Chapter 48: Thought
Lumipas ang isang linggo na hindi ako nagparamdam kay Hunter. Sa tuwing alam kong nasa N.A university sila ay ako na mismo ang umiiwas para hindi kami magkita. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko kung sakali mang magkaharap kami. Pagkatapos ng nasabi ko nung huli naming pagkikita, pakiramdam ko'y nawala lahat ng lakas ng loob ko para supladahan siya tulad ng dati. Parang gusto ko na lang maglaho dahil sa nangyari. Sobrang nakakahiya! Ni hindi ko nga alam kung paano kami humantong sa ganito.
"Zoe, ready ka ba sa report natin mamaya?" tanong ni Sasha dahil siya ang partner ko sa reporting namin sa literature.
"Yes.." matipid kong sagot.
Muli kong ibinaling ang atensyon ko sa labas ng classroom. Alam kong hindi dadaan dito si Hunter pero some how, naiimagine kong mangyayari yun kaya bigla na lang nagwawala itong puso ko. Palagi nga akong dinadalaw ng kaba sa tuwing nakakakita ako ng lalakeng kahawig ng paglakad o kaboses niya. Para na nga akong mababaliw lalo na ngayong alam na niya ang nararamdaman ko sakanya.
Kung bakit naman kasi nadulas pa ang dila ko. Sanang pinilit ko na lang na itaboy siya para hindi ako namomroblema ngayon.
"Anong iniisip mo, Zoe? Mukhang malalim ah?" napalingon ako sa tanong ni Skylar. "Ay wait, let me rephrase the word 'ano', sino pa lang iniisip mo?" pang-aasar niya.
Napairap ako sa kawalan. "Baka panibagong pababagsakin niya?" patong ni Hailey.
"O come on, alam naman nating lahat kung sino ang tumatakbo sa isip niya ngayon, right Autumn?"
Mabilis kong nilingon si Autumn. Napakagat siya ng ibabang labi sa titig ko't sinagot si Skylar. "Huh? Uhh, ewan.." good.
"Ano bang sinasabi mo Skylar?"
"I think namomroblema siya sa isang taong hindi niya magawang pabagsakin." napakunot noo ako. Ganon ba ako ka-obvious para malaman niya kung anong tumatakbo sa utak ko? "Am I right, Zoe?" sabay kindat ni Skylar sakin.
"Tss. stop that none sense topic Skylar." yes, I know. I'm guilty.
"As you've said." natatawang sabi niya. "But remember, hindi mo maiiwasan yan Zoe. You can't escape from things that are in your head...especially in your heart." hindi ko alam kung kikilabutan ba ako sa sinabi ni Skylar. Sa dating kasi ng pananalita niya, parang siguradong sigurado siya.
*bvvv! bvvv!*(Text message from Daniel)
"Pwede bang ihatid kita mamaya? :)"
Dahil wala ako sa kundisyon na pag-isipan ang isasagot ko ay mabilis ko siyang nareplyan ng,
(Text message to Daniel)"Sige."
Hanggang sa dumating na ang oras ng subject namin sa literature, tumayo na kami ni Sasha para magprepare sa report namin. Dala niya ang laptop niya at ako naman ang flash drive para sa PowerPoint.
"Good morning everyone." panimula ni Sasha. "We're going to report about the story of Romeo and Juliet, a tragedy written by William Shakespeare." dagdag pa niya. Hinayaan ko siyang ireport ang parte niya. Tahimik at nakikinig lang ang mga kaklase namin. Ganon rin ang professor namin na nakatayo sa likod.
Humakbang ako ng kaunti sa harapan ng ako na ang sumunod. "The Romeo and Juliet was based on a true story, but this was not 'Shakespeare in Love'. Romeo and Juliet was in fact based on the life of two real lovers who both died for each other and lived in Verona, Italy in 1303." paliwanag ko. Nilipat ko ang sumunod na page ng PowerPoint. "Shakespeare presents the theme of conflict through two warring families: the Montagues and the Capulets. The two families have been taught to hate each other, and this hatred impacts on the family members and the citizens of Verona." parang kami lang ni Hunter sa simula. We really hate each other.
Tuloy lang kami ni Sasha sa pagrereport. Wala kaming palya dahil napag-aralan namin ito ng maayos. Nakuha ko pang manood sa YouTube para lang makuha ang tamang pagbanggit sa mga linya ng mga karakter sa story.
Inilagay ko ang likod ng kamay sa noo ko at umastang parang si Juliet. "O Romeo, Romeo! wherefore art thou Romeo?" sinamahan ko pa ng feelings ang pagsasabi ng linya. Sa biglang paglingon ko sa labas ng classroom ay agad na nanlaki ang mga mata ko. Halos manigas ako sa kinatatayuan ko dahil hindi ko inaasahang makikita ko doon si Hunter. Nakangising nakasandal pa siya sa may pader at halatang pinapanood ako.
The hell! Kanina pa ba siya dyan?!
Napalunok ako. Hindi ko maitatangging bigla akong nakaramdam ng kaba ngayong alam kong nandyan siya. Para akong nablanko sa report ko't hindi ko na alam kung anong susunod na sasabihin ko. Shit!
"What's the matter Ms. Quinn?" tanong ng prof namin ng mapansing natigil ako.
"N-Nothing ma'am."
Napakurap kurap akong sinulyapan si Hunter. Kumaway pa ang mokong na halatang nang-aasar. Humugot ako ng malalim na hininga tsaka siya inirapan. "J-Juliet is thinking about Romeo and his family ties. In S-Shakespearean times, "wherefore" meant "why". Juliet is asking why Romeo is a Montague. Although, Juliet is unaware that Romeo is in the orchard below, s-she accurately points out a primary conflict in their relationship; their families probably won't accept or approve of their marriage." halos mautal utal kong paliwanag sa linya ni Juliet na nabanggit ko kanina. Hindi ko talaga tanggap na pinapanood ako ni Hunter habang nagrereport. Kainis!
Matapos ng report namin ni Sasha ay nagsipalakpakan ang lahat. Napatingin rin ako kay Hunter at nakikigaya rin siya sa pagpalakpak. Kung maaari lang na sumigaw ako kanina para paalisin siya'y nagawa ko na.
"Hi Juliet." salubong niya nang lumabas ako ng classroom.
"What are you doing here?" seryoso ngunit malumanay ang pagkakasabi ko.
"Palagi na lang bang ganyan ang salubong mo sakin?" nakanguso niyang tanong.
Umirap ako. "Ano bang inaasahan mo? Gusto mo bang magprepare ako ng red carpet at welcome tarpaulin sa susunod?" sarkastikong utas ko.
Bahagya siyang natawa bago ilapit ang mukha niya sakin. "Pwede. Pero mas ayos na sakin yung kiss sabay hug."
"Ha! As if gagawin ko yun."
"Oo naman. Hindi ba't kakasabi mo pa lang sakin na you do have the same feelings with me, Zoe." pabulong niya pang sinabi ang pangalan ko. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko na siya magawang tabuyin ngayon tulad ng balak ko kanina. Para akong naestatwa habang nakatitig sa mga mata niya.
What's happening to me?
Ramdam ko ang malakas at mabilis na tibok ng puso ko sa bawat segundong lumipas na tahimik kaming dalawa. Ni hindi na nga namin alintana ang mga taong nakakakita samin.
"Zoe." napakurap kurap ako't dahan dahang hinarap ang tumawag sa pangalan ko.
"Hey Daniel.." bati ko nang makalapit siya.
"Hi bro...mukha atang may seryoso kayong pinag-uusapan?" kahit nakangiti'y pansin ko ang pagtataka sa mukha ni Daniel.
Mabilis kong inunahan si Hunter. "Uhh, w-wala naman. Sakto kasing papalabas ako ng classroom at nagkasalubong kami." pagsisinungaling ko. Napakuyom naman ang panga ni Hunter. Ang kaninang masaya nyang mukha ay napalitan ngayon ng pagiging seryoso. Parang hindi niya tanggap na itinanggi ko kung anong totoong nangyari. Shit! Na-offend ba siya?
Ugh Zoe! You don't have to feel sorry for him.
"Ikaw Daniel, buti at napadaan ka dito?" tanong ko para maiwasang pansinin si Hunter.
"Nakalimutan mo na ba Zoe? Tinanong kita kung pwede ba kitang ihatid papauwi at agad kang pumayag." shit! oo nga pala!
Napalingon ako kay Hunter na ngayon ay parang may galit at pagkadismaya na sakanyang mukha. Parang may kung ano sa sistema ko na gustong magpaliwanag sakanya. It's not what you think Hunter! Gusto kong i-reason out na pumayag lang ako bilang pambawi kay Daniel pero....
"Sige, una na ko." pagpapaalam niya na may kasamang pilit na ngiti bago niya kami mabilis na talikuran. Parang may tumusok sa puso ko at ganon na lamang ang sakit na nararamdaman ko habang pinagmamasdan ang papalayong si Hunter. Pilit kong nilalagay sa isip ko na wala akong nagawang mali pero iba ang sinasabi ng konsensya ko.
"Let's go Zoe." pagyayaya ni Daniel. Tumango naman ako't ngumiti ng kaunti bilang pagsang-ayon.
*bvvv! bvvv!*
(Text message from Hunter)
"I thought you loved me."
---
BINABASA MO ANG
Innocent Devil meets Naughty Angel
RomansaHunter: Ang tigas pa rin ng ulo mo! Zoe: Wow! Kung makapagsalita ka parang hindi ka ganon ah. Masyado kang pa-inosente! ----------------------------------- Hunter de la Vega, sikat sa pagiging gwapo, hot, basketball player, mayaman at notorious play...