Chapter 36: I need him
Sa araw ding iyon, nakalabas ng agad ng ospital si Stella. Pwede naman daw syang sa bahay na lang bumawi ng pahinga sabi ng doktor. Sakay ng kotse ni Hunter, hinatid niya ako sa gym. Doon ko kasi iniwan ang kotse kong naka-park. Hindi na siya nagtagal dahil kailangan niya pang ihatid papauwi si Stella.
Sinisimulan na nga nya ang plano.
Nang makauwi ako, agad akong bumulagta sa kama ko. Dahil sa pagod, hindi ko na napansing nadiretso ko na ang tulog ko.
Tanghali na akong nagising. Inabot ko agad ang phone ko at nakitang may mga text message na galing sa mga kaibigan ko. Isa isa ko yung binasa at iisa lang ang ipinaparating nila, niyayaya nila akong mag-mall. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa't pumayag naman ako. Tutal pahinga ko naman ngayon sa pag-g-gym.
"Naks! On time!" salubong ni Skylar ng makarating ako sa table na kinauupuan nila.
"Sorry, traffic kasi." at tinanghali na rin ako ng gising.
"As you've said. Osya, order ka na." turo nya sa waiter na ngayon ko lang napansing nakatayo sa tabi ng table namin.
"Nakapag-order na kayo?" tanong ko.
"Yep." sagot ni Hailey sabay abot ng menu sakin. Sinulyapan ko namang agad iyon para makapili na ako. Ilang beses na kaming nakakakain sa Filipino restaurant na to pero hindi ko pa natitikman lahat ng putahe nila. Masyado kasing marami. Kaya as much as possible, iba iba ang pinipili ko para matikman lahat.
"Kaldereta and buko shake." utas ko sa waiter na mabilis niyang sinulat. Inulit niyang muli ang mga orders namin para kumpirmahin. Pagkatapos ay agad rin siyang umalis.
"Kanino yung sisig?" tanong ko. Nagtaas naman si Skylar ng kamay at ngumiting aso.
"Gosh. Hindi ka pa ba nagsasawa dun?" palagi na lang kasing yun ang order nya sa tuwing dito kami kumakain.
"Ang sarap kasi e."
"Pft. Masanay kana dyan." natatawang saad ni Sasha. "Alam mo namang loyal sa Chrisisig." madiin niya pang sinabi ang huling salita. Natawa namang kaming lahat dahil napunta na sa ibang usapan ang tinutukoy ni Sasha.
"Uy ano ba kayo, nakakahiya kay sister-in-law." kunwaring nahihiyang saad ni Skylar. Nakita ko pang napapailing si Autumn sa pagtawa. Tuluy tuloy lang sila sa pagkekwento hanggang sa makarating sila kay...
"Nakita pala namin si Hunter kanina." utas ni Hailey. Saktong kadarating lang rin ng mga order namin.
"Oh?" saad ko ng hindi siya nililingon.
"Oo nga, may kasama syang babae." dagdag ni Skylar dahilan para mapaharap ako sakanila. "Payat, curly hair, morena pero...hindi maganda." pabulong pang saad nya sa dalawang huling salita. Natawa naman ako. She's referring to Stella.
Buti naman at ginagawa na ni Hunter ang trabaho nya.
"Diba sabi mo wala na sila ni Colline? So sino yung babaeng kasama nya kanina?" halatang hindi alam ni Autumn na ex ni Mckey ang kasama ni Hunter. Mabuti ng wala na rin syang alam. Mukha rin naman kasing walang alam ang Stella na yun na si Autumn ang mahal ni Mckey ngayon.
"I forgot her name pero alam ko yun yung bago ni Hunter.." sagot ko.
"Really? Bilis naman nyang magpalit." gulat na ani ni Sasha. Tumango naman ako bilang sagot.
"Playboy daw kasi yun sabi ni Chris." dagdag ni Autumn habang ngumunguya ng pagkain nya. Napatangu tango ang lahat.
"Oo nga pala Zoe, diba sabi mo noon na si Hunter ang susunod mong pababagsakin. Anyare?" usisa ni Hailey.
"Hm. Yeah, hindi naman ako nakakalimot."
"So talagang desidido kang pabagsakin yung taong yun?"
sumulyap ako sakanilang lahat na halatang naghihintay sa isasagot ko. "Yeah.."
"Pagkatapos mo syang pabagsakin, anong gagawin mo?"
Nagkibit balikat na lang ako't natawa sa sinabi nya. Natahimik na ang lahat sa pagkain. Hindi naman mawala sa isip ko ang tungkol kay Hunter. Hindi ko kasi alam kung pababagsakin ko pa rin ba sya matapos kong malaman ang nakaraan nya? Hindi dapat ako makaramdam ng awa, pero hindi ko maiwasang makita ang sarili ko sakanya.
Napabuntong hininga ako.
Hindi ko alam ang dapat kong isagot sa sarili kong tanong. All I know is that I need him for my plans. Pakikinabangan ko muna siya bago ko maisipan ang dapat kong gawin sakanya.
----
BINABASA MO ANG
Innocent Devil meets Naughty Angel
RomanceHunter: Ang tigas pa rin ng ulo mo! Zoe: Wow! Kung makapagsalita ka parang hindi ka ganon ah. Masyado kang pa-inosente! ----------------------------------- Hunter de la Vega, sikat sa pagiging gwapo, hot, basketball player, mayaman at notorious play...