Chapter 27: Hold back
Buong maghapon kaming nagkasama ni George sa beach. Minsan ay nakikita rin naming magkasama si Colline at Hunter. Halatang apektado talaga si George dahil madalas ko syang nahuhuling malalim ang iniisip at hindi makapag-concentrate sa festival.
"Ayos ka lang?" tanong ko. Hinarap naman nya akong agad at nagsalita.
"Oo, ayos lang." napatangu-tango ako. Hinarap kong muli ang papalubog na araw. Nakakagaan ng loob. Sana palagi na lang ganito. Pero dahil sa napuno ng sakit at galit ang puso ko, mas pinipili na lang ng sarili ko na palaging malagay sa magulong sitwasyon.
Katahimikan....
"Zoe?"
"Hmm?"
"Do you believe in second chances?"
"Pfft. Ano to? Popoy and basha feels?" natatawang saad ko.
"Pwede...pero seryoso, naniniwala ka ba?"
"I don't know.." it depends on the situation. Kung deserve ng isang tao na mabigyan sya, why not. Pero kung matindi ang sakit na nabigay nya, don't assume for it.
Hindi madaling mapapalitan ng second chance ang pusong wasak at sugatan.
"Kasi ako, naniniwala ako." napakunot noo akong tinitigan siya. Malayo ang tingin nya na parang may inaalala.
"Bat naman?" muli kong ibinaling ang atensyon ko sa sunset.
"Kasi hindi naman tayo ipagtatagpo ng tadhana kung hindi tayo para sa isa't isa, hindi ba?"
"Stop making fun of me George."
"I'm not making fun of you, Zoe. I just realized that Colline is not what I want... Kaya pala parang may kulang sakin simula ng mawala ka, pilit kong hinanap yun kay Colline but I can't. Iniisip ko na baka normal lang ang ganong pakiramdam.."
"George--"
"Hanggang sa mawala si Colline, at nakita kita, iba ang naramdaman ko.. Parang napunan yung kulang dito." sabay turo nya sa dibdib nya. "Pinilit ko sa sarili ko na si Colline ang hinahanap hanap ng puso ko. Pero nung makita ko ulit siya kanina? I didn't felt anything. Inisip kong mabuti ang lahat simula kanina, at napagtanto kong ikaw pala ang gusto ko Zoe, ikaw pa rin hanggang ngayon.." napatawa ako ng mapakla. I just can't believe na nasasabi niya lahat ng to ng ganon kadali. After what he have done to me, satingin nya ba mababago ng mga salita nya ang pagtingin ko sakanya? As if.
"I'm not the same person that you've met in the first place, George. Hindi ko na kayang tanggapin lahat ng sinasabi mo... lalo ka na." malamig kong saad sakanya. Let's be honest to each other, wala na akong nararamdaman para sayo.
"But Zoe, wala na bang pag-asa? Gagawin ko kahit ano, para sayo."
"Tss. stop it George." damang dama ko na ang galit sa sistema ko.
"Pero ikaw na mismo ang nagsabi, na kung gusto ko talaga, i-pursue ko. Patunayan ko ma deserve--"
"Ibang usapan yun George! We're talking about Colline and she's different to me... hindi ako tulad nya na kahit ilang beses mong saktan, babalik at babalik sayo. Hindi ako tanga para paniwalain ang sarili ko sa mga kasinungaling mo."
"Pero Zoe, mahal kita--"
*SLAP!*
Hindi ko na napigilan ang sarili kong sampalin sya. Para akong hingal na hingal na umalis sa tabi nya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa galit.
Gusto kong isumbat lahat ng nagawa nya sakin noon. Lahat ng paghihirap at sakit na ibinigay nya. Hindi ganito ang inaasahan kong mangyari pero naisip kong mabuti na rin na ganito nga dahil ako mismo ang nakapagbalik sakanya ng sakit. Mahal niya ako pero hindi na ganon ang nararamdaman ko para sakanya.
Papalapit na sana ako sa villa kung saan ang kwarto ko ng bigla na lang may humila sakin sa isang madilim na lugar.
"Let me go--"
"Sshh.. it's me."
"H-Hunter?" sa hindi malamang dahilan, bigla akong napayakap sakanya. Napapikit ako ng mariin habang isinisiksik ang mukha ko sa dibdib nya.
"Hey, you okay?" aniya. Naramdaman ko ang pagganti niya ng yakap sakin.
"Yeah.." kahit hindi. Kasi sa totoo lang, bumalik lahat ng masasakit na alaala sakin. Noon, si mama ang yumayakap sakin sa ganitong mga sitwasyon. Pero ngayong wala na sya, nakita ko si Hunter at sakanya ko nabuhos ang nararamdaman ko.
"I know you're not.." hindi ko na nagawang magsalita. Ilang minuto kaming nasa ganong sitwasyon bago ko mapakalma ang sarili ko. Aaminin ko, nahanap ko kay Hunter ang yakap tulad ng kay mama noon. Pakiramdam ko, safe ako sa mga yakap niya.
Nang humiwalay ako sa yakapan naming dalawa, bumungad sakin ang seryosong mukha ni Hunter. Para syang may gustong sabihin sa mga titig nya. Gusto ko syang tanungin pero walang lumalabas sa bibig ko. Para akong anghel na natahimik at naghihintay na lang sa sasabihin nya.
"I can't wait like a good boy anymore, Zoe." aniya sabay napahilamos ng mukha gamit ang kanyang mga palad.
"W-What--"
"Can we just stop pretending?" what? "Damn it! I can't hold back anymore.. I love you, Zoe." lumagabog ang puso ko sa sinabi nya.Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nawala ako sa sarili kong ulirat. Ni hindi ko magawang umimik sa sinabi nya.
Alam kong ito ang gusto ko simula pa noon, that Hunter needs to fall for me in order to ruin his life. Dapat matuwa pa ako dahil maisasakatuparan ko na ang binabalak ko sakanya pero....bakit iba ang nararamdaman ko?
----Don't forget to vote and comment mga beshie, nakakataba ng puso at mas ginaganahan ako mwaaa!
BINABASA MO ANG
Innocent Devil meets Naughty Angel
RomanceHunter: Ang tigas pa rin ng ulo mo! Zoe: Wow! Kung makapagsalita ka parang hindi ka ganon ah. Masyado kang pa-inosente! ----------------------------------- Hunter de la Vega, sikat sa pagiging gwapo, hot, basketball player, mayaman at notorious play...