Chapter 72: Fight
Nasa labas kami ngayon ng venue kung saan tahimik at kaming dalawa lang ni Hunter ang magkasama. Nakaupo kami sa isang bench. Tamang tama ang paglitaw ng buwan at kumikislap na mga bituwin para bigyan kami ng liwanag. Hindi rin maalis sa mukha ni Hunter ang sayang nararamdaman niya. Pinaglalaruan niya pa ang palad ko na para bang namiss niya itong hawak-hawakan nung magkalayo kaming dalawa.
Napangiti ako.
Ang sarap sa pakiramdam na kasama ko na ulit siya. Halos isang buwan at mahigit rin ang panahon na nagkalayo kami sa isa't isa. Ang hirap. Kung titingnan kami ni Hunter, parang isang dekada kaming nagkalayo dahil hindi kami mapaghiwalay. Palagi siyang nakadikit na parang takot na takot na mawala ako sa paningin niya. Hinahayaan ko naman dahil gusto ko ring sulitin ang oras na kasama ko siya.
"Hunter..." malumanay kong pagtawag sakanya. Humarap siya ng may ngiti sa labi. "Hmm?"
Oh shit!
Hindi ko nagawang makasagot agad dahil natulala akong bigla sa nakakapang-akit niyang mukha. Isang buwan lang ang tinagal niya sa Italy pero ang laki ng pinagbago niya. IBANG KLASE, mas lalo siyang gumwapo! Mukha ngang maihahalinutulad ang kinis ng balat niya saming mga babae, kumikintab kasi ito na parang nilagyan ng highlights o glitters. Sakto pa ang soot niyang black tuxedo na bumagay sa theme ng prom namin na Magical Night, he looks like a damn handsome prince in person.
Mukha ngang matatalbugan niya pa lahat ng lalake sa NAU dahil sa kakisigang taglay niya.
"What's on your mind, eh?" nakangisi niyang saad. Napakurap-kurap akong umiwas ng tingin sakanya. Feeling embarrassed.
"N-Nothing.." mabilis niyang hinablot ang magkabilang pisngi ko't hinarap sakanya. Halos dagain na tuloy ang dibdib ko sa dating ng pagngisi niya. Halatang may iba siyang iniisip sa pagtitig ko sakanya kanina. Err!
"Look at me." pang-aasar niya ng hindi ko siya magawang lingunin.
"Err! Hunter, stop!" nahihiyang utas ko habang nagpupumiglas sa mga kamay niya. Hindi naman siya nagpaawat dahil nanatili pa ring nakahawak ang mga kamay niya sa pisngi ko.
Oh my gosh!! Yung makeup ko magugulo!
Ngumisi siyang lalo at pilit na pinaglapit ang mukha naming dalawa. Para akong batang hindi mapakali dahil sa malikot kong pag-iwas ng paningin ko sakanya. Hanggang sa nagkataon na lang na biglang nagtama ang mga mata naming dalawa at para akong tupang kumalma sa mga titig niya. Kahit siya ay natigil sa pangungulit. Ang pagngisi niya ay unti-unting nawala't napalitan ng seryoso niyang mukha.
Hindi ko alam. Basta na lang kami natahimik. Walang humihiwalay sa pagtititigan namin. Kita ko pa ang paglunok niya ng bumaba ang mga mata niya sa labi ko.
Damn..
Ilang minuto rin kaming nagtagal sa ganong posisyon bago ko maisipang magsalita. Hinawakan ko ang mga kamay niya at dahan dahang inalis sa mga pisngi ko. Humugot ako ng malalim na hininga. "Hunter, sigurado ka bang umuwi ka dahil gusto mo? Hindi ka ba napilitan? Baka nakonsensya ka lang sa mga nasabi ko kaya ka nandito? Paano na lang yung inaasikaso mong kumpanya niyo sa Italy? Hindi ba kai--" hindi na niya ako pinatapos pa ng ilagay niya ang index finger niya sa labi ko.
Sandali siyang natawa. Nilagay niyang muli ang isang kamay niya sa pisngi ko tsaka ngumiti. "I chose you, Zoe... and I'll choose you over and over and over... without pause, without a doubt, in a heartbeat. I'll keep choosing you." kinuha ko ang kamay ni Hunter sa pisngi ko't binaba sa hita ko. Dahan dahan akong napayuko ng makaramdam ako ng bigat sa loob ko. Dapat ay matuwa ako sa sinabi ni Hunter pero hindi ko akalain na malulungkot pala ako dahil sa alaalang ikakasal ako sa iba.
Ayokong maging unfair sakanya..
Gusto kong sabihin sakanya pero hindi ko alam kung saan at paano ko sisimulan. Hindi naman yun magandang balita dahil paniguradong masasaktan siya. Isa pa, ayoko ring ikasal ako sa iba lalo na't may nagmamay-ari na ng puso ko at si Hunter yun. Siya lang at wala ng iba.
"Zoe, what's wrong?" alalang tanong ni Hunter sabay pisil sa kamay ko.
Napapikit ako ng mariin bago siya harapin. Ayokong malaman niya pa sa ibang tao ang bagay na dapat ako ang magsabi sakanya. Alam kong maiintindihan niya kung ipapaliwanag ko ito ng maayos sakanya.
Suminghap ako. "May dapat akong sabihin sayo.." kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Tila ba kinabahan siya sa dating ng pananalita ko.
"Teka, hindi mo naman sasabihing makikipaghiwalay ka, diba?"
Napangiti ako ng kaunti at umiling. "Hindi naman."
"Good." nakangiti niyang sambit. "Sige, sabihin mo na.."
Napalunok ako.
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa't sinabi ko ng, "Hunter, ikakasal ako sa iba." unti-unting naglaho ang ngiti sa labi niya. Hindi siya umimik. Inalis niya ang kamay niya sa hita ko't sumandal sa bench. Para siyang namatayan sa itsura niya ng tumitig siya sa ibang direksyon.
"Hunter.." pagtawag ko pero hindi niya ako nilingon. Halatang naapektuhan siya. Gustuhin ko mang bawiin ang sinabi ko pero hindi na pwede dahil yun ang totoo.
"Hunter..." suminghap ako. "Ayokong gawin yun.." saad ko sa malungkot kong boses. Hindi pa rin siya kumibo kaya napaayos ako ng upo para sumandal rin sa bench.
Ang sama ko ba dahil ito ang bungad ko sakanya pagbalik niya sa Pilipinas? Ang sama ko ba dahil sinabi ko ang totoo? Ang sama ko ba dahil nasaktan ko siya sa isang bagay na nakakasakit rin para sakin?
Haaaaay....
Ito na naman ang mainit na likido sa gilid ng mga mata ko. Naiiyak na naman ako. Pilit akong nagpipigil dahil ayokong makita niya ito't isiping nagpapaawa lang ako sakanya.
"Zoe.." halos pabulong niyang tawag. Nilingon ko siya pero nanatili pa ring sa ibang direksyon ang tingin niya. "I already know that before..." dugtong niya.
Hindi ko nagawang makapagsalita dahil sa gulat. Alam na niya? Paano? Bago pa man ako makapagtanong, naunahan na niya akong makapagsalita.
"Hindi ko sadyang marinig ang usapan niyo ng dad mo noong tinangka kong dalawin ka sainyo.." sambit niya. "Sa totoo lang, nanlumo ako nung nalaman ko yun Zoe... parang nasira ang lahat ng pangarap ko para sating dalawa... ang malibot natin ang buong mundo, ikasal sa simbahan, magkaron ng mga anak at masayang pamilya, makasama kang tumanda hanggang sa walang hanggan.." aniya tsaka natawa ng mapakla.
Napakagat ako ng ibabang labi sa pagpatak ng luha sa pisngi ko. Parang may parte sa puso ko na gumuho dahil sa sinabi niya. Parang naisip ko, baka ako ang dahilan kung bakit biglaan ang pagpunta niya ng Italy. Kung bakit ginagawa niyang maging abala sa kumpanya nila. at kung bakit dumating sa puntong naramdaman kong nagbago siya.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Kita ko sa gilid ng mata ko ang paggalaw niya paharap sakin sabay hawak sa mga kamay ko. "But.. I didn't come this far just to give up... hindi ako ganon kadaling sumuko, Zoe.. I'll fight for you, I'll fight for us." tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko. Hindi dahil sa sakit at lungkot kundi dahil sa saya. He's still the man I loved from the start. The man who also loves me. The man of my dreams. The man that will fight for me.
---
BINABASA MO ANG
Innocent Devil meets Naughty Angel
RomanceHunter: Ang tigas pa rin ng ulo mo! Zoe: Wow! Kung makapagsalita ka parang hindi ka ganon ah. Masyado kang pa-inosente! ----------------------------------- Hunter de la Vega, sikat sa pagiging gwapo, hot, basketball player, mayaman at notorious play...