Chapter 35

3.9K 108 25
                                    

Dedicated to NicoleXXkim for her walang sawang comment na nakaka-inspired.💕
      
     
Chapter 35: Good cause
     
    
    
   
   
Kinabukasan, nasaktuhan kong muli si Stella sa gym. Nagustuhan ko naman na nakita ko sya dito dahil hindi na ako mahihirapan para ipahanap at ipaimbestiga siya. Ako na mismo ang gagawa ng paraan para mapalapit ako sakanya.
   
   
"Yes, all you have to do is to push her towards me, accidentally. Ako ng bahala sa mga susunod na mangyayari."
    
   
"Okay, copy ma'am."
    
   
"Good, here's your payment."
   
  
"Thank you ma'am, aayusin ko pong mabuti ang inutos nyo."
   
  
"Siguraduhin mo lang...sige, umalis ka na." agad rin namang umalis ang guard. Sinabotahe ko kasi sya para mamaya. Plano ko kasi na dapat kaming magkabunggo nung Stella para isipin nyang aksidente ang pagkakakilala naming dalawa.
     
   
Tinext ko na rin si Hunter na madaliin nya ang pagpunta dito sa gym. Kasama siya kaya nasabi ko na rin sakanya na nandito ang bibiktimahin ko sa plano ko.
   
   
Palihim kong pinagmamasdan si Stella habang nasa treadmill kaming dalawa. Seryoso ang kanyang mukha habang nakasaksak sa magkabilang tenga nya ang earphones. Halatang malalim ang iniisip nya. Ilang sandali pa at tumigil na siya sa treadmill. Napabuntong hininga siyang kinuha ang towel nya at nagpunas ng pawis. Tumigil na rin ako at nagkunwaring umiinom ng kape na kanina ko pa inorder sa labas. Hindi na mainit. Tss.
    
    
Sa paglakad ni Stella patungo sa dinaraanan ko, sinenyasan ko na ang guard na inutusan ko para itulak si Stella. Pati ako ay naglakad na rin pasalubong sakanya. Kunwari pa akong gumagamit ng phone habang hawak hawak ang kape.
      
      
*BOOOGSH!*
    
    
"Ahh shit! Ang init!" pagkukunwari ko ng mabunggo sa akin si Stella at mabuhos ang kape sa damit ko.
    
   
"O gosh! I-I'm sorry!" aniya habang natatarantang pinupunasan ang namantsahan kong damit.
    
    
"Oh no, it's okay.." malumanay kong saad. Patuloy pa rin sya sa pagpunas. Napasulyap ako sa guard, nginisian ko sya. Walang kamalay malay si Stella na nahulog na sya sa patibong ko.
    
     
Lilungunin ko na sanang muli si Stella ng makita ko agad ang papasok na Hunter sa likod ng guard. Nahuli nya ang pagtitig ko sakanya kaya naman napangisi siya. Habang papalapit sya ay napansin nyang agad ang ginagawa ni Stella sa harapan ko kaya napakunot sya ng noo. Sinenyasan ko naman sya na ito na ang tinutukoy kong plano kaya napatangu-tango syang natatawa.
    
    
"Sorry miss, sorry talaga." ilang beses na ulit ni Stella. Hindi ko maiwasang hindi magtaka kay Stella. Nakapagtataka lang kasi kung bakit ang bait nyang umasta kumpara sa nakita ko kahapon. Pero siguro, eto ang tinatawag ng ibang tinatago ang kulo sa loob.
     
   
"Hey there." utas ni Hunter ng makalapit samin. Mukhang pinaghandaan nya ang nasabi kong plano sakanya. Kung sabagay, sanay na siya sa mga ganitong gawain lalo na kapag tungkol sa mga babae. Blessing pa nga ito para sakanya.
   
   
"Hunter?" hindi makapaniwalang saad ni Stella. kilala niya si Hunter? How?
     
   
Bago pa man ako makapagtanong ay bigla na lang hinimatay si Stella. Ngayon ko lang napansin ang pamumutla nya. Napamura naman si Hunter at natarantang napaupo sa tabi ng walang malay na si Stella. Idinikit nya pa ang dalawang daliri nya sa leeg at pulso ni Stella, sinusuri kung tumitibok pa ang puso nito.
  
   
"Anong nangyari?" tanong ko kay Hunter.
    
     
Sandali niya akong sinulyapan bago magsalita. "Hindi ko alam.. dalhin natin sya sa ospital." saad nya sabay buhat agad kay Stella.
    
   
Sumunod naman ako sakanya. Agad niyang isinakay si Stella sa likod ng kotse niya. Umupo naman ako sa front seat at sya ang sa driver's seat. Walang anu-ano'y mabilis niyang pinaharurot ang kotse niya patungo sa isang malapit na ospital. Hindi ko nagawang umimik dahil sa seryosong mukha ni Hunter. Ngayon ko lang sya nakitang ganitong nag-alala sa isang tao. Ang nakapagtataka pa, kilala siya ni Stella. Napapatanong tuloy ako sa sarili ko kung anong meron sakanilang dalawa. Hindi ko rin maiwasang isipin na baka may namagitan sakanila kaya ganito na lang kung umasta si Hunter.
     
    
"Ano doc, kumusta siya?" napatayong tanong ni Hunter ng lumabas ang doktor sa kwarto kung nasaan si Stella.
    
   
"You don't have to worry sir. Hinimatay lang ang pasyente dahil sa sobrang pagod. Mai-a-advice ko na panatilihin niya ang proper diet. Mukhang masyado nyang binibigla ang sarili sa pagpapayat kaya ganyang nanghina ang katawan niya." paliwanag ng doktor.
   
   
Akala ko naman hinimatay dahil nakita si Hunter. Tss.
     
   
Napahingang malalim si Hunter, para siyang nabunutan ng tinik sa sinabi ng doktor. "Okay, thanks doc."
    
   
"Sige, mauna na muna ko sir." paalam nung doktor bago tuluyang umalis.
    
   
Pinagmasdan ko namang napaupo si Hunter. Sandali nyang sinulyapan ang pinto ng kwarto ni Stella. Hinilot niya ang sentido nya at tumingin sa ibang direksyon na parang may malalim na iniisip. There's something wrong with this guy. Sa pagtataka ko, napatanong na ako sakanya.
   
  
"What's with you and Stella?"
     
    
Kunot noo syang napaharap sakin. "What?"
  
  
"You heard me Hunter."
   
   
"Tss..nothing." sabay iwas nya ng tingin.
     
  
"Really huh?"
     
   
"W-Wala nga. Ano bang iniisip mo?"
    
   
"You're acting weird. Sobrang alala mo sakanya simula pa kanina sa gym." napailing siya. Bumuntong hininga sya bago ako muling harapin.
   
  
"Hindi ko kasi maiwasan. Kapag nakakakita ako ng taong hinihimatay, naaalala ko yung first girlfriend kong si Claudette. Ganon rin kasi ang nangyari sakanya noon, hinimatay siya tapos dinala ko siya sa ospital. Yun pala may malubhang sakit na siya." sandali siyang natigil at natawa. "Ang masakit pa dito, dinala sya ng parents nya sa ibang bansa ng hindi ko alam. Maiintindihan ko naman dahil alam kong doon siya mas gagaling. Pero sana, pinaalam man lang nila sakin..."
   
   
"A-Anong nangyari sakanya?"
    
   
"Hindi ko alam.. wala na akong balita sakanya pagkatapos nun. Hindi ko na nga macontact kaya... wala na kong nagawa." natahimik na lang ako pagkatapos ng sinabi nya. Sa pagkakataon kasing yun, pakiramdam ko mali ang inakala ko kay Hunter. Nagseryoso naman pala siya pero nasaktan rin sa huli. Tulad ko, may dahilan rin kung bakit siya nagbago at naging ganito.
   
     
KATAHIMIKAN...
     
     
"So, anong plano?" maya mayang tanong ni Hunter kaya napatitig ako sakanya. Kung kaninang matamlay ang mukha nya, ngayon ay masigla na itong muli.
   
 
"Huh?"
    
  
"Don't tell me nakalimutan mo na?" natawa siya. "Yung plano sa babae.."
   
 
"Sinong babae?"
    
  
"Yung nandito sa kwarto, tss."
  
 
"Malay ko ba sinong babaeng tinutukoy mo. Tsaka Stella ang pangalan niya, hindi mo ba talaga siya kilala?"
   
  
"Hmm. Nope."
   
   
"E bat ikaw kilala nya?"
   
  
"Aba malay ko, baka dahil sikat ako sa Epidóseis kaya ganyan. Gwapo ko kase--Aray!" hinampas ko na syang agad sa braso. Eto na naman sya sa pagkapilyo nya.
  
   
"Alamin mo. Baka mamaya kilala ka nya dahil womanizer ka. Tss." inirapan ko siya. "Baka dahil sayo hindi pa matuloy ang plano."
     
   
"Alright, so... ano na ngang plano?" tanong niyang muli. Hinarap ko naman ang seryoso niyang mukha. Ang gwapo..
    
   
"Tulad lang ng kay Colline. Make her fall inlove with you."
    
  
"Okay... pero para saan? Ano bang nagawa niya sayo?"
    
   
"Basta.. It's all for a good cause, Hunter." imbis na sagutin ako ay umiwas lang siya ng tingin. Napatingin pa siya sa ilalim na parang nagdadalawang isip. Napabuntong hininga siya't tumayo sa kinauupuan nya. Tinalikuran nya ako ng wala mang sinasabi ni isang salita.
    
    
"T-Teka, saan ka pupunta?" natigil sya sa paglalakad at dahan dahan akong hinarap.
   
    
"Starting your plan." saad nya bago ako iwan at pumasok sa kwarto ni Stella.
    
     
    
----

Innocent Devil meets Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon