Chapter 54: Chose
"Pero--" bigla na lang nawala si Autumn sa tabi ko. Napatingin pa ako sa paligid sa pagbabakasakaling nagtago lang siya pero hindi ko na siya nakita.
Ang bilis?
"Gusto mo daw akong makausap." bigla kong narinig ang malalim niyang boses. Dahan dahan ko siyang nilingon at ganon na lang ang malakas na paglagabog ng puso ko nang makita ang maamo niyang mukha na nakaharap sakin.
Humugot ako ng malalim na hininga at lakas ng loob para lapitan siya. Habang humahakbang ako papalapit sakanya ay nabubuo ang maraming katanungan sa isip ko. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Ayoko namang magpakaplastik sakanya kung saan tatanungin ko pa siya kung kumusta na siya kahit halata namang walang maayos lalo na saming dalawa.
"Do you now have feelings for Stella?" yun ang unang tanong na lumabas sa bibig ko.
Kumunot naman ang noo niya. "Tss. Alam mo naman ang sagot diyan Zoe."
"Na ano? Meron na nga? Na gusto mo na siya?" parang may tumutusok sa puso ko habang sinasabi ko ang mga salitang yun. Hindi ko siguro matatanggap kung sakali mang 'Oo' ang isasagot niya.
Natawa siya ng mapakla at dahan dahang tumayo para tapatan ako. "Of course not. Hindi ba't sinabi ko na sayong ginagawa ko lang 'to dahil ito ang gusto mo."
Napangiwi ako. "Oo gusto ko nga. Pero aminin mong ginugusto mo na rin." ni hindi mo nga nagawang tumanggi sa bawat halik at yakap niya.
"Damn Zoe! Kung alam mo lang kung paano ako nagtitiis. Kung paano ko hinihiling na sana ikaw na lang ang kasama ko imbis na si Stella. Kung alam mo lang kung gaano kahirap para saking magpanggap na masaya kahit na nasasaktan talaga ako dahil sa alam kong may kasama kang iba." napakurap-kurap ako sa sinabi niya. Para itong malaking sampal sakin na kasalanan ko nga ang mga nangyari.
"Ngayon Zoe, ibabalik ko sayo ang tanong mo. Do you now have feelings for Daniel, huh?" napakagat ako ng ibabang labi. Hanggang ngayon ay binibigyan niya pa rin ng malisya ang kung anong meron samin ni Daniel.
We're just friends...
"So meron nga? Ha!"
"Hindi totoo yan!" bulyaw ko.
"Kung hindi, ano ang totoo ha Zoe?"
"Totoong.. mahal na kita." mabilis kong sagot sakanya. Halata ang pagkagulat sa mukha niya. Ni hindi niya nagawang makapagsalita agad.
Napahilamos siya ng mukha tsaka bumuntong hininga. Hinarap niya akong muli sa malungkot niyang mga mata. "Kung mahal mo ako, bakit mo hinayaang mapunta tayo sa ganitong sitwasyon?"
"D-Dahil ayokong masira ang plano ko."
Napahahawak siya sa sentido niya tsaka ito hinilot. "Hindi ko maintindihan Zoe.. Bakit palaging plano ang nasa isip mo? Ano bang meron kay Stella at ganito na lang ang gusto mong mangyari sakanya? Mabait naman siya--"
"No Hunter! Nagkakamali ka! Hindi siya mabait tulad ng inaakala mo. May balak siyang sirain ang isang relasyon para sa sariling kaligayan niya. Si Autumn ang maaapektuhan pag nangyari yun at ayokong masaktan siya."
"Kaya pinili mong ako ang masaktan, ganon ba?" basag na ang boses niya na parang nagpipigil sa pag-iyak. Nasasaktan ako dahil nararamdaman kong nasasaktan siya. Pero eto lang ang paraan para magkaayos kami. Kailangan kong sabihin ang totoo na masakit. Kesa sa kasinungalin na masaya.
Napailing-iling ako. "I know it's my fault but I never meant to hurt you, Hunter.." napayuko na ako para itago ang mga luhang nag-uunahang tumulo sa mga mata ko. "I-I'm sorry..." napapahikbi kong saad sakanya.
Kung maaari lang ngang kunin ang sakit na nabigay ko kay Hunter ay ginawa ko na agad ngayon para lang mapatawad niya ako.
"I knew it already right before it happened." naramdaman ko ang paghaplos ng mga kamay niya sa pisngi ko tsaka dahan dahan inangat ang mukha ko paharap sakanya. "But I still chose to help you kahit na masaktan ako. Basta para sayo, kakayanin ko." dahan dahang namuo ang ngiti sa labi niya.
Parang tumigil ang oras saming dalawa. Tanging tibok ng puso ko lang ang naririnig ko. Ang buong atensyon ko'y nakatuon lang sa mga mata niyang kumikislap na nakatitig rin sa akin pabalik. Dahan dahang lumapit ang mukha niya sakin hanggang sa hindi ko na namalayang nagkadikit na ang mga labi namin. Napapikit ako habang dinaramdam ang matamis niyang halik.
Parang napawi ang galit at sakit na naramdaman ko kanina. Hindi ko maitatangging naging sabik ako sakanya. Kung noon na naghahalikan lang kami para sa pagpapanggap ay iba na ang sitwasyon ngayon dahil mahal na namin ang isa't isa.
I missed him..
Pagkatapos ay pinagdikit niya ang mga noo namin. Kita ko ang hindi maalis na ngiti sa labi niya. Kahit ako'y napangiti na rin dahil alam kong maayos na kaming dalawa. "I love you, Zoe.." bulong niya. Kinuha niya ang kamay ko sabay halik doon na parang isa akong prinsesa sakanya.
Ang sarap lang sa pakiramdam na ganito na ang senaryo sa aming dalawa.
"Mga traydor!" sabay kaming napaharap sa galit na boses ni Stella. Halata ang pagkagulat sa mukha ni Hunter. Ni hindi niya napansing napabitaw siya sa pagkakahawak sa kamay ko.
Nasa likod niya rin ang mga kaibigan ko na halatang nadismaya sa pag-eksena ni Stella. Satingin ko'y kasama sa plano nila ang guluhin si Stella pero mukhang nabigo sila.
"Akala ko pa naman kaibigan kita Zoe!" sigaw niya sakin habang humahagulgol sa iyak. Napalunok naman ako. Wala akong sinabing magkaibigan kami. "At ikaw Hunter, nangako kang hindi mo ako sasaktan pero ano tong nasaksihan ko ha?"
"Stella, listen to me--"
"No Hunter! Wala ka ng dapat ipaliwanag dahil narinig ko na lahat!" napapunas siya ng luha at matalim kaming tinitigan ni Hunter. "Gaganti ako." aniya bago kami talikuran papalayo. Binunggo niya pa sina Sasha at Hailey pero hindi na lang sila kumibo. Nakatuon kasi ang atensyon nila sakin na parang nanghihinayang sa nangyari.
"I'm sorry, Zoe." malungkot na saad ni Hunter tsaka biglang tumakbo papunta sa direksyong dinaanan ni Stella. Para namang may pumiga sa puso ko ng mapagtanto kong iniwan niya ako para sundan si Stella.
He loves me but still he chose to be with Stella..
---
BINABASA MO ANG
Innocent Devil meets Naughty Angel
RomanceHunter: Ang tigas pa rin ng ulo mo! Zoe: Wow! Kung makapagsalita ka parang hindi ka ganon ah. Masyado kang pa-inosente! ----------------------------------- Hunter de la Vega, sikat sa pagiging gwapo, hot, basketball player, mayaman at notorious play...