Chapter 79: Yes
"Claudette?!" mabilis na dumaloy ang galit sa dugo ko. Parang gusto ko siyang sugurin at sabunutan ngayon ng maalala ko ang ginawa niyang paghalik kay Hunter. "Anong ginagawa mo dito?!" madiin kong tanong sakanya.
Walang gana niya akong nilingon. "Hindi ikaw ang kailangan ko." sagot ng haliparot.
Tinaasan ko siya ng kilay. "So?" nginiwian ko siya. "Alam kong si Hunter ang pinunta mo dito.. but unfortunately, hindi kita hahayaan sa gusto mo."
Napalunok siya. "No way.." kita kong sumulyap siya kay Hunter na parang nagpapaawa para kausapin siya nito. Pero, "Claudette, sinabi ko na sayo ang lahat... kaya please, umalis ka na." saad ni Hunter.
Umiling si Claudette na parang naiiyak sa mga mata niya. "No Hunter, please.." lalapitan sana niya si Hunter ng mabilis akong humarang sa harapan niya. "Hindi mo ba narinig ang sinabi niya? O baka gusto mo pang i-translate ko pa para sayo? Leave." imbis na sumunod siya ay sinamaan niya lang ako ng tingin. Halatang ayaw niyang magpatalo.
"Baka nakakalimutan mo, Zoe. Ako ang una niyang minahal... At hanggang ngayon, alam kong hindi pa rin ako nawawala sa puso niya. Naramdaman ko yun nung magkasama kami sa Italy.... kung paano niya ako alagaan at pahalagahan." kumuyom ang panga ko sa sinabi niya. Hindi ako naniniwala sa sinasabi niya dahil alam kong sinasabi niya lang ito para saktan ang damdamin ko. Alam ko kung gaano ako kamahal ni Hunter at ayoko ng dumating sa puntong muntik na namang masira ang relasyon namin dahil sa pagsingit ng mga tulad niya.
"Claudette tumigil ka nga! God! Please Zoe, wag kang maniwala sakanya." pagmamakaawa ni Hunter habang hinahawakan ang kamay ko.
Napalapit ng kaunti si Claudette. "Ano ka ba naman Hunter?! Bakit ba hindi mo magawang aminin ang totoo Hunter? Alam kong ako pa rin ang mahal mo kaya hindi ako sumusuko na babalikan mo rin ako--"
"Shut up!" pagputol ko sa sinasabi niya. Inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak ni Hunter at dinuro si Claudette. "Nakakarindi ka na, alam mo ba yun? Kung anong kinaamo ng mukha mo, kabaligtaran naman ng kung anong ugali meron ka..." sandali akong nagigil para tingnan siya simula ulo hanggang paa. "Look how pathetic you are right now, Claudette. Kita mo ng meron na siyang iba, pero ipagpipilitan mo pa rin yang sarili mo. Ganyan ka bang pinalaki ng magulang mo, ha?"
"Don't you dare insult my parents like that!" kita ko ang paglipad ng kamay niya para sampalin ako pero mabilis ko itong napigilan. "And don't you dare slap me on my face, bitch." padabog kong binitawan ang kamay niya. Napaatras siya.
Halata sa mukha niya ang galit.
"Alam kong mahal mo si Hunter, pero hanggang dun ka na lang... Iniwan mo siya Claudette. Kaya wag mong asahan na may babalikan ka dahil hindi siya bagay na pagkatapos mong hinayaan ay kukunin mo na lang ulit na parang walang nangyari...Iba ang noon sa ngayon. At dapat mong tanggapin na ngayon, hindi na siya sayo." tuluyan ng bumuhos ang mga luha sa mata niya. Alam kong nasaktan siya sa mga sinabi ko pero kailangan niyang magising sa kung ano ang totoo. Hindi pwedeng ipagpilitan niya pa rin ang sarili niya sa bagay na kahit kailan, hindi na mapapasakanya.
"Hunter..." naiiyak niyang pagtawag. "wala na ba talagang pag-asa?" napayuko ako. Hinihiling na sana hindi na lang siya madala sa dating ng pananalita ni Claudette.
Naramdaman ko ang paghawak ni Hunter sa kamay ko. Pinisil niya ito. Nilingon ko iyon papunta sa mukha niya. "Sorry Claudette.. pero tulad ng sinabi ko sayo noon, si Zoe na ang nagmamay-ari ng puso ko... Sa katunayan, magpapakasal na rin kami. Kaya nakikiusap ako sayo, palayain mo na ang sarili mo. Hindi lang ako ang lalakeng pwede mong mahalin sa mundo... at alam kong meron ka pang makikilalang iba na magmamahal rin sayo." unti-unti akong nahimasmasan sa sinabi ni Hunter. Nakita ko kasi kung paano tanggapin ni Claudette ang mga nangyayari.
Pinunasan niya ang magkabilang pisngi niya. "Naiintindihan ko kung yan ang desisyon mo. Mukhang nagkamali ako sa inakala ko... patawad kung pinilit ko kung anong nararamdaman ko... Tama kayo, dapat kong tanggapin kung anong nababagay sakin." sandali siyang natigil para ngumiti. "Zoe, Hunter... sana maging masaya kayo. Sana wag niyong hayaang maiwan ang isa sa problemang dapat ninyong harapin na magkasama..." natahimik lang ako sa sinabi niya hanggang sa magpaalam siya papaalis samin.
Para akong tinamaan ng palakol sa bigat ng nararamdaman ko sa sinabi niya. Siya na 'tong nasaktan, siya pa 'tong nagbigay ng payo saming dalawa.
Tamad akong napaupo sa sofa tsaka natulala sa isang direksyon. Nakita ko ang pagsunod ni Hunter sabay upo sa tabi ko. "Are you okay?" tanong niya habang hinihimas ang likuran ko.
Tumango ako na may kasamang ngiti. "Ihatid mo na muna ako samin.."
Kinagabihan, niyaya ako ng mga kaibigan kong manood ng live band na gaganapin umano sa Epidòseis. Hindi ko alam kung anong ganap pero naisip ko na lang na baka magse-celebrate sila para sa pagkapanalo ng university nila bilang isa sa mga nanominado na Best in Academic School for this year. Nakuha rin naman ang Norman Addington pero namimigay na lang ng libreng lunch ang university namin sa tatlong araw.
"Zoe bilis, magsisimula na!" pagmamadali sakin ni Hailey. Hila hila rin ako sa kabilang kamay ni Skylar. Habang si Sasha naman ay nasa likuran namin at hawak hawak ang phone niya na mukhang kumukuha ng video.
"Oo na, eto na! Bakit kasi pinagheels at dress niyo ko... nahihirapan tuloy ako." panunumbat ko sakanila. Nakakainis nga dahil mukha kaming mag-a-attend ng debut dahil sa formal attire namin.
"Duh! Syempre dapat maging maganda tayo no!" utas naman ni Skylar. Hindi na ako nakasagot sakanya ng bigla siyang, "Chris!" sumigaw sa pagtawag kay Chris. Masyado na kasing maingay sa music hall dahil sa pagtugtog ng mga speakers.
Napatingin samin si Chris tsaka ngumiti. "Buti naman at nandito na kayo. Pinag-reserve ko na kayo ng mauupuan. Tara." pagyayaya niya.
Sumunod naman kami sakanya.
Hindi naman kami nahirapang pumunta sa kinauupuan namin. Napalinga-linga ako sa paligid at nakitang puno na nga ng tao ang loob ng hall. Ang iba ay nakatayo na lang sa mga barricades para makita ang tutugtog sa stage. Kita ko rin ang malaking nakasabit na tarpaulin sa tuktok ng stage kung saan nakalagay doon ang, "Congratulations Epidòseis University"
Wait....
Tsaka ko naisip bigla, "Chris, nasan si Hunter?" tanong ko ng mapagtantong hindi pala namin siya kasama.
"Uhh, papunta na rin yun. May inasikaso lang daw sandali sakanila." napatangu-tango ako. Wala siyang nabanggit sakin pero nasabi niyang magkikita rin kami ngayon dito.
"Ayan na sila!" tumitiling sambit ni Sasha ng lumabas na ang apat na lalake na satingin kong tutugtog.
Hindi ko na masyadong pinansin ang mga sumunod na nangyari dahil sa panay kong pagtingin sa phone ko. Ilang beses ko na kasing tinanong si Hunter sa text kung nasaan na ba siya pero hindi pa rin siya sumasagot. Iniisip ko tuloy na baka sumama ang loob niya ng magyaya akong magpahatid sakanya kanina. Hindi ko naman rin ginusto yun pero naramdaman ko talaga ang pagbigat ng dibdib ko dahil sa nangyari kay Claudette. Naawa ako na ewan.
Haaaaay! Nakokonsensya tuloy ako ngayon para kay Hunter.
Kalahating oras na rin ang lumipas at puro hiyawan na ang maririnig sa loob ng hall. Lahat ay halatang nag-e-enjoy sa pagtugtog ng banda. Ang iba ay napapalundag pa sa tuwa na para bang nasa club sila. At eto ako, nakaupo na parang namatayan sa itsura ko. Letche kase.
Nasan na ba si Hunter???
"Uy Zoe, anyare sayo?" tanong ni Skylar ng mapansin niya ang nakasimangot kong mukha. "Wala naman. Hindi ko lang feel yung kanta." sagot ko kahit ang totoo, gusto ko dahil sa nakakaaliw na beat nito. Ewan, ang gulo ko.
"Nako! Hinahanap mo na si Hunter no?" nilingon ko siya. Nakuha niya ang tinutumbok ng nararamdaman ko ngayon. "Hahaha! Ano ka ba? Darating din yun no. Mag-enjoy ka na lang sa banda at paniguradong mamaya, nandyan na yun." dagdag niya pa na halatang pinapagaan ang loob ko.
Ngumiti ako. "Yeah, as you've said." pinilit kong ituon ang atensyon ko sa stage. Wala pa mang limang minuto ng bigla na lang mamatay ang mga ilaw. Sabay sabay na nagsigawan ang lahat sa pagdilim ng paligid.
"Pota! brown out!"
"Uy si Jonathan nawawala!"
"Wala akong makita!"
The fuck? What's happening?? Wala ba silang electric generator dito?
Nanatili akong kalmado habang ang iba ay patuloy na naghi-hysterical na akala mo mamamatay na ngayon. Kung sanang tumahimik na lang sila, edi sana hindi sila makakadagdag sa problema. Mga bwiset.
*click*
Bumukas ang isang spotlight na tumapat sa stage. Sabay sabay na natahimik ang lahat sa isang lalakeng nakatayo doon. Nakasoot siya ng isang itim na mahabang coat at sumbrero. Nakayuko rin siya kaya hindi makita ang makuha niya. Lahat ng mga tao ay nakapokus ang atensyon sakanya. Kahit ako ay nakatitig lang doon sa pagtataka.
*click! click! click!*
Napatingin ako sa sunud-sunod na pagbukas ng mga ilaw sa paligid ng hall. Maihahalintulad ko sa loob ng sinehan ang itsura sa loob. Sakto lang ang liwanag para magkakitaan ang lahat.
"There's a person here tonight that stolen my heart..." napalingon ako sa pamilyar na boses ng lalake na nagsalita sa stage. Black tuxedo na ang soot niya na tinernuhan ng itim na trouser.
Wait.....
*click*
Napatingin ako sa spotlight na tumapat sakin. O God! What's this??
"For that person, I'll perform what my heart feels.." unti-unting umangat ang ulo ng lalake papaharap sakin. Nanindig ang mga balahibo ko ng mapagtanto kong si Hunter pala ang nasa stage na ngayon ay may hawak ng microphone.
Napahiyaw ang mga tao at natahimik rin ng magsimula ng tumugtog ang mga instruments na nasa stage.
"The best thing about tonight's that we're not fighting
It couldn't be that we have been this way before.." I swear, para akong maiiyak sa nararamdaman ko ngayon. Gusto kong lumunok para pakalmahin ang sarili ko pero hindi ko magawa dahil sa parang may nakabarang kung ano sa lalamunan ko.
"But hold your breath
Because tonight will be the night that I will fall for you.." nakakamangha. Ang ganda pa ring pakinggan ng boses niya.
"So breathe in so deep
Breathe me in
I'm yours to keep
And hold onto your words
'Cause talk is cheap
And remember me tonight when you're asleep..." biglang pumasok sa isip ko ang alaalang pagkanta niya noong tinanong niya ako na maging girlfriend niya. Lalo tuloy akong napapangiti habang pinagmamasdan siyang dinadamdam ang pagkanta niya sa stage.
"Tonight will be the night that I will fall for you
Over again
Don't make me change my mind
I won't live to see another day
I swear it's true
Because a girl like you is impossible to find..." ngumiti siya. "You're impossible to find." tuluyan ng bumagsak ang mga luha sa mga mata ko. Napatakip na ako ng bibig sa tuwang nararamdaman ko. Parang gustong lumundag ng puso ko papunta kay Hunter.
Dumadagundong sa loob ng hall ang malakas na hiyawan ng lahat ng mga tao ng bumaba siya sa stage. Habang naglalakad siya ay siyang pagsunod ng spotlight sakanya. At habang papalapit siya sakin ay siya ring lalong paghuhumarentado ng puso ko.
"You we're meant for me and I was destined for you, Zoe." aniya ng makalapit siya sa harapan ko. Nilagay niya ang isang kamay niya sa pisngi ko sabay punas ng luha sa gilid ng mata ko gamit ang index finger niya. "It's been awesome to be your enemy, bestfriend and your boyfriend... But if you're cool with it, I'd rather be your husband." dinig na dinig iyon ng lahat ng mga tao sa hall dahil sa mic. Lahat sila ay sumisigaw ng "I do" at "Yes" ang dapat kong isagot.
Hindi ko na pinatagal pa ang pagkakataong iyon at sumagot na rin ako, "Of course, Hunter... yes."
----
Nagustuhan ko yung performance ni Sam Mangubat dito kaya nilagay ko 'tong video niya sa chapter na ito. Nakakainlove kasi yung pagkanta niya. I swear, kinilabutan ako! Imagine niyo na lang na ganito rin ang nangyari at boses ni Hunter. Hehe! mwaaa!
BINABASA MO ANG
Innocent Devil meets Naughty Angel
RomanceHunter: Ang tigas pa rin ng ulo mo! Zoe: Wow! Kung makapagsalita ka parang hindi ka ganon ah. Masyado kang pa-inosente! ----------------------------------- Hunter de la Vega, sikat sa pagiging gwapo, hot, basketball player, mayaman at notorious play...