Chapter 25

4K 111 5
                                    

Chapter 25: Plan
     
     
     
     
      
Isang linggo na rin ang lumipas at naisipan kong makipagkita kay George. Ako na mismo ang nagyaya sakanya para bumawi sa naudlot naming lunch noong nakaraang linggo.
     
     
"Si Colline at Hunter, w-wala na talaga sila?" hindi makapaniwala niyang tanong. Naikwento ko kasi sakanyang nagkahiwalay na ang dalawa. Sinabi kong nagkalabuan sila kahit ang totoo, sinira naman talaga namin yun ni Hunter.
     
      
"Yep."
    
      
*bvvv! bvvv!*
(Text message from Hunter)
"Where's my lunch? :("
      
     
Napakagat ako ng ibabang labi sa pagpipigil ng tawa. Mukhang nasanay na ang lalakeng yun sa mga luto ko para sa tanghalian niya.
      
     
(Text message to Hunter)
"Next time, I'm busy."
     
       
"Satingin mo ba, may pag-asa ulit ako sakanya?"
    
   
"Maybe.." napangiti siya sa sinabi ko. Sige lang, maniwala ka lang sa mga pang-uuto ko George. Ipaparamdam ko sayo kung anong pakiramdam ng umasa at maloko.
      
       
     
*bvvv! bvvv!*
(Text message from Hunter)
"Are you just going to ignore me again huh?"
       
  
Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ni George pero hindi pa rin tumitigil kakatext itong si Hunter. Para siyang batang kanina pa nangungulit sa mga text nya. Hindi ko na lang pinapansin dahil may mas importante akong inaatupag ngayon.
      
       
"Pero, paano?"
      
     
"Kung gusto mo talaga siya, edi i-pursue mo ulit siya. Prove to her that she deserves you more than any other guy." napatango tango ang gago kong ex. Kung iniisip nyang tinutulungan ko sya para sa ikakabuti nya, pwes nagkakamali sya.
      
       
"Dapat ko ba syang sabihan na bumalik na ulit sakin?"
    
     
"Not that fast George. Dahan dahanin mo. Simulan nyo ulit sa umpisa." kung paano kayo naglandian noon habang tayo pa, at kung paano mo inilihim sakin ang tungkol sainyong dalawa.
   
     
"You mean, liligawan ko sya?"
     
    
"Absolutely.."
         
      
"Pero paano kung hindi niya ako tanggapin? What if mas gusto niya pa rin yung Hunter na ipinalit niya sakin?" yan ang dapat na mangyari sa huli. Yung tipong ginawa mo na lahat, pero hindi pa rin sapat. Yung tipong pinaramdam mong siya lang ang mahal mo pero may mahal siyang iba.
      
      
"Hindi mo pa naman nasusubukan, pinanghihinaan kana agad. Why won't you try first and see what might be the the result of your effort." hinawakan ko ang kamay nyamg nakapatong sa table tsaka siya nginitian. "I know you can do it George." kita ko ang pamumula niya habang tinitigan ako pabalik sa mga kamay kong nakapatong sa kamay nya.
     
      
Pakiramdam ko talaga may dating pa rin ako bilang ex niya.
      
        
      
*bvvv! bvvv!*
       
      
    
Bigla kong naialis ang mga kamay ko ng sunud sunod akong makatanggap ng text message galing kay Hunter. Binuksan ko ang iilan sa mga ito.
     
     
"Colline is inviting me at the Beach wear festival."
    
    
"What should I do?"
    
    
"She's still into me Zoe."
      
       
I have a brilliant idea.
      
       
     
Binabasa ko ngayon ang mga text message ni Colline kay Hunter. Nasa condo ako ngayon ni Hunter para isauli ang jacket nya. Hindi ko naman expect na hihilahin niya ako papasok para ipakita ang mga pangungulit na text messages ni Colline sakanya. Talagang hindi titigil ang babaeng yun na makasama si Hunter para magkaayos silang dalawa. She's still hoping huh?
    
     
Hindi pa rin pala siya nadadala sa nangyari sakanila. Kung sabagay, hulog na hulog na sya kay Hunter. Ang gusto ko lang naman noon ay ang masaktan ko siya, pero hindi ko naman inaasahan na sobra sobra pa pala ang mangyayari at maghahabol pa siya ng ganito. Desperada na talaga.
     
       
How pathetic.
       
    
Napangiti akong nagsalita kay Hunter habang nakacrossed legs akong nakaupo sa sofa nya.
     
      
"Go with her."
     
       
"What?!" muntik niya pang mabuhos ang iniinom nyang tubig dahil sa pagkagulat.
     
     
"Don't worry, I have a plan." I said with assurance.
    
      
"Ano naman?" nakakunot ang mga kilay nya ng lapitan nya ako. Natutuwa talaga ako sa tuwing nacu-curious ang isang to.
      
     
"Abangan mo na lang." sagot ko.
   
      
"Aish! Come on, tell me now Zoe."
    
    
"Just wait and be a good boy Hunter."
     
   
"Ugh! Fine...but you're coming with me, right?"
     
    
"Of course." malumanay kong sagot dahilan para mapangiti siya.
      
       
Paano ko magagawa ang plano ko kung wala ako diba? In fact, kailangan talaga ang presensya ko doon para makita kung gaano kasuccesful ang mga mangyayari between George and Colline.
      
      
(Text message to George)
"Come with me at Beach wear festival. Tomorrow at 7 AM"  
    
      
    
---

Innocent Devil meets Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon