Chapter 62

3.4K 106 6
                                    

Chapter 62: Worthless





Parang kumukulo na ang dugo ko sa galit habang tinitignan ang pictures na pinasa sakin ni detective Tan. Na-track nga nila kung saan at sinong nagmamay-ari ng page na nagpost ng mga mapanirang impormasyon tungkol sakin at ng kay Autumn. Hindi ako nagkamaling si Stella nga ang may kagagawan ng lahat ng 'to.


"Halungkatin niyo lahat ng impormasyon tungkol sakanya.... kahit ang pinakatatago-tago niyang sikreto, alamin niyo. Wag niyong palampasin ang kahit ano. Kung kinakailangang sundan, sundan niyo." utos ko. Kausap ko sa phone call si detective Tan at alam kong mapagkakatiwalaan ko siya sa bagay na 'to.


"As you've said, Ms. Quinn." sabay end ko ng call.


Dalawang araw na rin ang lumipas matapos kong malaman ang tungkol sa post. Sobrang daming nag-share at nag-comment. Halos lahat ay pambabash ang alam. May nakikisimpatya naman sakin pero dahil sa maraming utak talangka at ugaling hayop sa mundo ay nagawa nilang maniwala agad ng hindi inaalam ang totoong dahilan. Kung maaari lang na patulan ko lahat ng yun ng isa isa, ginawa ko na.


"Ano, nalaman na ba ni detective Tan kung sinong nagpakalat ng post?" biglang sulpot ni dad sa likod ko. Nasa sala kasi ako at kauuwi niya lang galing sa trabaho.


"Yes." matipid kong sagot ng hindi siya nililingon.


"Good." binitawan niya ang briefcase sa glass table at umupo sa isang couch sa tapat ko. "Utusan mo na rin siyang i-hack ang facebook page na yun para mabura ang mga kumalat na post. Malaking kasiraan yan sa imahe mo pag kumalat pa yan lalo." utos niya na para bang isa lang ako sa mga empleyado niya.


"Napagawa ko na." malamig kong tugon.


"Kung bakit kasi nakikisama ka kung kani-kanino." eto na naman tayo. "Sigurado ka bang walang namamagitan sainyo nung lalakeng nasa picture?" napakurap kurap akong napalingon sakanya. Hanggang ngayon ay kinekwestyon niya pa rin ako kung may relasyon ba kami ni Hunter. Tinanong na niya ako tungkol sa bagay na 'to pero hindi ko sinabi ang totoo. Hindi ko alam kung bakit nawalan ako ng lakas ng loob.Bigla kasing pumasok sa isip kong baka paghiwalayin niya rin kami tulad ng ginawa ng magulang ni Autumn sakanya.


Alam kong balak niyang ipakasal ako sa ibang lalake pero naniniwala akong may posibilidad na hindi yun matuloy.


"Wala dad." sabay yuko ko paharap sa phone ko na kunwaring may tinitingnan.


Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Mabuti naman kung ganon. Hindi ka pwedeng magkaron ng ibang karelasyon lalo na't ikakasal ka na sa bakasyon."


"Tuloy pa rin?" dapat ay madismaya sila sakin ng dahil sa kumalat na post. Dapat ganon ang mangyari para i-atras nila ang deal nila sa pagme-merge sa negosyo namin.


"Oo, mabuti nga't hindi nakaapekto ang mga post na yun sa arrange marriage mo sa apo nina Mr. Fuentanilo." nakangiting saad ni dad na parang tuwang tuwa pa. Ni hindi man lang niya tinanong kung kumusta o ayos pa ba ako. All this time, yun pa rin pala ang iniisip niya.


"Oh Rafael, nandiyan ka na pala." saad ni Leah kay dad sa bigla niyang pagdating. "Sakto at tapos na ang niluluto ko, sabay sabay na tayong kumain." dagdag pa niya.


Tumayo naman ako para umalis.


"Zoe, saan ka pupunta?" biglang tanong ni dad.


"Sa kwarto ko."


"Ayaw mo bang sumabay saming kumain?" tanong naman ni Leah.


"No, busog na 'ko." kahit ang totoo, wala talaga akong gana. Tinalikuran ko na silang agad sabay diretso paakyat ng kwarto ko. Mabuti at hindi ko na sila narinig pang tumawag dahil lalong mababadtrip lang ako.


Napahiga akong agad sa higaan ko habang nakatitig sa kisame. Hindi ko alam kung gusto ko bang umiyak o sumigaw sa bigat ng nararamdaman ko. Hindi ko kasi magawang alisin sa utak ko ang mga masasakit na salita na sinasabi ng mga mapanghusgang tao. Pinapakita ko mang matapang at hindi ako apektado... pero sa loob ko, nasasaktan pa rin ako.


*bvvv! bvvv!*

(Text message from Hunter)

"How are you?"


I'm not okay...


Hindi ko nagawang magreply. Gusto ko lang tumunganga at maglugmok sa lungkot na nararamdaman ko. Kahit na pilit akong pinapasaya ni Hunter para makalimot, sandaling oras lang rin yun dahil bumabalik pa rin naman ang sakit sa problemang dinaranas ko ngayon.


Iniisip ko si Autumn, hindi ko pa siya nakakausap hanggang ngayon. Mukha talagang pinaghinigpitan siya ng mga magulang niya para malayo kay Mckey. Sinisisi ko tuloy ang sarili ko kung bakit hindi ko siya nagawang protektahan sa pananakit ni Stella. Akala ko pa naman ay magiging matagumpay ang plano ko pero nagkamali pala ako.


I'm sorry Autumn...


Hindi ko na napansin ang paglipas ng oras dahil sa malalim na pag-iisip ko. Ni hindi nga rin ako dinadalaw ng antok. Panay lang ang pagbuntong-hininga ko. Kating kati na kasi ang mga kamay kong makaganti sa ginawa samin ni Stella. Sa oras na malaman ko ang bahong tinatago niya, lahat gagawin ko para lang masira siya.


*riiing! riiing!*

(Hunter calling....)


Kinuha ko ang phone ko. Sandali ko munang pinagmasdan ang pangalan niya bago ito sagutin.


"Hello Zoe?"


"Hunter..." malumanay na tawag ko sakanya.


"Why aren't you answering my text?"


Napabuntong-hininga ako. "Sorry, I-I just want to be alone.."


"Zoe no.. You have me, you don't have to be alone."


Bumangon ako sa pagkakahiga para umupo sa kama. "I know... nase-stress na kasi ako at ayokong madamay ka." totoo yun.


"Come on Zoe, you don't have to worry about me.... do you want to talk about it?"


Napalunok ako. Mukha rin namang hindi ako makakatulog kaya naisipan kong mag-open sakanya. "Am I worthless?"


Sandali siyang natahimik bago ako sagutin. "Come here."

"What?" nagtatakang tanong ko. Narinig ko ang sinabi niya pero hindi ko makuha kung anong punto niya.


'Come here's sa bahay nila?


"I'm outside your house."


"Wha--" muntik na akong mapasigaw sa gulat. Mabuti na lang at nagawa kong takpan ang bibig ko. "Seriously?!" napatakbo akong agad papuntang terrace. Ganon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ko siya sa ibaba kasama ng Porsche niyang kotse.


Nakadikit sa tenga niya ang phone niya. Tumingala siya sakin at ngumiti. "Yeah." sabay taas niya ng kamay para kawayan ako. Para akong nakaramdam ng kuryenteng dumaloy sa spinal cord kasabay ng malakas na pagdamba ng puso ko.


Natutuwa akong nandito siya pero naalala kong hindi siya pwedeng makita dito ni dad. Baka magtaka siya kung bakit nandito si Hunter sa ganitong kalalim na gabi.


"Hintayin mo ako dyan." saad ko sakanya sabay off ng call.


Sa paglabas ko ng kwarto ko, napalinga-linga ako sa paligid para i-check kung may gising ba sa bahay. Mukha namang wala. Dahan dahan at tahimik akong bumaba papalabas ng bahay para puntahan siya. I couldn't even explain how good it feels to look up in front of our gate and see him standing there. Nakapamulsa pa siya habang nakatingalang nakatitig sa ulap.


Napalunok ako. Habang papalapit ako sakanya, damang dama ko ang lalong paghuhumarentado ng puso ko. Parang bumagal ang oras sa pagitan naming dalawa. Pati ang paggalaw ng mata niya paharap sakin ay naging mabagal tulad ng napapanood ko sa mga teleserye. He looked at me. He had beautiful eyes, the kind I could get lost in. His hair was still a mess but still looks handsome as hell.


Sinalubong niya akong agad ng mahigpit na yakap. Dinig na dinig ko ang malakas at mabilis na pagtibok ng puso niya. I buried my face in his chest as he held me. All I could ever think is that I needed him. I needed this kind of hug from him, needed him to hold me where I can feel that I'm safe...


"You're not worthless, Zoe." halos pabulong niyang saad sabay halik sa noo ko. "You're priceless.... especially to me. Don't ever forget that." sa sinabi niyang yun, naramdaman kong nawala lahat ng bigat sa dibdib ko.



---

Innocent Devil meets Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon