Chapter 76

3.6K 132 5
                                    

Chapter 76: Tomorrow
    
    
  
  
  
Pagkatapos ng gabi ng pag-uusap namin ni Hunter, napagdesisyunan ko na ring umuwi sa bahay namin.
   
   
Sa paglipas rin ng tatlong araw, hinayaan ako ni Hunter sa gusto kong oras para sa sarili ko. Hindi siya nangungulit pero nandiyan pa rin ang paminsan minsan niyang pagte-text. Madalas ko rin siyang nasasaktuhan sa labas ng university namin pag oras na ng uwian. Akala niya siguro hindi ko napapansin ang pagmamasid niya sakin na para bang binabantayan ako.
    
  
Hinahayaan ko na lang rin siya lalo na't may parte sa sistema kong natutuwa sa ginagawa niya.
     
     
Sa mga oras ring nagdaan, napag-isip-isip ko rin ang mga sinabi niya. Narealize kong mahal niya talaga ako at masyado lang akong nadala sa galit at sakit na nararamdaman ko. Maling pinag-isipan ko siya ng masama lalo na't hindi ko pala nasaksihan ang lahat ng pag-uusap nila ni Claudette noon.
   
  
*riiiing! riiiing!*
   
Skylar is calling...
   
  
Sinagot ko.
  
  
"Hello--"
   
 
"Zoe, si Hunter!" halos mapalundag ako sa kinauupuan ko sa pagsigaw ni Skylar sa kabilang linya.
  
 
"W-What happened to him?" sobrang lakas at bilis ng tibok ng puso ko. Kinabahan akong agad sa mga naiisip kong idudugtong ni Skylar sa sasabihin niya.
   
 
"Uhh, si Chris ano, sabi niya ahmm.. nasa bar daw si Hunter tapos ayun nag-aano siya--"
  
 
"Skylar!" pagtawag ko sakanya. "Calm down, okay?" sa tono kasi ng pananalita niya, para siyang natataranta na ewan. Pati tuloy ako naaapektuhan.
    
  
"Okay.." narinig ko ang pag-inhale-exhale niya sa kabilang linya. "Nagtext kasi si Chris. Sabi niya, nagkakayayaan daw silang uminom ni Hunter sa Luxury bar. Tapos..."
  
 
"Tapos??" saad ko agad. May nalalaman pa kasi siyang pa-intense feeling. Mas lalo lang tuloy akong kinakabahan.
  
  
"Tapos napapadami na daw ng inom si Hunter... okay naman daw sa simula.. Kaya lang nung tumatagal, ayaw na niyang magpaawat.. Puro daw pangalan mo na ang binabanggit niya. Muntik pa nga daw mapaaway sa iba kundi lang siya pinipigilan ni Chris."
  
 
Napakunot ang noo ko. "So... what should I do?"
  
  
"Duh! Edi puntahan mo siya sa Luxury bar. Ikaw na mismo ang pumigil sakanya sa pag-inom at baka ano pang magawa niya na ikakapahamak niya." napabuntong hininga ako. Ayoko rin namang malunod pang lalo sa alak ang lalakeng yun at baka ano pa ngang magawa niya sa sarili niya.
   
  
"Fine. I'll go."
  
  
"Okay, sasabihan ko na lang si Chris. Take care Zoe."
  
 
"Yeah thanks." sabay end ng call.
  
  
Tinungo ko ang closet ko't kumuha ng dress na ipampapalit ko papuntang Luxury bar. Matagal na rin akong hindi nakakapunta sa lugar na yun at ayoko namang pantulog lang ang soot kong makikita ng mga tao.
   
  
        
  

Aaaaaaaand..........Done!
    
   
   
  
Mabilis kong tinungo ang kotse ko tsaka pinatunog ang alarm. Sa pagbukas ng gate ay siyang pagmaneho kong agad papunta sa bar. Ilang beses akong napapabuntong hininga sa ideyang naglalasing si Hunter dahil sakin. Tss. That's Impossible. Baka namiss niya lang pumunta sa bar lalo na't isang buwan rin siyang nagtagal sa Italy.
   
   
Hanggang sa mai-park ko ang kotse ko, diretso akong pumasok sa loob ng bar. Sumalubong agad ang mga matang nakatitig sakin. Hindi na rin naman bago sakin to noon pa kaya binalewala ko na lang sila.
   
  
Napalinga-linga ako sa loob.
   
  
Agad kong nabatchawan ang mga taong nakalupong sa may gitna ng dance floor. Naningkit ang mga mata kong nagmasid doon. Inakala ko nung una na nagsasayawan sila pero hindi pala. Napansin kong may pinalilibutan silang dalawang lalake sa gitna na halatang gumagawa ng eskandalo.
 
 
"Shit." bulong ko ng mapagtantong si Hunter pala ang isa sa mga lalake na mukhang nag-aamok pa ng away.
  
 
Nagmadali akong naglakad patungo sa gawi niya. Kita ko pa ang paghawak sakanya ni Chris sa balikat para pigilan siya. "Hayaan mo na siya bro!" saad pa ni Chris na mukhang nahihirapan ng awatin si Hunter.
   
 
"Bakit?! Siya naman 'tong nauna ah!" pasinghal na sambit ni Hunter habang dinuduro ang lalakeng nasa harapan niya na mukhang naka-engkwentro niya.
    
  
"Pumatol ka naman dahil apektado ka. Ha! Aminin mo na kasi Hunter. Iniwan ka ng pinagmamalaki mong girlfriend na si Zoe Quinn dahil sa ugali mo!" WHAAAAT?! Don't tell me na ako ang dahilan ng pag-aaway nila? Ugh!
  
  
"Tangina! Sumosobra ka na talaga!" galit na ani Hunter. Ambang susuntukin na sana niya ang lalake ng mabilis akong napatakbo sa harapan niya para pigilan siya. "Hunter, tama na.." sobrang kinakabog na ang puso ko sa takot. Hindi ko na kayang maulit ulit yung nakita kong pagsuntok sakanya tulad nung nangyari sakanila ni Daniel noon.
    
  
"Zoe.." mahinahon niyang saad. Kita ko ang malalim at mabigat niyang paghinga. Natahimik ang lahat na para bang hindi makapaniwala sa pagsulpot ko. "Sabihin mo, hindi mo ako iniwan, diba?" hinihingal niyang saad.
    
 
Mabilis na napalitan ng galit ang kaninang takot na nararamdaman ko. Hindi ko na nagawang sagutin si Hunter dahil sa masamang pagtitig ko sa mga taong nakapaligid samin papunta sa lalakeng nakasagutan ni Hunter. Napaatras siya ng kaunti. Para siyang nakakita ng multong tumitig sakin simula ulo hanggang paa sabay lunok.
   
 
Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Sinong nagsabi sayong iniwan ko siya?" pagtataray ko sa lalake.
  
  
"Y-Yun kasi ang kumakalat na chismis sa NAU at Epidòseis.." nauutal niyang sagot.
   
 
Napa-crossed arms ako sabay lapit sakanya. "Kalalake mong tao pero nakikichismis ka." nginiwian ko siya. "Sa susunod, kung makikichismis ka na lang rin naman, doon na sa totoo.. Hindi yung sasabihin mong iniwan ko si Hunter kahit hindi naman siya kaiwan-iwan." madiin kong sabi sakanya. Napaiwas siya ng tingin tsaka tumango.
  
 
"Pasensya--"
 
 
"Get out!" mabilis siyang napasunod sa utos ko. Ganon lang pala kadaling sagutin ang lalakeng yun. Ang laki ng katawan pero duwag naman pala.
  
 
Tss.
   
 
"Kayo, ano pang tinitingin-tingin niyo? Alis!" iritado kong sambit sa mga taong nakapaligid samin. Kita na kasi nilang tapos na, tutunga-tunganga pa.
   
 
"Wow Zoe.." namamanghang sabi ni Chris dahilan para mapaharap ako sakanya. Ngumiti lang ako ng kaunti tsaka bumuntong hininga.
  
 
Binigyan ko ng seryosong titig si Hunter na ikinagulat naman niya. Para siyang nagtransform sa isang maamong tuta sabay napayuko. "Sorry.." malumanay niyang sabi. 
  
 
Napalunok ako. "Halika na." matipid kong sagot tsaka hinawakan siya sa kamay para hilahin papalabas ng bar. Hindi naman ako nahirapang isakay siya sa kotse ko dahil kusa siyang naglalakad para sumama sakin kahit na para siyang zombie sa paglalakad.
   
 
"Ako ng maghahatid sakanya. Salamat sa pagsama sakanya dito Chris." pagpapaalam ko kay Chris.
  
 
Ngumiti naman siya. "Wala yun. Pasensiya kana at naabala pa kita. Ayaw kasi niyang magpapigil sakin simula kanina pa...buti na lang at dumating ka pa rin para sakanya." napakagat ako ng ibabang labi sabay tango para sumang-ayon sakanya. "Ingat kayo ah? Sana magkaayos na kayo." huling saad ni Chris bago siya pumunta sa sasakyan niya.
   
  
Napailing-iling na lang ako sabay ngiti sa ideyang magkakaayos naman talaga kaming dalawa. Sa ngayon, ihahatid ko muna ang lalakeng to sa condo niya para makapagpahinga na rin siya.
 
 
  
    
Nang maiparada ko ang sasakyan ko sa building kung nasaan ang condo ni Hunter, nagpatulong akong agad sa dalawang security guard para akayin siya. Tinapik tapik ko na ang pisngi niya para magising siya. Nakatulog kasi siyang agad sa sasakyan ko dahil sa kalasingan. Haaaay!
   
  
"Hunter, wake up." ilang beses kong paggising sakanya. Sa inis ko ay sumigaw na ako. "Hunter!" mabilis siyang napamulat ng mata sabay tayo agad. Naumpog pa ang ulo niya sa kotse kaya natawa ako ng kaunti.
  
 
Letche! Lasing na nga ang isang 'to!
   
  
"Nasa langit na ba tayo?" tanong niya habang pilit na binunuka ang mga mata niya. Inirapan ko na lang. "Ohh sorry, I thought you're an angel sent from above." bwiset to. Nakuha pang mambola kahit lasing na.
   
 
"Sige na po, paki-alalayan na lang po siya sa paglalakad." utos ko sa mga guards. Hindi naman na naglikot pa si Hunter hanggang sa makarating kami sa kwarto niya at maihiga siya sa kama niya.
 
 
"Salamat po." saad ko sa dalawang guard bago isara ang pinto.
   
  
Tumungo ako sandali sa bathroom para kumuha ng maligamgam na tubig na ipanghihilamos ko kay Hunter. Nang balikan ko siya ay nadatnan ko ang nakalupasay niyang katawan habang mahimbing na natutulog.
 
 
Napasinghap ako ng malalim bago i-unbutton ang soot niyang puting polo. Halos mapalunok na ako ng ilang beses ng dahan dahan ko ng masilayan ang dibdib at abs niya. Hindi ko inaasahang ganito pa rin akong nadadala sa kakisigan niya kahit lasing na siya.
   
 
Easy Zoe, easy!
   
  
Matapos ko siyang hilamusan ng bimpo at mapalitan ng damit ay ako naman tong naghanda sa pag-alis ko.
   
 
"Ohh, hey there...my Zoe Quinn." natigil ako sa pagsasalita ni Hunter. Dahan dahan pa itong kumukurap habang nakatitig sakin. Hindi ko naman mapigilang matawa sa itsura niya dahil mukha talaga siyang may amats.
  
 
Kumunot ang kilay niya. "Anong nakakatawa?" tinayo niya ang sarili niya papaupo tsaka lumapit sakin. Amoy na amoy ko ang alak sakanya. "Mukha ba akong clown?" halos pabulong niyang saad.
  
 
Napakagat ako ng lower lip at pinilit na tumingin ng masama sakanya. "God Zoe! Stop staring at me like that... you're seducing me!" nangunot na rin ang kilay ko. "You know, if you want to have sex with me, you can just ask for it." nakangisi niyang saad. Ramdam kong uminit ang pisngi ko kaya mabilis ko siyang naitulak papalayo.
   
 
Kinilabutan ako!
   
 
"Mukha ka namang hindi lasing kaya maiwan na kita." pagsusuplada ko. Sa pagtayo ko ay siyang paghila naman niya sakin pabalik sa kama.
 
 
Gosh!
 
 
Niyakap niya ako. "No Zoe...please, stay with me." mas lalong humigpit ang yakap niya. Ibinaon niya pa ang mukha niya sa leeg ko dahilan para maramdaman ko ang mainit niyang paghinga. "I don't want to sleep alone tonight.."
 
  
Napapikit ako ng mariin at pilit na kumalas sa yakap niya. "No Hunter.. I told you, I need time for myself.." hindi naman sa nagpapakipot ako pero gusto ko na kapag nagkaayos kaming dalawa, dapat ay yung maayos rin ang lagay niya. Hindi yung ganitong lasing siya.
   
 
Paano na lang kung kinabukasan makalimutan niya diba?
   
 
Ay basta!
   
   
"Until now?" malungkot niyang tanong.
 
 
Tumango naman ako. "Yeah.."
  
 
Napahilamos siya ng mukha gamit ang mga palad niya't nagpakawala ng malalim na paghinga. "I can't carry on this way anymore, Zoe... I can't live like this knowing that you're not with me." nilagay ko ang mga kamay ko sa magkabilang pisngi niya.
  
 
"For now, have some rest for yourself.." sandali akong natigil para ngitian siya. "Because tomorrow, everything will be okay." unti-unting umangat ang labi niya senyales na natuwa siya sa sinabi ko.
  
  
 
---
   
 
Emegesh! Don't forget to vote and comment mga beshie! mwaaa!

Innocent Devil meets Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon