Chapter 5

5.3K 143 1
                                    

Chapter 5: Excitement





Nagawa kong makalayo kay Hunter de la Vega. Buti at may tumawag sakanya sa phone kaya nagawa kong tumakas sa pagkakahawak nya. Mukha nga ring importante ang call dahil nagseryoso ang mukha nya ng tingnan nya ang phone nya. Maybe attorney na ng babae yung tumatawag at handa na syang kasuhan sa panloloko nya. HAHA I hope so!


"Seriously? The girl left?!" hindi makapaniwalang tanong ni Hailey. Naka group video call kaming magkakaibigan. Ikinwento ko kasi ang ginawa kong paninira sa relasyon ni Hunter at ng fiance... O wait, let me rephrase that, EX-FIANCE niya.


"Yep. Kung nakita niyo lang pati itsura ni Hunter, kulang na lang magdonate ako ng dugo sa sobrang putla nya." sabay tawa ko.


"For sure hindi ka titigilan nung Hunter na yun, as you've said, gusto ka nyang mag-explain dun sa Colline diba?" ani Sasha. Napataas naman ako ng kilay.


Hindi nila alam ang nakaraan sa pagitan namin ni Colline...wala akong kinukwento sakanila sa masalimuot kong nakaraan. Mahina ako noon, walang kwenta. At sa ngayon, hindi na yun parte ng buhay ko kaya hindi ko na dapat pa itong isama sa kasalukyan.


"Yeah she's right. Hanggat hindi mo naaayos ang gusot, wala kang takas."


"I'm not scared of him. Gawin nya kung anong gusto nya, papatulan ko sya." determinado kong sagot.


Nasa kalagitnaan ako ng pagbubukas ng libro ko ng biglang tumili si Skylar.


"AHHHH! Omg!" dahil sa curious, napatingin akong agad sa laptop at nalaman ang dahilan. Kita ko sa video call ni Autumn na nandoon ang kambal nyang si Chris na naka-topless. Mukhang may pinag-uusapan ang dalawa.


Kita ko ang nakangangang Skylar na manghang-manghang nanonood. For sure, she's staring at Autumn's twin. Mukhang tinamaan ang isang to.


"Sorry guys, kinausap lang ako ni Chris.." ani Autumn ng humarap sa video call. Umalis na rin ang kambal nya kaya tinuloy namin ang usapan.


"Anong sabi?" natutuwang tanong ni Skylar.


"About lang naman sa barkada nyang si Hunter. Mura daw ng mura sa ginawa ni Zoe, and..." may nalalaman pang pabitin effect itong si Autumn.


"And...?" sabay sabay naming saad sakanya.


"And pupunta sila ng school natin bukas." medyo nabigla ako dun. Pero di kalaunan, napangiti rin ako. Pupunta sila mismo sa teritoryo ko. Naisip ko rin na naging apektado nga ng husto si Hunter sa ginawa ko. Mukhang determinado pa nga siyang magkaayos sila ng Colline na yun. Ano bang meron sa Colline na yun? In fact, mas maganda pa nga ako sakanya e.


Medyo naguguluhan nga rin ako kay Hunter, alam kong isa syang dakilang womanizer sa Epidóseis, kaya paanong seseryosohin nya rin si Colline? Hindi lang nya kasing ginagawang girlfriend ang mga babae, sexmate pa daw. Hindi nga rin sya mahirap tanggihan dahil sa lakas ng sex-appeal at charm na taglay nya.


Really? Paanong ikakasal sila? Dahil ba sa galing nila sa kama? O well..


To be honest, nahalata ko rin naman ang makamandag na kagwapuhan ni Hunter. But sad to say, hindi ako ganon katanga para magpauto sa physical appearance nya.


Bigla tuloy akong na-excite sa mga naiisip ko. Parang ang sayang paglaruan ng isang tulad nya. I wonder anong mangyayari pag pinalambot ko ang puso ng isang Hunter de la Devil...este dela Vega.


"Zoe, nakikinig ka ba?" biglang putol ni Sasha sa pag-iisip ko.


"No." matipid kong sagot. Pinakita ko sakanila ang librong hawak ko na kunwaring doon nakatuon ang atensyon ko.


"Gosh Zoe, we're talking about the boys, pupunta sila right, so anong plano?" nagbitaw ako ng malalim na hininga. Sandali kong naisip ang pagkaganda ganda kong plano bago sya sagutin.


"I'm not with the boys... Hunter is all I want..." to destroy.



---

Innocent Devil meets Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon