Chapter 28: Walk out
Magdamag akong ginulo ng utak ko kakaisip sa sinabi ni Hunter. Para itong sirang plaka na paulit ulit na umaalingawngaw sa kokote ko. Kahit anong pilit kong gawin, hindi ko ito maialis sa isipan ko.
Alam kong gulat lang ang nararamdaman ko kaya hindi ko magawang matuwa kahit alam kong maisasakatuparan ko na ang plano ko. Hindi ko lang kasi talaga inaasahan na sasabihin nya ang ganong mga salita kagabi. Masyado syang pabigla bigla. Ni hindi man lang nya ako sinenyasan na may sasabihin syang I lo... I lov... Argh!
"Zoe--"
"Ayyy love you--shit!" napatakip akong bigla ng bibig ng makita sya sa tabi ko. Napakagat naman sya ng ibabang labi at halatang nagpipigil ng tawa sa nangyari.
"What? You what?" nakangisi nyang tanong. Tinabihan niya pa ako sa beach chair na inuupuan ko kaya sinamaan ko sya ng tingin.
"I. Hate. You."
"Aww..that hurts." aniya at humawak pa sa dibdib nya na kunwaring nasaktan nga sa sinabi ko. Sana totoo na lang para mas matuwa ako. Tss.
"As if."
"Pfft.. you're so cute." sabay pisil nya sa pisngi ko. Agad ko namang itinabig ang mga kamay nya. How dare him pinch my cheeks!
"Bakit nandito ka? Hindi ba't sinabi kong atupagin mo muna si Colline? That's our--"
"That's your plan. I know.." pinangunahan na niya ako. "Pero nakakaumay din, just for now, let me be with the girl I love."
"Oww shit!" muntik pa akong mahulog sa kinauupuan ko ng sabihin na naman nya yung word na 'love'. Allergic na ata ako sa salitang yun e. Ibang klase kase kung magreact ang sistema ko. Sobrang sensitive.
"Okay ka lang?"
"Umalis kana nga lang dito."
"Sungit. May period ka na naman ba?"
"Shut up Hunter." inirapan ko sya tsaka umayos sa kinauupuan ko. Ibinaling kong muli ang atensyon ko sa paglalagay ng lotion sa katawan ko. Huling araw na namin sa beach na to kaya susulitin ko na.
Nasa kalagitnaan ako ng paglalagay ng lotion sa kamay ko ng mapasulyap ako sakanya. He's biting his lower lip while looking at me.
"Stop doing that."
"Doing what?" he looks at me seductively. Gosh!
"Biting your lip like that."
"Oh, like this?" he bites his lip again, pero sa pagkakataong ito, mabagal at dahan dahan niya itong ginawa. Nanindig ang mga balahibo ko. Pakiramdam ko nang-aakit siya sa ginagawa nya.
"S-Stop it Hunter." bwiset! Bakit ganon ang pagkakasabi ko? Para akong nanginginig na ewan sa boses ko. Err!
"Why Zoe? Natutukso ka ba?" anya sa mapang-akit niyang boses. Napailing naman ako't iniwasan siya ng tingin.
"Pwede ba Hunter, wag mo akong itulad sa mga babae mo. I don't have the same mindset as them that can be easily turned on to a douchebag and manwhore like you." bigla siyang natahimik. Napatingin ako sakanya na ngayon ay seryoso at malamig na ang ekspresyon ng mukha.
Nagalit ba siya sa sinabi ko?
"Zoe." ---- "Hunter."
Parehas naming narinig ni Hunter ang pagtawag sa mga pangalan namin. Alam kong si George ang tumawag sakin at si Colline naman ang kanya. Pero sa halip na lingunin ko sila ay bigla bigla na lang akong hinatak ni Hunter sa bewang ko't walang pahintulot na hinalikan ang labi ko.
Parang nakaramdam ako ng kuryenteng dumaloy sa spinal cord ko ng haplusin nya paitaas ang kamay niya sa likod ko. Naka two piece lang ako kaya naman balat ko mismo ang nahahawakan nya. This is molestation!
"Hunter!" tinulak ko sya. Kita ko agad ang humahagulgol na Colline sabay walk out papalayo samin. Si George naman ay halatang nadismaya sa nakita nya't sinundan ang daan na tinungo ni Colline.
"This is what you want, right?" malamig na saad ni Hunter bago tumayo sabay walk out rin.
Seriously?! Para saan ang walk-out na yun? Galit ba sya sa inasta nya? Did I say something wrong? Ang saya niya pa lang kaninang nang-aasar sakin ah? Tsaka hindi ko naman sinabing halikan niya ako diba? Pero naisip ko, tama rin ang ginawa nya para sabay na masaktan si Colline at George. Don't tell me nakonsensya pa pala si Hunter sa reaksyon ng dalawa? Aish!
---
BINABASA MO ANG
Innocent Devil meets Naughty Angel
RomansaHunter: Ang tigas pa rin ng ulo mo! Zoe: Wow! Kung makapagsalita ka parang hindi ka ganon ah. Masyado kang pa-inosente! ----------------------------------- Hunter de la Vega, sikat sa pagiging gwapo, hot, basketball player, mayaman at notorious play...