Chapter 31: Stay
Midterms na. Last exam na lang ang tine-take ngayon. Sakto at tapos na ako kaya naghihintay na lang ako sa oras ng pag-uwi. Hindi pa rin tapos ang isa sa mga kaibigan ko kaya tahimik lang akong nakaupo sa classroom.
Kinuha ko muna ang phone ko para may mapaglibangan. Pwede namang gumamit basta napasa na ang test paper sa proctor. Sakto at may text ni Hunter kaya binasa ko.
(Text message from Hunter)
"Send some... :)"Napairap ako sa kawalan. Hanggang sa text ay dinadala nya ang pagkamanyak nya. Sa pagkabored ay nireplyan ko sya.
Me: What? Nudes? Asshole.
Hunter: Fuck nudes hahahaha
Tss. Nagmaang maangan pa. Rereplyan ko na sana sya ng makarecieve na naman ako ng text mula sakanya.
Hunter: send me a picture of your smile Zoe.
Paulit ulit kong binasa ang text message nya. Hindi ko nagawang magreply agad dahil sa pagtitig sa phone ko. A picture of my smile? Anong trip nya?
Me: nakainom ka ba?
Hunter: Nope. Why?
Me: Bakit ganyan ka kung makapagsalita?
Para kang sweet na boyfriend.
Hunter: Cause I have a fever right now, and I want your smile as my medicine.
Hindi pala sya parang sweet na boyfriend. Ugali nya ng maging sweet dahil yun ang gawain nya para mambola.
Me: Tss. Nasa klase ako, hindi pa tapos ang test.
Hunter: Ohh, I see. Text me when you're done.
Napailing na lang ako't hindi na sya nireplyan. Text him? Psh. Ewan ko na lang.
"You can now go home. Enjoy your sembreak everyone." sabay sabay na naghiyawan ang mga kaklase ko. Tapos na ang test. Halatang lahat ay natutuwa sa dalawang linggong bakasyon.
"Tara, alis tayo guys!" masayang usal ni Skylar. Hindi ko alam pero bigla na lang akong napasilip sa phone ko. Laking gulat ko na lang ng may kasunod na text pala si Hunter kanina.
Hunter: I'll wait.
Napabuntong hininga ako. Mukhang nakaramdam pa ata ako ng awa sa kundisyon ng mokong na yun.
"Zoe, tara!" pagyayaya ng mga kaibigan ko. Napailing naman ako. "Hindi na muna, may aasikasuhin kasi ako sa bahay." pagsisinungaling ko. Buti naman at hndi na sila nagtanong.
Pagkatapos naming magpaalam sa isa't isa, tumuloy na kami sa kani-kaniyang lakad. Dumiretso ako sa kotse ko't pinaandar ito. Ilang beses kong pinag-isipan ang gagawin ko. Balak kong puntahan si Hunter. Naisip ko kasing bumawi sa pagtulong nya sakin noong natagusan ako. Hindi nga rin ako makapaniwala sa sarili ko, pupuntahan ko sya na maganda ang intensyon ko.
BINABASA MO ANG
Innocent Devil meets Naughty Angel
RomanceHunter: Ang tigas pa rin ng ulo mo! Zoe: Wow! Kung makapagsalita ka parang hindi ka ganon ah. Masyado kang pa-inosente! ----------------------------------- Hunter de la Vega, sikat sa pagiging gwapo, hot, basketball player, mayaman at notorious play...