Chapter 68: I'm fine
Hindi tulad nung nakaraang mga araw, halos hindi ako mapakali kakaisip kay Hunter. Kung anu-anong pumapasok sa isip ko na wala naman pa lang katuturan. Mabuti na lang at nalinawan na ako sa kung anong dapat kong paniwalaan. Wala na ngayon ang pagdududa ko na kasama ni Hunter ang ex niya. Oo at minahal rin ni Hunter si Claudette, pero malaki ang pagkakaiba ng noon sa ngayon. Ako na ang ngayon at hindi na maibabalik pa ang noon.
"Good morning ma'am." nakangiting bati ng isang saleslady pagpasok ko ng Parisian store. "How can I help you?" sandali kong nilibot ang paningin ko.
"Saan dito yung latest heels and sandals niyo?" tanong ko.
"Doon ma'am, samahan ko po kayo." sagot ng saleslady sabay hakbang niya papalakad. Sumunod naman ako.
Dahil Sabado ngayon, naisipan kong mamili muna ng mga bagong gamit ko. Nakakabored lang rin naman kung sa bahay lang ako magse-stay. Wala naman kasi akong gagawin kundi ang tumitig sa wall clock at maghintay ng oras ng pagvi-video call namin ni Hunter.
"Eto po lahat." saad ng saleslady habang nakalahad ang isang kamay niya paturo sa isang direksyon. Hinarap ko ang mga tinutukoy niyang bagong koleksyon ng mga sandals at heels.
"Thanks." utas ko.
Iniwan na rin naman ako ng saleslady kaya nagawa kong tumingin sa mga naka-display na sapatos. Habang nagmamasid ay naagaw ng atensyon ko ang isang pares ng pulang pointed heels. Nasa malayo pa lang ako ay nagandahan na ako kaya agad kong nilapitan iyon.
Sa paghawak ko sa mga heels ay hindi ko inaasahang may makakasabay akong kukuha dito. Hindi ko iyon binitawan at ganon rin ang isang kamay. Kunot noo kong nilingon ang babaeng kaagaw ko sa heels at ganon na lang ang pagkabigla ko nang mapagtanto kung sino ang nasa harap ko.
si Colline..
"Zoe?!" hindi makapaniwala niyang saad. Nagtaas ako ng isang kilay. Binigyan ko siya ng nandidiring tingin simula ulo hanggang paa.
Hindi pa rin siya nagbabago.
Sinubukan kong agawin ang heels pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya dito.
Sinamaan niya ako ng tingin. "Let it go." aniya.
Natawa naman ako ng mapakla. "Ano ka? Si Elsa ng Frozen? Psh." pilosopong sagot ko tsaka siya inirapan.
Tumaas rin ang isang kilay niya sa pagtataray. "Ako ang nauna dito, kaya akin 'to." madiin niyang sagot niya na halatang nainis sa sinabi ko. Hindi naman ako nagpatinag at mas lalo siyang inasar.
"Pake ko?"
Pinilit niyang kunin ang heels pero hindi ko siya hinayaan. "Ano ba? Bitawan mo nga!" nanggigigil niyang sambit. Napapatingin na ang ibang mga taong napapadaan samin pero binalewala ko lang.
Ngumisi ako. "Ako na ang nagsasabi sayo Colline, masasayang lang ang pera mo dahil hindi 'to babagay sayo." totoo naman. Masyado niyang pinagpipilitan ang mga bagay na hindi naman para sakanya.
Sandali siyang napalingon sa ibang direksiyon bago ako sagutin. "Ganyan ka ba talaga, ha Zoe? Inagaw mo na nga si Hunter, pati ba naman sapatos hindi mo palalampasin? Ha!" sarkastikong utas niya.
Medyo nakaka-offend ang sinabi niya ah?
Ngumiwi ako. "Bakit, may magagawa ka ba?"
"Oo." biglang nanlaki ang mga mata ko ng magawa niyang agawin ang heels. "Dahil hindi na ulit kita hahayaan."
TSS. REALLY HUH?!
"Come on, Colline." lumapit ako sakanya tsaka siya tinitigan ng diretso sa mga mata. "Think TWICE." bulong ko sabay pwersahang kinuha ang heels sakanya. Sinubukan niya pang agawin ito pero hindi na niya nagawa dahil sa nilalayo ko ang heels sakanya.
"Sorry...this were already mine." nakangising saad ko tsaka siya tinalikuran.
"Babalik rin sayo lahat ng ginagawa mo, Zoe." natigil ako sa sinabi niya tsaka siya hinarap. "Ipagpapalit ka rin ni Hunter sa iba. You'll see, masasaktan ka rin." saad niya sa tonong nananakot. Ngumiti naman ako tsaka nagkibit balikat sakanya.
"We'll see about that." huling sambit ko para ipakitang hindi ako naapektuhan sa sinabi niya bago ko siya iwanan.
Aaminin kong nakaramdam ako ng kaba sa sinabi ni Colline. Para kasi siyang nagbitaw ng sumpa na siguradong mangyayari pagdating ng panahon. Ipagpapalit ako sa iba ni Hunter? Kanino naman?
Napapikit ako ng mariin tsaka napailing. Hindi na dapat ako mag-isip ng walang kwentang bagay na makakasira lang sa relasyon namin ni Hunter. Ayoko ng maulit ang pangangamba ko ng dahil lang sa mga naririnig ko sa ibang tao. Mas mabuting kay Hunter ko na lang ituon ang atensyon ko para hindi na maulit ang pagdududa ko sakanya.
Sa pagsapit ng gabi, excited na naman akong makavideo call ulit si Hunter sa skype. Mabilis akong naligo at nagpalit ng damit para lang makuha ang laptop ko't makapag-online. Ngingiti-ngiti pa akong naghihintay sa paglo-loading ng account ko, hindi na kasi ako makapaghintay.
Hindi niyo naman ako masisisi kung araw-araw ko siyang namimiss.
•Hunter is online
Online na pala siya pero bakit hindi pa siya tumatawag? Hmmm... hindi na lang ako nag-isip ng kung ano at ako na ang kusang tumawag sakanya.
Ring...
Ring...
Hindi niya sinagot kaya inulit kong muli.
Ring...
Ring...
Napakunot ako ng kilay ng hindi niya pa rin sagutin ang pangalawang tawag ko. Inisip kong baka hindi niya lang napansin kaya inulit ko na lang ulit.
Ring...
"Oh, hey Zoe!" nakangiting bati ni Hunter na halatang masaya. May nangyari sigurong maganda ngayong araw na 'to kaya siya ganyan.
"Hi Hunter. Kumusta? ang saya mo ata ngayon?" tugon ko.
Tumango naman siya. "Absolutely! Na-approve kasi ang report namin sa naganap na association meeting kanina. Akala ko talaga hindi yun tatanggapin dahil marami ring shareholders na magagaling kanina." paliwanag niya. Ang saya sa pakiramdam na nakikita siyang masaya. Nakakagaan ng loob.
Ngumiti naman ako. "Really? Wow! I'm happy for you!"
"Thanks, my love...buti na lang nga at nag-effort kami ni Claudette para dun." sinubukan kong hindi mawala ang ngiti ko kahit nakaramdam ako ng pagkirot sa puso ko.
Easy Zoe... wag kang mag-isip ng kung ano. Trabaho lang yan.
Humugot ako ng malalim na hininga. "Talaga? Edi ibig sabihin tapos na kayo?"
"Yep."
"So it means, makakauwi ka na?" nakangiting tanong ko.
"Uhh.." napakamot siya ng ulo sabay lunok. "Hindi pa rin Zoe... may susunod pa kasing darating na potential customers at ibang stakeholders. Kailangan pa ako dito para makatulong sa pag-i-introduce ng business ng kumpanya namin... alam mo na, para umangat pa lalo." hindi ko nagawang kumibo agad. Gusto kong umangal pero ANO BANG MALAY KO SA USAPANG KUMPANYA? Kahit siguro sabihin kong kailangan ko rin siya dito sa Pilipinas, mas pipiliin niya pa ring tumulong doon dahil mas importante ang kumpanya nila. Mukha ngang sakanya na nakasalalay ang pag-angat ng negosyo nila.
Bumuntong hininga ako. Wala akong magagawa kundi ang intindihin at maghintay na lang sakanya.
"Zoe??" tawag niya.
Napakurap-kurap akong humarap sakanya. "Huh? Uhh.. o-okay lang yan, suportado lang ako sayo." saad ko sabay pakita ng ngiti sakanya.
"Really? Thank you Zoe! Ang swerte ko talaga sayo." masayang sambit niya sabay taas baba ng dalawang kilay niya.
"Kumain ka na ba dyan?" pag-iiba ko ng usapan.
Ngumuso siya. "Hindi pa nga e. May hinahanap kasi akong ibang pagkain.."
"Ano naman?"
"Yung luto mo." LETCHE! kahit na gusto kong magtampo sakanya, hindi ko maiwasang hindi kiligin sa mga banat niya. Mas lalo ko tuloy siyang namimiss. Haaay.
"Ikaw talaga. Hayaan mo, kapag umuwi ka dito, palagi kitang ipagluluto."
"Really?! O God. nasasabik na tuloy ako sayo." natatawang sabi niya. Napakagat naman ako ng lower lip sa tuwa. "I miss you, Zoe.."
"I miss you too, Hunter." so much.
Suminghap siya. "Pagbalik ko, babawi ako sayo. I promise that.." please Hunter... don't break your promise dahil aasa ako.
Magsasalita na sana ako ng biglang may nagsalitang lalake sa kabilang linya. "Mr. de la Vega, hinihintay na po kayo sa labas." tiningala iyon ni Hunter tsaka sumagot.
"Oh? Alright." matipid niyang sagot tsaka muling binaling ang tingin sakin.
"Zoe, pupunta na muna ako sa labas ng office. Nagpahanda kasi ng lunch party si Claudette.." napapakamot ulo niyang pagpapaalam. Agad na napawi ang ngiti ko. Ramdam kong bumigat at bumagal ang pagtibok ng puso ko. Gosh.. Bakit??
Bakit Claudette na naman?!
"S-Sige...bye." nauutal kong sagot. Para kasing may kung anong nakabara sa lalamunan ko.
Shit! Naiiyak ako!
"Bukas ulit ah? Matulog ka na dyan, wag ng makipag-chat sa iba haha! Good night. I love you Zoe." kung sabihan rin kaya kitang wag ng makipag-usap kay Claudette? Ugh!
"Yeah, take care. I love you too." sagot ko sabay end ng video call.
Sakto namang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Para akong naghihingalo sa paghinga dahil sa bigat ng nararamdaman ko. The hell! Bakit kasi ganito? I wanted to talk about it. I wanted to scream. I wanted to yell. I wanted to shout about it. But damn it 'cause all I can do is to pretend in front of him that I'm fine.
---
BINABASA MO ANG
Innocent Devil meets Naughty Angel
RomanceHunter: Ang tigas pa rin ng ulo mo! Zoe: Wow! Kung makapagsalita ka parang hindi ka ganon ah. Masyado kang pa-inosente! ----------------------------------- Hunter de la Vega, sikat sa pagiging gwapo, hot, basketball player, mayaman at notorious play...