Chapter 59: Punch
Umaga na naman. Kanina pa ako gising dahil sa pagkauhaw. Bumangon lang ako para uminom at mag-toothbrush tsaka muling bumalik sa tabi ni Hunter. Pinagmasdan ko ang maamo at natutulog niyang mukha. Napangiti ako nang maalala ko ang mga nangyari kagabi. Masyado ata siyang napagod kaya hanggang ngayon ay sarap na sarap siya sa pagtulog niya.
Dahan dahan kong hinawakan ang pisngi niya paakyat sa magulo niyang buhok. Pinaglaruan ko ang bawat hibla nito habang nakatitig sakanya. Ang gwapo niya.
"Good morning...beautiful." bati niya habang nakasilip pa ng kaunti ang mga mata niya.
Ngumiti ako, "Good morning... handsome."
Kinusot niya ang mga mata niya't napatawa ng kaunti. Tinitigan niya ako ng diretso kasama ng pagpatong niya ng isang kamay niya sa mga pisngi ko. Kumikislap ang mga mata niya na para bang minememorya ang bawat bahagi ng mukha ko.
"Hindi ako makapaniwala na akin ka na talaga, Zoe." inipit niya sa tenga ko ang iilang hibla ng buhok ko. "You are the love that came without warning... you had my heart before I could say no."
Naningkit ang mga mata ko. "So it means, if you have a chance to say no, you would?"
"Pft. Syempre hindi." walang alinlangan niyang sagot.
Napairap ako. "Tss. Sa dami ng mga napipikot mong babae simula noon, pwede ka pang makapili hanggang ngayon."
"Aww! noon lang naman yun. Tsaka girlfriend na kita ngayon kaya--"
Napaupo ako. "Sinong nagsabing girlfriend mo na ako, aber?"
Napataas siya ng isang kilay tsaka ngumisi. "Ikaw... you started crying and smiling while saying 'Yes of course Hunter--" mabilis kong tinakpan ang bibig niya. Kunwari pa siyang napapaiyak sabay punas sa mata niya na halatang ginagaya ang dating ng pagsabi ko nun sakanya kagabi. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mahiya. Sa sobra ko atang emosyonal ay para na lang akong baliw na pumayag sa alok niya. Err!
Gusto ko naman talaga siyang sagutin pero hindi sa ganong...aist!!
"Gosh Hunter! Forget about that!"
Inalis naman niya ang kamay ko sabay hagalpak niya sa tawa. "Why would I? That's one of the most memorable moments we have..." natigil siya sa pagtawa't ngumiti. "and I'll never forget that."
Napakagat naman ako ng ibabang labi sabay iwas ng tingin. Eto na naman siya sa pagpapakilig sakin. Ayoko pa man din ng ganitong pakiramdam lalo na't mukhang obvious ako dahil sa pamumula ng mga pisngi ko.
"Zoe.." biglang nagseryoso ang mukha niya nang mapaharap ako sakanya.
"Hmmm?"
Bumangon siya sa pagkakahiga at pumantay sa pagkakaupo ko. "Since we're in a relationship..." sandali siyang natigil para himasin ang batok niya. "Maybe we can...you know."
"What?"
"You know, we can do that stuff.." nakataas na kilay niyang saad na halatang hindi ako madiretso sa sinasabi niya.
"What stuff?"
Yumuko siya sabay buga ng hininga bago ako lingunin. "Sex stuff--"
*BOOOGSH!*
Mabilis ko siyang nasipa dahilan para mahulog siya sa kama. Kinuha ko pa ang kumot sabay takip sa katawan ko. "The heck Zoe, what was that for?" tanong niya nang mapabangon mula sa pagkakahulog. Hinihimas niya pa ang ulo niya na mukhang napukpok sa sahig.
Kasi naman! Bakit niya pa kailangang sabihin yun? Ugh!
"Ang horny mo!" bulyaw ko. Dahan dahan namang umangat ang labi niya, he smiled...seductively.
"It's not that I'm horny, Zoe." pinatong niya ang dalawang kamay niya sa kama at nagsalumbaba. Napalunok ako. "It's just that you're fucking sexy." nanindig ang mga balahibo ko sa bigla niyang paggapang papaakyat ng kama. Napaatras naman ako dala dala ang kumot.
"The hell Hunter! You're creeping me out!" hindi naman siya nagpatinag at nagpatuloy pa rin sa ginagawa niya.
"Why, Zoe? Don't you like that? We can also make a baby right now." WATDAFAK?!!
"Oh God! Shut up!" nakababa na ako sa kama sa pag-atras ko sakanya pero eto pa rin siya sa nakakakilabot niyang paggapang.
"Mas masosolo na kita nun." sa paglapit niya sakin ay siyang pagpingot kong agad sa tenga niya. Napa-aray siya sa sakit pero hindi ko naman ito pinansin. "Aww Zoe! It hurts!"
"Bagay lang sayo 'to." madiin kong sambit habang napapasunod siya sa paghila ko sa tenga niya. "Go inside and repent yourself!" utos ko sakanya nang makatapat kami ng bathroom.
"But why?" nakangusong tanong niya.
"Ayaw mo? Kung ayaw mo aalis na lang ako--"
"No! No! I'm going, okay?" aniya sabay pakita sakin ang pagpasok niya ng bathroom. Sinamaan ko naman siya ng tingin at kusa ko ng sinara ang pinto.
"Wag kang lalabas hanggat wala pa akong sinasabi." saad ko bago tumungo sa kama at mapaupo. Halos himatayin ata ako sa puso sa ginawa niya. Buti na lang at nagawan ko agad ng paraan.
Ibang klase talaga kung sumumpong ang kabaliwan ng lalakeng yun!
"Zoe, sorry na...biro lang naman yun e." pagmamakaawa niya sa loob.
"Ewan ko sayo."
"Bakit pa kasi kailangan mo akong pahirapan ng ganito?" wow! kung makapagsalita naman siya akala mo sobrang hirap makulong sa bathroom. E hindi naman siya magtatagal diyan. Tss.
"Pasalamat ka nga at yan lang ang inabot mo."
"Salamat."
"Bwiset! Bahala ka diyan!" napairap ako sabay walk-out papalabas ng kwarto. Hindi ko na nga nasara ang pinto sa pagmamadali.
Wala naman akong balak na umalis ng resort. Bababa lang ako para magpahangin. Napansin ko agad ang mga tingin ng mga taong nadadaanan ko. Alam kong hindi dahil sa nakasoot pa ako ng fitted shirt at panjama kundi dahil sa mga nasaksihan nila kagabi. Nagkunwari na lang akong hindi sila napapansin at nagpatuloy sa paglalakad.
Naagaw agad ng atensyon ko ang mga batang tuwang tuwang lumalangoy sa swimmimg pool. Pati ako ay napapasama sa mga ngiti nila habang pinapanood sila. Kung maaari lang na dito na lang ako manirahan para malayo sa maingay at magulong buhay na kinasanayan ko sa Maynila. Kung maaari lang talaga..
Napabuntong hininga ako.
Ilang minuto rin ang lumipas bago ko mapagdesisyunang bumalik na kay Hunter. Paniguradong naiinip na yun sa pagkakakulong niya.
"Zoe?" napatigil akong bigla. "Is that you?" dahan dahan akong humarap sa isang pamilyar na boses, hindi naman ako nagkamali nang makita ko kung sino siya.
"Daniel..." hindi dapat siya nandito.
"Nakailang text at calls ako sayo pero hindi ka sumasagot. Akala ko kung ano ng nangyari sayo."
"Sorry for that.. I'm just busy doing something.." hindi ko nakuhang sumagot sa mga call at text niya dahil busy ako.....kay Hunter...
"Hehe, it's okay. Buti pala at nandito ka?" nakangiti ngunit nagtatakang tanong niya.
"Uhh, kase...gusto ko lang mapag-isa." grabe, mas dadami pa tuloy ang kasalanan ko sa ilang beses kong pagsisinungaling. "Ikaw, bat nandito ka?" pagpasa ko ng tanong sakanya.
"Actually, I'm with my team mates. Diba nga't nanalo ang university natin kaya tinreat kami para makapagpahinga at para makapag-celebrate na rin." eksplika niya. Bakit dito pa?! Napatangu-tango na lang ako. Kailangan ko ng makabalik agad sa kwarto para masabihan si Hunter tungkol dito.
Magsasalita na sana ako para makapag-paalam na kay Daniel ng biglang...
"Zoe!" shit!!!!!!!!!!!!
"Hunter?" gulat na utas ni Daniel nang makalapit si Hunter samin. Ni-head to foot niya pa ito sa soot niyang pantulog. Halata rin ang pagkagulat sa mukha ni Hunter nang makita niya si Daniel.
The hell! Wrong timing!
"Nandito ka rin?" usisa ni Daniel. Hindi ko magawang lingunin ng diretso ang dalawa sa kaba.
"Uhh yeah.. Is there anything wrong?"
"Wala naman, grabe lang kasi ang coincidence nating tatlo. Nandito rin kasi 'tong si Zoe para daw makapag-isa." napakagat ako ng ibabang labi nang makita ko ang pagbabago ng reaksiyon sa mukha ni Hunter.
Napataas siya ng kilay sabay harap sakin. "Really, Zoe?" GOD!!!
Napayuko lang ako.
"By the way Hunter, sino pa lang kasama mong pumunta dito?" hindi ko alam pero mas lalo lang akong nakaramdam ng kaba sa tanong ni Daniel. Pakiramdam ko kasi naghihinala na siya.
"Ako?" dinig kong ani Hunter. "My girlfriend." pagtuloy niya. Napapikit ako ng mariin. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Magkakaalaman na agad!
"Girlfriend? Si Stella? Nasan siya?" sunud-sunod na tanong ni Daniel.
"Nope." biglang nanlaki ang mga mata ko sa mabilis na paghatak ni Hunter sa balikat ko papalapit sakanya sabay sabing, "I'm referring to Zoe."
*PUNCH!*
Mabilis ang mga pangyayari. Nakita ko na lang na napatumba si Hunter sa malakas na suntok ni Daniel. Halos napasigaw nga ang mga taong nakakita sa ginawa ni Daniel. Ako naman tong natarantang lumapit kay Hunter.
Shit! Dumudugo ang labi niya!
"Traydor ka!" sigaw niya sabay duro kay Hunter. "Alam mo namang gusto ko na noon pa si Zoe diba? Sinabi ko pa sayong may balak akong ligawan siya pero ano 'to?" sa totoo lang, hindi ko alam kung ano bang reaksyon ang ipapakita ko nang marinig ko ang sinabi ni Daniel. Never kong inisip na may balak siyang gawin ang bagay na yun.
Magkaibigan lang kami... pero...
Natawa ng mapakla si Hunter at binuhat ang sarili niya sa pagtayo. "Hunter--" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang seryoso lang akong tingnan ni Hunter. Parang umatras ang dila ko sa takot na mangealam sakanila. What's happening to me? Bakit hindi ko sila magawang pigilan?
"Sinabi mo nga pero nagtanong ka ba kung anong opinyon ko?" ani Hunter.
Kumuyom ang panga ni Daniel at agad na kinwelyuhan si Hunter. Halatang galit na galit ito. Hindi naman nagpatinag si Hunter at direkta lang na nakatitig kay Daniel. "Hayop ka. You don't deserve to be with her....alam mo yan sa sarili mo." madiing saad ni Daniel.
Ngumisi lang si Hunter na parang hindi naging apektado sa sinabi ni Daniel. "So anong gusto mong palabasin? Na ikaw ang karapat-dapat para sakanya?"
Ngumiwi si Daniel. "Oo, dahil hindi tulad mo, wala kang ibang ginawa kundi ang paglaruan at saktan lang ang mga babae... at paniguradong ganon lang rin ang intensyon mo kay Zoe, diba?"
Napailing si Hunter sabay alis ng kamay ni Daniel sakanya. "Kung ganon man ang intensyon ko, sana noon ko pa ginawa."
"Tss. wag ka ngang magmaang-maangan pa Hunter... sinasabi mo lang naman yan dahil nandito si Zoe. Panigurado namang nagpapanggap ka lang dahil may gusto kang makuha sakanya."
"Ano bang gusto mong palabasin Daniel? Na pagkatapos mong sabihin ang lahat ng yan, sasama siya sayo?" sandali siyang natigil para punasan ang dugo sa labi niya. "Just accept the fact Daniel, she chose me over you." madiin pang sinabi ni Hunter ang huling salita.
"Gago ka pala e!"
*PUNCH!*
"Hunter!" sigaw ko ng muli na namang suntukin ni Daniel si Hunter. Hindi pa nadala si Daniel at muling binigwasan sa tiyan si Hunter. Kita ko na ang pag-inda ng sakit ni Hunter pero halatang tinitiis niya ito.
Shit! I can't take this anymore!
Hinarang ko agad ang sarili ko sa harapan ni Hunter at, "Daniel tama na!!" halos pumiyok na ako sa pagsigaw bago siya tumigil. Matalim na titig lang ang binigay niya sakin bago niya kami talikuran.
Sinundan ko siya ng tingin at saktong sinalubong siya ng mga teammates niya pero binalewala niya lang ang mga ito. Napakagat ako ng labi sabay harap sa kalunus-lunos na sinapit ni Hunter.
Hawak hawak na niya ang tiyan niya na halatang nasaktan ng sobra sa lakas ng suntok ni Daniel. Lumaki rin ang sugat sa labi niya na walang tigil sa pagdurugo.
The hell! Naiiyak ako!
"God Hunter! Bakit hindi ka umiwas?" mangiyak-ngiyak kong saad sakanya. Inangat naman niya ang tingin niya sakin at pilit na ngumiti. "Sabi ko naman sayo, kaya kong tiisin lahat ng sakit... para lang sayo."
----
DON'T FORGET TO VOTE & COMMENT! MWAAA!
BINABASA MO ANG
Innocent Devil meets Naughty Angel
RomanceHunter: Ang tigas pa rin ng ulo mo! Zoe: Wow! Kung makapagsalita ka parang hindi ka ganon ah. Masyado kang pa-inosente! ----------------------------------- Hunter de la Vega, sikat sa pagiging gwapo, hot, basketball player, mayaman at notorious play...