Chapter 57

3.7K 110 15
                                    

Chapter 57: Addiction
    
    
    
 
  
Para kaming nasa isang gera ni Hunter nang makapasok kami sa kwartong pinahanda niya. Mabilis kasi akong umakyat sa malaking kama sabay hagis sakanya ng mga unan. Ni hindi ko nga nagawang pansinin kung gaano kaganda at ka-enggrade ang loob dahil mas pinangunahan talaga ako ng inis sakanya.
    
  
"Zoe, hey--" sapul!! kainis ka!
  
  
"Ano ha? Lumabas ka diyan, hindi pa ako tapos sayo!" bulyaw ko. Nagtago kasi siya sa likod ng couch para proteksyonan ang sarili niya.
   
 
Hindi ko rin pinalampas ang mga tuwalya at kumot na nakatupi sa gilid ng kama. Sunud-sunod ko rin iyong hinagis sakanya. Letche talaga!
  
  
"Zoe, ayoko na." pagmamakaawa niya sabay taas ng isang tuwalya na nagsisilbing white flag senyales na sumusuko na siya.
    
  
Hindi naman ako nadala.
  
 
"Ayaw mo na? Diba eto ang gusto mo..na masolo ako. Halika dito!" nanggigigil kong saad sakanya. Dahan dahan naman niyang sinilip ang kalahati sa ulo niya't sinamaan ako ng tingin. Para kaming mga batang nag-aaway.
   
  
"Pag ako nakalapit sayo, humanda ka." pagbabanta niya. Napairap naman ako't mabilis na binato ang isang pares ng terry cloth slippers. Natamaan siya ng isa sa balikat pero nasalo naman niya ang sumunod. Tss!
   
 
Napalinga linga ako sa paligid ng maubusan ako ng gamit na ihahagis sakanya. Sandali akong sumilip sa ilalim ng kama. At ayun! kukunin ko na sana ulit ang isang pares pa ng slippers na nakita ko pero mabilis akong nahila ni Hunter pahiga sa kama.
  
  
"Gotcha!" nakangising saad niya habang hawak hawak ang dalawang kamay ko sa gilid ng ulo ko. Napasigaw ako. "Sinabi ko naman sayong humanda ka pero hindi ka nakinig." saad niya sa tonong nanakot.
  
 
As if natatakot ako.
   
   
"Let me go!" pilit kong pagpupumiglas sakanya. Para namang walang kahirap hirap sakanya ang paghawak sakin dahil nagagawa niya pang ngumiti ng nakakaloko.
   
  
"Bakit ba ang likot mo?" seryosong tanong niya. Sandali siyang natigil para bumuntong hininga. "Ayaw mo bang kasama ako dito?"
  
    
Kumalma ako.
    
  
"Hindi naman sa ganon... Pero hindi mo man lang kasi ako sinabihan tungkol dito. Hindi tuloy ako nakapagpaalam kina dad, wala akong sapat na pera at higit sa lahat, wala akong dalang damit. God Hunter! For 3 days, hahayaan mong ganito ang soot ko? Ganyan mo ba talaga ako kamahal, huh?" napakurap kurap siya sabay kagat ng ibabang labi niyang nangingiti.
   
 
Nilapit niya ang mukha niya. "Satingin mo ba hindi ko pinag-isipan ang mga bagay na yan bago mangyari 'to?" napakunot ang noo ko. "What do you mean?"
    
  
Inalis na niya ang pagkakahawak sa mga kamay ko kaya malaya na akong nakagalaw at nakaupo sa kama. Siya rin ay napaupo sa tabi ko sabay kuha ng phone niya. Napasilip ako ng kaunti at nakitang may dina-dial siyang number.
  
  
What is he doing?
   
  
"Hey, answer me!" saad ko ng hindi niya pa rin sinasagot ang tanong ko. Nilingon naman niya ako't tinaas ang kamay niya senyales na maghintay ako. Wow.
   
 
Napabusangot naman ako.
  
   
"Hey dude." saad niya sa phone na halatang may kausap. "Yes we're already here.." sinong kausap niya? Bakit parang may alam yung tao sa kabilang linya tungkol sa pagpunta namin dito? Planado ba talaga 'to?
   
  
"Yep, can I talk to your sister?" what?! sister?! Ano to? Nambababae ba siya sa mismong harapan ko? Err!
      
    
"Hey Autumn." WHAAAAT?! "Yes, she's safe with me.... Yeah, honestly I want you to explain everything to her...Haha yeah, here." sabay abot sakin ni Hunter ng phone niya. Tinitigan ko naman iyon sandali at nakita pang 'Chris' ang pangalan ng nasa phone niya. So it means may alam ang kambal tungkol dito?
   
  
Gosh!
  
   
"Hello?" saad ko pagkaabot sa phone.
   
  
"Hi Zoe!" I knew it, boses pa lang, alam ko ng si Autumn nga!
   
  
"Oh Gosh! May kinalaman ka ba dito?" diretsong tanong ko sakanya.
  
  
"Uhh, y-yeah.." nauutal niyang sagot. "Hunter just asked me a favor. Sabi niya na ipagpaalam kita sa dad mo na sa amin ka matutulog for 3 days. Naisip kong malaki ang utang na loob ko sainyong dalawa dahil nagawa niyong isakripisyo ang relasyon niyo para ilayo si Stella samin at hindi niya kami masira ni Mckey... kaya ayun, agad akong pumayag para makabawi man lang." paliwanag niya.
     
    
Napaface palm naman ako dahil sa mga naisip niya. Kung bakit kasi nasaksihan niya pa ang komprontasyon namin ni Hunter kahapon. Naging dahilan tuloy ang bagay na yun para isipin niyang may utang na loob siya samin kahit wala naman talaga. Hindi naman kasi niya hiniling yun dahil ako ang kusang nagdesisyon. Haaay.
  
 
"Gosh Autumn! dapat sinabihan mo man lang ako. Ako ang kaibigan mo diba?"
     
   
"Oo Zoe, alam ko naman yun... pero pinilit kasi ako ni Hunter." napasulyap ako kay Hunter at siya naman ang biglang pag-iwas sa tingin ko. Kunwari pa siyang painosenteng pumipito. Hmp!
   
  
Napabuntong hininga na lang ako. "Okay fine. Wala na akong magagawa...ano pa lang sinabi ni dad?"
   
  
"Hindi naman na siya nagtanong. Basta um-Okay lang siya at nagpasabing mag-iingat ka." sabi ko na nga ba at ganon lang ang sasabihin ni dad, palagi namang ganyan.
   
   
"I see.." muli akong napabuntong hininga. "Sige na Autumn, ibabalik ko na kay Hunter ang phone. Pasensya ka na at naistorbo ka pa niya." sinadya kong lakasan ang huling pangungusap para patamaan si Hunter. Napakagat naman siya ng ibabang sabay napakamot ng ulo.
  
  
Hindi mo 'ko madadala sa mga ganyan mo!
   
 
"Okay lang Zoe, ingat kayo dyan ah? Enjoy!"
   
 
"Thanks.." sabay end call ko. Padabog kong binitawan ang phone ni Hunter sa kama tsaka siya binigyan ng masamang tingin. Napalunok naman siya. Mabilis akong lumapit sakanya sabay hampas sa braso niya.
  
  
"Aray! Masakit ah!" nakasimangot niyang saad habang hinihimas ang nahampas ko.
   
  
"Masakit? Kulang pa yan sa pag-uutos mong magsinungaling si Autumn!" nanggigigil kong saad sakanya.
    
   
"It's just a white lie, Zoe." nakanguso niyang sabi na parang isang baby.
  
  
"White lie is still a lie, Hunter." sabay irap ko sakanya. Napatayo na ako para iwasan siya. Naagaw ng atensyon ko ang dalawang bukas na pinto sa may balkonahe kaya diretso kong tinungo yun. Parang nawala ang inis ko ng sumalubong sakin ang magandang tanawin sa ibaba. Kitang kita mula sa kinatatayuan ko ang buong sakop ng resort. Mas natatanaw ko rin ang malawak na asul na dagat na kumikislap dahil sa pagtama ng sikat ng araw.
  
 
Ang ganda. Sobrang ganda..
     
  
"Ang ganda no?" napalingon ako sa likod at nakitang nakatayo malapit sa akin si Hunter. Hinarap ko ulit ang tanawin.
   
 
"Oo." sagot ko. Muntik na akong mapatalon sa gulat nang maramdaman ko ang pagyakap niya mula sa likod. "Pero wala pa ring makakahigit sa ganda mo." bulong niya. Hindi ko nagawang umimik dahil sa paghuhuramentado ng puso ko. Para itong naglulundag sa tuwa dahil sa mga ginagawa ni Hunter. His arms feel more like home than any house did.
   
  
Narinig ko ang malalim niyang paghinga sabay patong ng baba niya sa balikat ko. "I could hug you for hours, Zoe." saad niya sa malambing na boses.
   
 
Natawa ako ng kaunti. "Adik ka."
   
  
"Everybody has an addiction.." natigil siya sandali para yakapin ako ng mas mahigpit. "mine just happens to be you." napayuko ako sabay ngiti. Hindi ko mapigilan ang kilig na nararamdaman ko.
 
   
Natahimik kaming dalawa. Pakiramdam ko ay nasa isang lugar kami kung saan malayo kami sa ingay at gulo na kinasanayan namin sa syudad ng Maynila. Bigla ko na nga ring nakalimutan kung ano bang dahilan ng kinaiinis ko sakanya. Kahit anong pilit kong alalahanin ay hindi ko na magawa dahil sa mas umaapaw ang sayang nararamdaman ng puso ko. He's all my heart ever talks about... because honestly, he's also my addiction.
   
  
  
---

Innocent Devil meets Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon