Chapter 45: Date
"Tara girls, nood tayo ng training ng basketball players." pagyayaya ni Skylar matapos maagang magdismiss ng professor namin sa literature.
"Sus. ang sabihin mo, gusto mo lang makita si Chris." sagot ni Sasha. Natawa naman ako ng kaunti dahil yun rin ang nasa isip ko. Nandito rin kasi ngayon ang Epidóseis team para magtraining.
"Grabe, ganon na ba talaga ako ka-obvious?" natatawang ani Skylar.
"Psh. Oo no!"
"Tama na nga yan, tara na at ng makita na niya si Chris." pambubuyo ni Autumn. Napapalakpak na lang sa tuwa si Skylar sabay akbay kay Autumn.
Sumunod naman ako sa paglalakad nila. Agad rin naman kaming nakarating sa loob ng gymnasium. Malapit lang kasi dito ang building na pinapasukan namin. Nadatnan pa namin na may iba ring nanonood sa laro ng mga varsity players. Nasa magkabilang dulo ng court ang dalawang team. Lahat sila'y seryoso sa training.
Nabatchawan ko si Hunter na nagdi-dribble sabay pasa ng bola sa isang ka-team niya. Tutok na tutok siya sa bola na para bang ayaw niyang alisin ang mga mata niya doon. Sana ganyan rin siya sakin..
"Zoe." pagkalabit ni Hailey. Hinarap ko naman siya. "Dito ba gaganapin yung tournament?"
Napailing ako. " Sa kabilang university. Dito lang daw sila nagte-training dahil may kasalukuyang inaayos sa gymnasium nila." Napatangu-tango siya sabay baling ng atenyon niya sa mga players.
Ako man rin sana'y mapapalingon sa pagte-training nila nang magtama ang mga mata namin ni Hunter. Halos tumakbo na naman ang puso ko sa bilis kaya bigla akong napaiwas ng tingin. Hindi ko maintindihan kung bakit biglang ganon na lang ang naramdaman ko. Parang ang awkward lang nung nangyari kagabi at dala dala ko pa rin ito hanggang ngayon.
Gosh Zoe!
*preeeeeeet!*
"Okay, 20 minutes break every one." sigaw ng isang couch sabay turo sa dalawang team. Natigil naman ang mga players sa pagte-training.
Humugot ako ng malalim na hininga bago muling sulyapan ng tingin si Hunter. Nawala na ito sa pwestong kinatatayuan niya kaya napalinga-linga ako sa paligid para hanapin siya. At BOOM! huling huli sa akto na nasa tabi na siya ni Stella. Nandito na naman pala ang babaeng 'to. Psh.
Seryoso ko lang silang pinagmasdan habang naka-crossed arms ako. Dahan dahang ginalaw ni Hunter ang ulo niya papaharap sakin. Ngumisi siya nang mahuli niyang nakatitig ako sakanila. Hindi naman ako nagpatinag at tinaasan ko pa siya ng isang kilay. Kung iniisip niyang nagseselos ako, pwes hindi na ngayon dahil nalinawan na 'ko sa sinsbi niya kagabi.
You told me that you can break Stella's heart just for me. Siguraduhin mo lang na magagawa mo yang sinabi mo Hunter de la Vega!
"Hey Zoe." napalingon ako sa gilid at nakita kung sino ang paparating sa kinauupuan namin.
Good timing!
"Hey Daniel." todo ngiti ako sakanya sabay kaway pa nang makalapit na siya samin. Pinansin rin niya ang pinsan niyang si Autumn at mga kaibigan namin. Sumulyap naman ako sandali kay Hunter. Nakasimangot na ang itsura niya kaya nginisian ko ito.
Ikaw ngayon ang magselos!
"Hi guys." sunod na dumating ang kambal ni Autumn na si Chris. Nakasabit ang tuwalya sa kanang balikat niya't nakangiting lumapit samin. May kasama siyang isang morenong lalake na halos kasing tangkad lang rin niya. Agad kong nilingon si Skylar at nahuling napatulala na siya sa mukha ni Chris. Tinamaan na nga talaga siya.
"Buti at nandito kayo ngayon?" tanong sakin ni Daniel nang mapaupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko.
"Maaga kasi kaming dinismiss ng prof namin at saktong nagyaya naman itong si Skylar para manood." tugon ko. Napatingin ako sa noo niyang may bandage pa rin. "Kumusta na pala yang sugat mo?" turo ko sa noo niya.
Sandali siyang napahawak sa bandage bago sumagot. "Ayos naman, naghihilom na yung sugat."
"Ano bang pwede kong gawin para makabawi man lang ako diyan?"
"You don't have to Zoe. Hindi na kailangan." nakangiti niyang sagot.
"Malaking bagay kasi para sakin yung nagawa mo. Pwede mong ikapahamak yu--"
"Zoe.." muntik pa akong mapalundag sa kinauupuan ko nang hawakan niya ang isang kamay ko malapit sakanya. "Ginusto kong gawin yun kaya hindi mo kailangang gumanti o bumawi. Masaya na 'ko dahil nagawa kong saluhin yung paghampas ng kahoy...at hindi ikaw yung nasaktan." napalunok ako. Wala akong masabi kaya tanging ngiti na lang ang naisagot ko.
Ang bait niya.
Hindi mahirap magkagusto sa isang tulad ni Daniel. Bukod sa pagiging gwapong lalake niya ay may mabuti rin siyang kalooban. Bihira ka na lang makakita ng gaya niya dahil halos ng mga lalake ngayon, lahat ng gawin nila ay may hinihinging kapalit.
"May gagawin ka ba sa Sabado?" maya-mayang tanong niya.
"Uhh...wala naman, bakit mo natanong?"
"Yayayain sana kitang mag-date tayo sa labas. Kakain at manonood ng sine kung, okay lang?" hindi ako agad nakaimik sa tanong ni Daniel. Ngayon lang kasi ulit may naglakas loob na magyaya saking makipag-date. Nagawa ko pang mapayuko sabay sulyap sa kinauupuan ni Hunter. Kita kong abala siyang nakikipagkwentuhan kay Stella at mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. "Zoe?"
"Huh? Uhh..oo ba, sige." mas lalong lumawak ang mga ngiti niya sa labi na palatandaan na natuwa siya sa pagpayag ko. Napangiti na lang rin ako.
Ilang oras rin ang lumipas ay natapos rin ang kwentuhan at panonood sa training nila. Napagdesisyunan naming magkakaibigan na umuwi na rin para makapagpahinga. Kasabay namin sa paglabas ng gymnasium sina Chris at Daniel. Nagkapalitan pa kami ng phone number ni Daniel para may contact kami sa isa't isa.
"Ingat sa pag-uwi Zoe. Wag mong kakalimutan, sa Sabado ha?" paalala niya. Natawa naman ako ng kaunti at tumango bilang pagsang-ayon sakanya.
Pinagmasdan ko siyang makalayo bago ako mapailing.
"May date kayo?" napaharap ako sa pamilyar at malalim na boses sa likod ko.
It's him..
Napalinga-linga ako sa paligid. Nakita kong nauna ng naglakad ang mga kasama ko. Pero ang hinahanao ko ay kung nasaan ang kasama niyang si Stella. "So?" pagtataray ko nang harapin ko siya.
"Tss. sabi ko na nga ba."
"Wala kang sinabi." pamimilosopo ko.
Ngumiwi naman siyang tinitigan ako sa mga mata. "You'll regret coming with him, Zoe." aniya sa tonong halatang nagbabanta. Napalunok naman ako dahil sa naramdaman kaba.
What does he mean?
Bago pa man ako makapagtanong sakanya ay bigla na lang sumulpot si Stella sa tabi niya. Mabilis itong pumalupot sa braso ni Hunter. Kita ko pa ang pagtataka sa mukha niya nang makita ako.
Ts. hindi ka kagandahan kaya wag kang umastang parang ang ganda ganda mo bilang girlfriend ni Hunter.
"Hi Zoe." bati niya. Ngumiti naman ako. "Hi."
"Anong meron dito, babe?" watda?! babe?! eww!
"Nothing. just a simple hi and hello conversation." sagot ni Hunter ng hindi inaalis ang tingin niya sakin. "Let's go, ihahatid pa kita sainyo." doon pa lang niya hinarap si Stella.
"Okay...bye Zoe." pagpapaalam ni Stella sakin. Tinaas ko naman ang kamay ko bilang senyas na pagpapaalam rin sakanila.
"Enjoy...Zoe." napakunot ang noo ko sa pabagal na sinabi ni Hunter bago sila umalis sa harapan ko. Alam kong tinutukoy nya ang pag-alis namin ni Daniel sa Sabado. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit sarkastiko niyang sinabi ang "Enjoy...Zoe". Pakiramdam ko kasi, may binabalak na naman siyang hindi ko magugustuhan.
---
BINABASA MO ANG
Innocent Devil meets Naughty Angel
RomansaHunter: Ang tigas pa rin ng ulo mo! Zoe: Wow! Kung makapagsalita ka parang hindi ka ganon ah. Masyado kang pa-inosente! ----------------------------------- Hunter de la Vega, sikat sa pagiging gwapo, hot, basketball player, mayaman at notorious play...