Chapter 53: Waiting
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa itsura ko. Madalas akong balisa't tuliro kakaisip sa nasaksihan ko noong nakaraang linggo. Palaging nagtatalo ang puso't isip ko kung ano bang dapat kong gawin. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong lumaban dahil mukha namang seryoso na si Hunter kay Stella.
Gustuhin ko mang sabihin na tigilan na niya ang relasyon nila ni Stella pero hindi ko magawa. Wala na ako sa posisyon para gawin yun.
Kasalanan ko 'to...
Ako ang dahilan kung bakit ako nasasaktan. Kung hindi ko tinulak si Hunter noon para landiin si Stella ay hindi kami hahantong sa ganitong sitwasyon. Ako ang nag-utos sakanyang patagalin ang kung anong meron sakanila. Ako ang dahilan kung bakit siya nasaktan at kung bakit siya nagbago sakin.
Napapunas ako ng pisngi dahil sa pagragasa ng luha sa mga mata ko. Nakakatawang isipin na ang dating matigas kong puso ay lumambot at unti unting nawawasak ngayon. Ang dating matapang, palaban at walang awa kong pag-uugali ay napalitan ng babaeng nagmamahal pero nasasaktan. Madalas kong kinukulong ang sarili ko sa kwarto dahil sa paghihinagpis sa isang bagay na ako naman ang may kasalanan.
"Zoe, aren't you going to come with us?" nakasalumbaba lang ako. Narinig ko ang sinabi ni Skylar pero wala lang ako sa kundisyong sagutin yun. "Hey." pinalakpak niya ang kamay niya sa tapat ng mukha ko kaya napakurap ako.
"You okay?" tanong niya.
Hindi ko naikwento sakanila ang totoong nangyari nung nakita ko si Hunter at Stella. Sinabi ko lang na nakita kong wala si Hunter sa gymnasium kaya mabilis akong bumalik kay Hailey noong araw na yun.
"I'm fine."
"You don't look fine."
"Then stop looking." sarkastikong sagot ko.
"Itigil mo na nga yang pagdadrama Zoe. May plano pa tayo sainyo ni Hunter kaya halika na." singit ni Sasha. Ang sarap nilang sigawan sabay sabing wala ng maaayos samin ni Hunter pero hindi ko magawa. Mas gusto ko na lang kasing kimkimin ang sakit kesa sa magmukha akong kaawa-awa.
"Ilang oras na lang magsisimula na yung tournament kaya tara na." pagyayaya naman ni Hailey sabay hila sakin.
"Tsk." napairap ako.
"Zoe sige na, pinagreserve na tayo ng upuan ni Chris... baka makuha pa yun." nakasimangot na sambit ni Autumn. Isa isa kong tiningnan ang mga mukha nilang nakikiusap sakin. Napabuntong hininga ako't walang nagawa kundi ang tumayo at sumama sakanila.
"Let's go." walang gana kong saad at naunang lumabas ng classroom sakanila.
Tulad ng kinasanayan ko, naglakad ako ng may kasamang matatalim na titig sa mga taong nakakasalubong namin. Badtrip ako kaya wala akong pinapalampas ni isa sa mga tao sa paligid. Gusto kong patulan lahat para ilabas ang galit at sakit na nararamdaman ko pero hindi ako ganon kababaw para gumawa ng eskandalo.
Nang makarating kami sa Epidòseis gymnasium ay diretso kaming tumungo sa upuan na pinagreserved sa amin umano ni Chris. Hindi ko maiwasang hindi maalala ang nakita kong surprise ni Stella kay Hunter. Kung paanong naglapat ang mga labi nila. Kung paano hindi tumanggi si Hunter. At kung paanong nadurog ang puso ko. The hell!
"Omg! Ayun sina Chris!" kinikilig na saad ni Skylar. Napalingon kaming lahat sa direksyong tinutukoy niya at saktong tumama naman ang paningin ko sa isa pang tao, kay Hunter.
Nakaupo sila ng team nila sa may kabilang bench. Sakto ang kinauupuan namin dahil kitang kita namin sila. Habang pinagmamasdan ko siya ay ganon na lang ang lungkot na naramdaman ko. Nakukuha niyang makipagtawanan sa mga kasama niya samantalang ako, ni pekeng ngiti'y hindi ko magawa.
Nakita kong tumuro si Chris sa direksyon namin kaya naman napalingon si Hunter at agad na nagtama ang mga mata naming dalawa. Tulad ng mga tingin niya, blanko ko lang rin siyang tinitigan. Walang emosyon akong nilalabas o pinapakita sakanya. Mabilis kong iniwas ang mga mata ko sakanya. Ayokong makulong na naman ang mga mata ko sakanya lalo na't may galit at sakit na nararamdaman ang puso ko sakanya.
Ilang sandali pa ng magsalita na ang speaker, hudyat para magsimula na ang game. Agad na nag-ayos ang dalawang team sa gitna ng court. Napansin ko si Daniel na mukhang handang handa sa laban.
"Go Epidòseis!"
"NAU! NAU! NAU!"
Kabi-kabilang sigawan ang maririnig sa loob ng gymnasium. Halos mapatakip na nga ako ng tenga sa ingay. Todo hiyawan rin ang mga manonood sa mga pangalan ng paborito nilang player. Kahit ang pangalan ni Hunter ay naririnig ko kaya hindi ko maiwasang hindi mainis lalo. Akin lang siya!
*prrrrt!*
Sa pagpito ng referee, nakuha agad ng Epidóseis team ang unang points. Tuwang tuwa ang lahat ng naroon na sumusuporta sa Epidóseis team. Kita ko ring nakipag-apiran pa si Hunter sa mga ka-team nya. Kahit nasa NAU ang simpatya ko, may parte pa rin sakin na gustong manalo ang team nila Hunter. Kahit papano kasi, sumasaya ang puso ko pag nakikita kong masaya siya.
Sa sumunod na round, mas naging matinik ang laban. Naging madali sa team namin ang pag-agaw ng bola sa kabilang team. Nauungusan na nga ang team nila Hunter pero kita ko pa ring hindi sila pinanghihinaan ng loob. Tuloy pa rin ang laban.
Hanggang sa matapos ang game, nalamangan ng 4 points ang Epidóseis team laban sa Norman Addington. Ibig sabihin, nanalo kami. Aaminin ko, magaling nga ang team namin, mabibilis at malalakas sila pagdating sa bola. Ni hindi na nga nila halos ipahawak yung bola sa Epidóseis team.
"The winner for this year's basketball tournament is the.... Norman Addington University! Congratulations!" biglang bumuhos ang makukulay na confetti mula sa itaas. Kita ko rin ang pag-abot ng malaking trophy sa team ng NAU.
Halos magsilundagan na sa tuwa ang lahat ng mga nanalong players pati na ang mga sumusuporta sakanila. I'm also happy for them.
"Let's go Zoe." muntik na kong matumba nang hilahin ako ni Autumn papaalis sa kinauupuan namin.
"W-Wait, paano sila Sasha?" tanong ko ng linungin ko ang mga kaibigan naming naiwan. Imbis na sumunod sila ay naglakad sila papunta sa ibang direksyon.
Tekaaaaa....
Natigil ako sa pagtataka ng bigla kong makitang puntahan nila si Stella. Kung umasta sila sakanya ay parang kaclose nila ito. Bigla kasi nilang kinausap si Stella at parang maganda pa ang sinasabi nila dahil napapangiti siya. "Hayaan mo na muna sila." ani Autumn sabay hatak saking muli.
Hayaan? E karibal natin yan sa mga mahal natin Autumn! Err!
"Ano bang nangyayari? Saan ba tayo pupunta?" naguguluhan kasi ako kung bakit ganito na lang siyang nagmamadali papalabas ng gymnasium. Parang nabalik sakin ngayon ang ginawa kong pagkaladkad kay Hailey nung isang araw.
"Basta." matipid na sagot ni Autumn. Hindi na lang ako umimik at basta na lang nagpatianod sa paghila niya. Naisip kong baka may importanteng nangyari kaya ganito na lang siya kung umasta. Baka nga si Mckey ang pupuntahan namin kaya ako lang ang sinama niya.
Siguro nga..
"Here we go." nakangiting sambit niya sabay lahad ng kamay niya paturo sa isang direksyon. Sinundan ko naman ng tingin ang tinutukoy niya at halos mapamura ako nang makita ang taong hindi ko inaasahang makita ngayon.
Hunter? What is he doing here?
Bigla na namang dinaga ang dibdib ko sa kaba. Nakaupo lang siya sa isang wooden bench habang nakapatong ang dalawang siko niya sa magkabilang tuhod. Hindi ko alam kung nagkukunwari lang ba siya o hindi niya talaga kami napapansin.
"What's this Autumn?" pabulong ngunit madiin kong tanong sakanya.
"This is our plan, Zoe." nakangiting saad niya sabay taas ng dalawang kilay. "Go on, he's waiting for you." napalunok ako sabay lingon kay Hunter.
----
BINABASA MO ANG
Innocent Devil meets Naughty Angel
RomanceHunter: Ang tigas pa rin ng ulo mo! Zoe: Wow! Kung makapagsalita ka parang hindi ka ganon ah. Masyado kang pa-inosente! ----------------------------------- Hunter de la Vega, sikat sa pagiging gwapo, hot, basketball player, mayaman at notorious play...