paulit ulit na lang." edi hiwalayan mo na. Tss.
"Sinabi ko naman sayo, pag nakita mo na yung mga signs na dapat ka ng mag-give up, makipag-break ka na." signs? what does she mean?
sandali akong sumulyap. "Signs?" nagtatakang tanong nung babaeng umiiyak.
"Hay nako! Hindi mo pa rin ba alam yun?" napa-face palm siya. "Signs na hindi ka na niya mahal. Duh!" napalunok ako ng ilang beses sa sinabi ng babae. Parang naging interesado akong makinig kaya inilapit ko mg kaunti ang upuan ko sakanila tsaka umupo ng maayos.
"Ano naman yung mga signs na yun?" tanong nung isa. Nagkunwari naman akong hindi nakatingin sakanila nang humarap siya banda sa kinauupuan ko. Ayokong isipin nilang nakikichismis ako sa usapan nila. Nacucurious lang kasi ako sa signs na tinutukoy nung babae kaya gusto kong makinig.
"Una, hindi kana masaya at hindi mo na makita yung dahilan kung bakit minahal mo siya. Pangalawa, wala na siyang oras sayo, madami na siyang excuse kahit ang totoo, may oras siya sa iba.." muntik na akong mapamura sa narinig ko. Paano ba naman kasi, bigla kong naalala si Hunter sa Italy.
GOSH!
"Pangatlo, kapag hirap ka ng pagkatiwalaan siya. Pakiramdam mo may mga bagay siyang tinatago, nililihim o mga bagay na hindi niya sinasabi sayo.." Ugh! Shit! bakit ba parang relate na relate ako sa mga sinasabi niya?
Haaaay!
"Pang-apat, hindi na niya iniisip ang nararamdaman mo. Kung nagseselos ka ba, naiinis, nagagalit, nag-aalala o nasasaktan... kasi minsan sarili na lang niya ang iniisip niya." hindi ko alam pero tumutugma talaga ang bawat sinasabing signs ng babae sa sitwasyon namin ni Hunter. Ayoko namang isipin na tama siya pero what if...tama nga siya?
"At higit sa lahat..." biglang lumagabog ang puso ko. May nalalaman pa kasing pabitin effect tong babaeng 'to. "kapag hindi mo na maramdaman na pinapahalagaan ka pa niya. Yung tipong nagbago na talaga siya." napasinghap ako ng malalim sabay pikit ng mariin. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong paniwalaan. Napaparanoid lang ba ako?
Hanggang sa makauwi na ako sa bahay, tuliro pa rin ako at wala pa rin sa sarili. Hindi pa rin maalis ang mga bumabagabag na tanong sa isip ko. Hindi ko inaasahan na mas mahirap pa pala itong sagutin kesa sa essay questions namin sa Chemistry. Ayokong mag-isip ng kung ano kay Hunter lalo na't baka makasira lang ito sa relasyon namin. Alam kong trabaho lang rin naman ang pinunta niya dun kaya dapat ko siyang intindihin at suportahan. Pero ngayong alam kong nandoon ang ex niya, hindi ako mapakali sa mga naiisip ko kung ano bang ginagawa nila sa bawat oras na magkasama sila.
•Hunter de la Vega
Incoming call...
Sinagot ko.
"Zoe..." bungad niya agad sa malungkot niyang boses. "Bakit pinatay mo agad ang video call kagabi?" tanong niya.
Lumunok ako. "Napindot ko lang...sorry." damn! nagsisinungaling na naman ako!
Suminghap siya. "Galit ka ba?" nakasimangot niyang tanong.
"H-Hindi." parang pinipiga ang puso ko dahil hindi ko magawang sabihin ang totoo.
"You are, Zoe.." niluwagan niya ang soot niyang necktie tsaka lumapit sa screen ng laptop. "Tell me, what's wrong?" tinitigan ko lang siya sa nag-aalalang mukha niya.
Gusto kong sabihin kung anong problema at kung anong kinasasama ng loob ko. Pero ayoko namang maging makasarili. Paano kung nasa isip ko lang lahat ng to kaya ako nangangamba? Paano kung ako lang pala ang gumagawa ng dahilan ng ikasasakit ng loob ko? Paano kung mali naman pala lahat ng akala ko?
"Zoe.." pagtawag niya. "May problema ba tayo?" napaiwas ako ng tingin. Naghahanap ako ng maidadahilan sakanya pero parang ang hirap saking mag-isip ng mabilis ngayon.
"Bakit hindi mo ako kinakausap? Nagtatampo ka ba? Gusto mo bang umuwi na ako diyan?" bigla ko siyang hinarap tsaka umiling.
"Hunter.." gusto ko, syempre gustung gusto ko. "No.. I'm okay, we're okay." tsaka ako nagpilit ng ngiti.
"Zoe, kahit malayo ka, ramdam kong may mali...ramdam kong may problema... pero bakit ganito? Bakit hindi mo aminin? Bakit hindi mo sabihin?" talaga ba Hunter? Hindi ba dapat ako ang magtanong sayo niyan? Bakit hindi mo nagawang sabihin ang tungkol kay Claudette na nasa Italy rin pala siya kasama mo? Bakit kailangan pang makita ko para lang aminin mo?
"I-I don't know.."
Napahilot siya ng sentido niya. "Don't get me wrong, I miss you. I miss being with you all the time... hindi mo lang alam kung gaano ako nagtitiis dito. Pinipilit kong matapos lahat para makauwi na ko sa tabi mo. Pero sana naman, wag mong iparamdam na parang lumalayo ka... na parang paunti-unti kang nawawala sakin." eto na naman yung pakiramdam na parang maiiyak ako. Ang bigat bigat na naman ng pakiramdam ko sa loob.
"S-Sorry..." pinilit kong hindi iparinig ang basag kong boses sakanya.
"Palagi kong tinitingnan ang mga pictures mo sa phone. Ginawa pa nga kitang wallpaper dito pati sa laptop ko para napapangiti ako sa tuwing makikita ko ang mukha mo. Nakuha ko ring magpagawa ng picture frame na may picture mo para lang ikabit sa ibabaw ng table ko." sinuklay niya ng kanyang mga daliri ang buhok niya. "Madalas pa kitang pinagmamalaki sa mga kasama ko dito...alam nilang may girlfriend ako at ikaw yun." kahit ba ang ex mo alam niya?
Argh! Bullshit!
"Kahit kay Claudette, madalas rin kitang nakekwento sakanya." hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil nababanggit naman pala niya ako kay Claudette o maiinis dahil madalas pala silang nag-uusap.
"Bakit nandyan ba siya?" hindi na ako nakapagpigil.
Sandaling kumunot ang kilay niya. "D-Diba nasabi ko na sayo kahapon na sister company namin ang company nila..." hindi, hindi ko alam kasi hindi ako nakinig.
Napataas ako ng kilay. "Alam mo na noon pa?"
Mabilis siyang napailing. "N-No, nabigla nga rin ako nung nalaman ko yun."
"E bakit siya ang nakakasama mo imbis na ang mga magulang niya?"
"Dahil sinanay na daw siyang mag-handle sa kumpanya nila kaya siya na ang nagprisinta."
"So pumayag ka?"
"Huh? H-Hindi, nadatnan ko na lang siya dito... tsaka teka, bakit puro na lang siya ang pinag-uusapan natin?" tumaas ang boses niya. Napakagat naman ako ng lower lip. "Nagseselos ka ba?"
Natahimik ako.
"Zoe, kung nagseselos ka, uuwian kita dyan ngayon mismo. Ayokong baka dahil sa pagseselos mo, bigla mo na lang akong hiwalayan."
Yumuko ako sabay napapikit ng mariin. Parang nakokonsensya pa ako ngayon sa mga sinabi ko. Hindi dapat ako nagpadala sa nararamdaman ko. Maling pinagdudahan ko siya lalo na't wala naman akong dapat pagdudahan sakanya. Mahal ako ni Hunter, mahal ko siya at dapat akong magtiwala.
"I'm sorry, Hunter.." malumanay kong saad.
Bumuntong hininga siya. "Mahal kita Zoe... kaya kung ano man ang ikinakaselos mo, tigilan mo na yan. Ikaw lang ang laman ng puso ko... at hindi ko magagawang lokohin ka." napakagat ako ng ibabang labi tsaka tumango.
Gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Naisip kong sarili ko lang naman ang gumagawa ng rason para maghinala ako. Tamang itigil ko na ang mga naiisip ko at dapat lang na magtiwala sakanya.
---
BINABASA MO ANG
Innocent Devil meets Naughty Angel
RomanceHunter: Ang tigas pa rin ng ulo mo! Zoe: Wow! Kung makapagsalita ka parang hindi ka ganon ah. Masyado kang pa-inosente! ----------------------------------- Hunter de la Vega, sikat sa pagiging gwapo, hot, basketball player, mayaman at notorious play...