Chapter 19

4.3K 121 9
                                    

Chapter 19: Autumn and Mckey





Naisipan kong maglakad lakad muna sa park para makalanghap ng sariwang hangin. Madalas akong ganito lalo na sa tuwing kakatapos kong mag-gym. Ayoko kasing dumidiretso sa bahay dahil nababagot lang naman ako dun.


Isa pa, ayoko ring makita si dad dahil for sure, i-o-open up na naman niya yung arrange marriage na tinutukoy nya. Sa totoo lang, siya ang palaging nasusunod saming dalawa. Matigas ang ulo ko pero at the end, napapasunod nya pa rin ako. Minsan sumasagi sa isip ko, kung sakali mang matuloy ang kasal, hindi ko na magagawa ang mga gusto.


Kaya eto ako ngayon, iniisip ko na lahat ng kabalastugan na gusto kong gawin bago dumating ang kasal na... para lang sa negosyo at hindi pagmamahal.



*BOOOOGSH!*


"Aray!" ---- "Aww!"


sabay naming saad ng isang babae ng magkabungguan kami. Sandali kong hinawakan ang braso kong natamaan nya bago ko sya tingnan.


"Autumn?!" pati siya ay nagulat ang ekspresyon ng mukha ng makita ako sa harapan nya. Halatang hindi siya makapaniwalang nandito ako.


"Bakit nandito ka? Who's with you?" tanong ko. Kita ko ang paglunok at pamumutla niya.


"Uh, ee..." halatang kinakabahan siya dahil hindi siya makasagot agad.


Mukhang may malalaman ako ngayon.


"Autumn!" sabay kaming napatingin sa lalakeng tumawag sakanya. Naningkit ang mga mata ko ng makita ang lalakeng nakita ko noon na kasama niya.


"S-Sandali lang ah Zoe." saad ni Autumn at tinungo ang lalake.


Pinagmasdan ko silang nag-uusap. Napasulyap pa yung lalake sakin na halatang ako ang pinag-uusapan nila. Kita ko rin ang pagtango ng lalake bago umalis si Autumn sa harapan nya at tumungo sakin.


"Siya ba ang kasama mo Autumn? sino sya?" salubong kong tanong kay Autumn ng makalapit siya sakin.


"Y-Yes... he's Mckey (Ma-ki)." tinuloy ni Autumn ang pagkwento tungkol sa nasabing Mckey. Sinabi nya rin ang lahat ng impormasyon kung paano sila nagkakilala sa simula.


"So it means, kayo na?" napakagat ng ibabang labi si Autumn bago sulyapan si Mckey na nakaupo malayo samin.


"O-Oo.."


"Bakit hindi mo sinabi sakin agad? Mapagkakatiwalaan mo naman ako ah?"


"I'm sorry Zoe, natatakot lang kasi ako. Sikreto lang ang pagkakakilala namin sa simula pa lang... ayokong malaman to ng pamilya ko." nakayukong sabi nya.


"Why do have to keep it as a secret?"


"Hindi nila matatanggap ang relasyon naming dalawa. Lalo na't hindi ko kalevel ng pamumuhay si Mckey... hindi naman sila mahirap pero hindi rin naman sila mayaman." I get it now.


"Bakit ka pa nakipagrelasyon kung alam mong bawal? I mean, mahihirapan lang kayong dalawa... lalo ka na Autumn."


"Alam ko pero... mahal ko e." napasinghap ako ng malalim ng marinig ko ang sinabi nya. Nangyari na nga ang kinatatakutan ko, ang bunsong kaibigan namin ay na-inlove na.


"Bakit? Papaano?"


"It's hard not to fall inlove with someone who can see the mixed parts of your soul, Zoe. Ganon si Mckey... he understand the darkest and dustiest corners of my mind." she said smiling.


Halatang masaya si Autumn sa dating ng pananalita nya. Hindi ko na alam ang pakiramdam ng magmahal dahil matagal ng naabandona ang puso ko. Pero kahit pinagmamasdan ko lang siya, ramdam kong totoo ang sinasabi nya. Hindi marunong magsinungaling sa kilos si Autumn kaya I know that she's telling the truth.


"Okay, susuportahan kita kung dyan ka masaya." nakangiting saad ko sakanya. Lalong lumaki ang ngiti ni Autumn sabay yakap sakin.


I'm happy for her. Really I am.


"Thank you Zoe, thank you.."


"Yeah, no problem. Just be careful alright? Wag kayong masyadong nagpapakita in public.." sambit ko ng harapin ko sya.


"Yes, we will.."


"Good... siguraduhin mo lang na hindi ka sasaktan ng lalakeng yan ha? Kung hindi, ako ang makakalaban nya." sinulyapan ko pa ng masama yung Mckey na ikinagulat nya. Haha!


"Zoe naman, don't scare him.. tsaka hindi niya magagawa yun. Iba si Mckey."


"O well, nagpapaalala lang naman ako."


"Okay fine...uhm Zoe, are you going to tell this to our friends?"


"Don't worry, I won't... your secret is safe to me." kinindatan ko sya ng mapatayo ako. Pinatayo ko na rin sya at inutusang puntahan na si Mckey dahil kanina pa ito naghihintay sakanya. Ayoko rin namang magtagal dahil mukhang para sakanila ang araw na to.



Ang bait ko ata.



Ngiting ngiti bumeso sakin si Autumn bago sya tuluyang umalis. Pinagmasdan ko pa syang makarating kay Mckey bago sila maglakad na magkahawak ang kamay. Napangiti ako. Para akong tangang nanonood ng live na love story.



"Autumn and Mckey's love story, pfft." napailing na lang ako't tinungo na rin ang kotse ko.



Sa paglalakad ko, hindi ko maalis ang mga tanong na bumabagabag sa puso't isip ko. Masaya ba talaga? Totoo kaya ang sinabi ni Autumn na hindi mahirap mahulog sa isang taong kaya kang intindihin? Kung totoo man, does they still exist? O sa mga teleserye at books na lang?


I wonder what it feels like to be inlove again..



---

Innocent Devil meets Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon