Chapter 71: Dance
Pilit lang ang pagpunta ko sa prom night namin. Kung hindi lang ako anak ng nagmamay-ari ng NAU, wala na sana akong balak pang mag-attend. Nakakahiya daw kasi kung hindi ako pupunta sabi ni Dad. Ano kaya yun? Akala mo naman malalaman pa ng lahat ng tao yun.
Haaaaay..
Ewan ko rin ba kung bakit sobrang naging apektado ako sa nangyari sa amin ni Hunter. Pakiramdam ko nagkakalabuan na kaming dalawa at iiwan na niya ako dahil sa ginawa kong hindi pagpansin sakanya. Pinapatay ko kasi ang mga tawag niya. Napagod rin siguro kaya hindi na nagawang mangulit ulit.
Badtrip!
Kung may choice lang talaga ako, mas gugustuhin ko pang magmukmok sa kwarto ko't matulog.
Napabuntong hininga kong nilibot ang paningin ko sa paligid. Halos hindi ko makilala ang mga tao sa loob dahil sa mga soot nilang maskara. Ang mga kaibigan ko lang ang nakilala ko. Obvious ring nahihirapan ang iba na kilalanin ang mga kasama nila. Hindi kasi maaaring alisin ang maskara dahil may nakatakdang oras para gawin yun ng lahat.
Mga 9:00 PM..
"Zoe??" saad ng isang lalake sa harapan ko. Tumingala ako't sandaling naningkit ang mga mata ko para kilalanin siya. "Ako to, si Daniel." sabay ngiti niya.
"Ohh, h-hi Daniel.." kahit half mask lang ang soot niya, hindi ko magawang maging pamilyar sa mukha niya. Nakakahiya tuloy, nagawa niya akong makilala sa maskara ko pero siya hindi ko.
Haaaay...bakit kasi hindi ko magawang alisin sa isip ko si.. nevermind..
Hindi siya darating Zoe.
"Tama siya, ikaw nga." natatawang bulong niya tsaka umupo sa isang bakanteng upuan sa tabi ko.
"Huh? anong sabi mo?" kunot noong tanong ko.
Umiling naman siya, "Ohh, nothing.. by the way, bagay mo yang soot mo. Mas lalo kang gumanda." nakangiting aniya habang tinitingnan ang soot ko.
"Uhh, thanks Daniel.."
(Zoe's gown. Hunter's favorite color is gray, mixture of white and black)
Lumipas ang ilang oras na nanatili si Daniel sa tabi ko. Wala naman daw siyang date kaya ayos lang na nandito siya. Naging komportable na rin naman ako sakanya lalo na't nagagawa kong makipagkwentuhan sakanya kasama ng mga kaibigan ko. Madalas ring nagpapakwento itong si Skylar sakanya tungkol kay Chris kaya hindi kami maubusan ng topic.
Kahit na nakikisama ako't ngumingiti sakanila, hindi pa rin maalis ang sakit na nararamdaman ko matapos ng usapan namin kagabi ni Hunter. Gusto ko siyang tawagan. Gusto kong humingi ng tawad. Gusto kong mag-usap kami para maayos namin 'to. Gusto ko pero may pumipigil sa parte ko. May kung ano sa utak ko na nagsasabing...
Kung mahal niya ako, gagawa siya ng paraan.
Napayuko ako't napapikit ng mariin. Mahal ko rin siya kaya dapat rin akong gumawa ng paraan. Masyado akong nagpadala sa nararamdaman ko't hindi naisip na baka nasaktan ko siya sa mga nasabi ko.
Anong baka? Nasaktan ko talaga siya! Haay nako Zoe!
Kinuha ko ang phone ko't sinilip ang oras. 8:34 pm na. Sakto at lunch break ni Hunter ang ganitong oras sa Italy. Sige, desidido na ako. Tatawagan ko siya.
Wait...hindi pwede dito.
Sambit ko sa sarili ko ng mapansin ang malakas at masayang tugtog sa mga speakers sa paligid. Marami na ring nagsasayawan sa gitna at mukhang mas ine-enjoy ang bawat pag-indak nila. Mukhang hindi kami magkakarinigan ni Hunter kung ganito kaingay ang background music.
Okay. Lalabas ako.
Humugot muna ako ng malalim na hininga bago magpaalam sa mga kaibigan ko para lumabas ng venue.
"Huh? Bakit Zoe?" tanong ni Sasha.
tatawagan ko kasi si Hunter. Gusto ko kasi talaga siyang makausap.
"Uhh, magpapahangin lang.." pagsisinungaling ko. Hindi ko pa kasi nababanggit sakanila ang misunderstanding namin kagabi ni Hunter.
"Magpapahangin? E hindi naman mainit dito ah." utas ni Skylar.
"Oo nga Zoe, tsaka madilim na sa labas... baka kung mapano ka." dagdag naman ni Daniel.
"Kaya ko naman ang sarili ko.. tsaka hindi naman ako lalayo. Babalik rin ako agad." dahilan ko. Hindi ko na sila hinintay pang sumagot at nagmadali na akong tumayo palayo sa table namin.
Hawak hawak ko pa ang ibaba ng gown ko para makalakad ako ng mabilis. Para akong si Cinderella na nagmamadaling lumabas dahil sa oras. Baka kasi hindi na masagot ni Hunter ang tawag ko pag natapos ang lunch break niya sa trabaho.
Napasulyap ako sandali sa phone para i-dial na ang roaming number na pinangtawag sakin ni Hunter.
Sagutin mo Hunter please...
*BOOOGSH!*
Napasapo akong bigla ng ulo ko ng mabunggo ako sa isang tao. "Sorry..." SHIT!! Napalunok ako ng marinig ko ang malalim niyang boses. Ramdam ko ang pagkalabog ng puso ko sa kaba. Kilala ko 'to...
Kilalang kilala ko 'to!
Dahan dahan kong tiningala ang mga mata ko papaharap sakanya. Half mask rin ang soot niya na tumerno sa gray kong gown. Kumikinang ang mga mata niyang nakatitig sakin. Hindi ako makapaniwala. Parang tumigil ang oras ng mga sandaling iyon at kaming dalawa lang ang nandodoon sa venue.
Si Hunter ito, sigurado ako!
*piano playing*
Ngumiti siya, "Can I have this dance?" sabay lahad niya ng isang kamay ko. Tinitigan ko iyon bago ko ipatong ang kamay ko doon. Hinawakan niya ng mahigpit ang isang kamay ko habang ang isa ay pinatong niya sa balikat niya. Halos manindig nga ang balahibo ko ng maramdaman ko ang pag-akyat ng kamay niya sa bewang ko.
Sheeez!
"Heart beats fast
Colors and promises." kasabay ng pagkanta ng singer ay siyang paggalaw namin para sumayaw. Nanginginig ang tuhod ko. Hindi ko magawang umimik. Ramdam kong naagaw namin ang atensyon ng iilan sa mga tao dahil sa pagtitig nila samin.
Gosh!
"You're wearing my favorite color." aniya ng hindi inaalis ang mga mata niya sakin. Umiwas ako ng tingin sa sinabi niya.
"I have died everyday, waiting for you
Darling, don't be afraid, I have loved you for a thousand years
I'll love you for a thousand more.."
Sandali kaming natahimik.
"Hunter.." malumanay kong saad. "Bakit nandito ka?" tanong ko.
Suminghap siya. "Cause being away from you is hell, Zoe.." sagot niya sa malungkot niyang boses. Gusto kong maniwala sa sinasabi niya pero biglang pumasok sa isip kong baka nandito lang siya dahil sa nangyari samin. Dahil sakin.
Kasalanan ko ba?
"Wag mong isiping kasalanan mo... planado ang pag-uwi ko dito noon pa man..." napakurap-kurap ako. Nabasa niya ba ang nasa isip ko?
Kung oo man, sana basahin mo na rin kung gaano kita kamahal Hunter. Gusto ko tuloy maiyak dahil sa tuwa. Tsaka ano?? Pag-uwi? Planado? Ibig sabihin ba nito na hindi ka na babalik sa Italy? Ibig sabihin ba nito, dito ka na ulit kasama ko? Makakasama na ulit kita?!
Oh please, say yes!!!
"Y-You'll stay here...again?" nauutal kong tanong. Ngumiti siya.
"One step closer
One step closer..."
"Yes Zoe, I'll stay here with you... It's been fucking long weeks, there's no way I'm leaving you again." hinila niya ako papalapit sakanya. Lalo kong naramdaman ang paghuhumarentado ng puso ko ng nagkalapit pa lalo ang mukha namin sa isa't isa. Kulang na lang na maghalikan na kami sa pwesto naming dalawa.
"I'll love you for a thousand more.." saktong natapos ang kanta ay sakto ring pagpatak ng oras ng alas-nuwebe hudyat para alisin na ang mga soot naming maskara.
Hindi ko nagawang alisin ang akin dahil nakatitig lang ako kay Hunter ng alisin niya ang maskara niya. Parang nawala lahat ng lungkot at sakit ng masilayan kong muli ang napakgwapo niyang mukha. Hindi na ako nakapagpigil pa't nagawa ko na siyang yakapin ng sobrang higpit. Hindi ko na alintana ang mga tao sa paligid. Damn! I missed him a lot!
---
BINABASA MO ANG
Innocent Devil meets Naughty Angel
RomanceHunter: Ang tigas pa rin ng ulo mo! Zoe: Wow! Kung makapagsalita ka parang hindi ka ganon ah. Masyado kang pa-inosente! ----------------------------------- Hunter de la Vega, sikat sa pagiging gwapo, hot, basketball player, mayaman at notorious play...