Chapter 20

4.3K 204 8
                                    

Chapter 20: Intention
      
      
    
    
       
"Nood tayo ng gig ni Theo Co mamaya.." saad ni Hailey. Napapalakpak naman si Sasha dahil mahilig siya sa musika.
     
  
"Saan?"
    
  
"Sa Luxury bar."
    
    
"Uy sige, game ako!"
     
    
"Ako din."
   
   
"Me too.."
   
   
"Pass muna ko." sabay sabay kaming nagtinginan sa Autumn na abala na namang nakatitig sa phone nya.
   
    
"At bakit?" nakapameywang na tanong ni Hailey.
   
   
"Ahm... g-gagawin ko pa kasi yung report ko." napasulyap sakin si Autumn dahil alam nyang alam kong nagsisinungaling sya. Ngumiti siya na parang aso kaya nginisian ko na lang sya.
    
    
    
"Next week pa naman yun ah?"
  
     
"B-Basta...uwi na muna ko girls." nakipagbeso sya samin lahat at agad na tumakbo papalabas ng cafeteria. Pipigilan sana siya ni Hailey pero pinigilan ko rin agad si Hailey.
      
   
"Let her.." saad ko kaya napaupo na lang si Hailey.

   
"Anong meron kay Autumn? Sipag sa report ah."
   
  
"Ewan, baka mamaya namo-motivate sa textmate nya."
   
   
"Wow. Hanap na rin kaya ako ng katextmate sa tinder?"
    
   
"Baliw! Hindi textmate ang mahahanap mo dun, sexmate!"
   
    
Sabay sabay kaming nagtawanan sa mga pinagsasabi nila. Hindi na lang ako nagsalita sa usapan dahil iisa lang naman ang tumatakbo sa isip ko, mukhang makikipagkita na naman kasi si Autumn kay Mckey kaya nagmadali syang umalis.
    
    
    
    
Kasalukuyan na kaming nasa Luxury bar habang naghihintay sa pagkanta ni Theo Co. Sikat syang singer sa syudad dahil sa galing nyang kumanta. Schoolmate ko siya kaya madalas ko rin syang nakikita sa university na pinagkakaguluhan ng mga babae.
  
    
Kahit hindi ko kilala ng personal si Theo Co, nahalata ko na agad na playboy siya tulad ni Hunter.
   
    
Tss. Hunter na naman.
    
    
    
"Good evening ladies and gentlemen.. The star of the night is here, so let's give a hand of applause for our one and only, Theo Co!" naghiyawan agad ang mga manonood sa kanyang pagdating.
    
   
Ang sabi palakpakan, hindi tilian. MGA BOBO!
      
        
"This song is for the girl who always stares at me and looks away when I glance up to her." tss. Halatang playboy!
    
        
Napairap na lang ako't napalingon sa ibang direksyon. Naningkit ang mga mata ko ng makita ang isang pamilyar na taong nakatayo sa pintuan ng bar. Kausap nito ang dalawang bouncer na halatang ayaw siyang papasukin.
     
    
"Colline.." what is she doing here?
   
   
"May sinasabi ka ba Zoe?" napaharap akong bigla kay Skylar sa tanong nya.
    
    
"Wala naman."
    
     
Kahit na kumakanta na si Theo Co ay muli kong ibinalik ang atensyon ko kay Colline. Mukhang maayos ang dating ng usapan nila dahil nakangiti ito. Nadadala nya ata sa panlalandi nya ang mga bouncer para papasukin siya. May VIP card kasi dapat para makapasok.
     
    
Tsaka ano bang ginagawa nya dito? Marami naman kasing ibang bar, bakit dito pa?
     
    
Sandali kong nilibot ang paningin ko sa bar hanggang sa maagaw ng atensyon ko ang isang table na pinamumugaran ng mga malalanding babae. Sa pagmamasid ko, tsaka ko lang napansin na si Hunter pala ang pinagkakaabalahan nila.
     
    
Wait a second...
   
   

Innocent Devil meets Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon