Chapter 8: Instinct and Intuition
Napakunot ako ng kilay tsaka sumandal sa tabi ng pintuan ng condo nya. Habang pinagninilayan ko ang mga nalalaman ko kay Hunter, parang unti unti kong napagtantong iba siya sa mga lalakeng nakilala ko. Hindi ko alam, pero may kung ano sakanya na parang interesado akong malaman.
"Dangerous?" hindi ko dapat ito itanong dahil alam ko naman sa sarili ko kung anong sagot.
"Yeah, because you don't need anyone.." exactly...
"Kung gusto mong masaktan si Colline, you can do it by yourself." bigla akong dinalaw ng kaba. Bakit parang iba ang dating ng pananalita nya? Bakit pakiramdam ko may alam sya tungkol sa plano ko?
Isa pa, paano ko masasaktan si Colline kung obvious namang si Hunter ang kailangan ko para magawa yun. Because the most cruel thing a guy can do, is make a girl fall for him with no intentions of catching her. And that's what I want to happen.
"Gustong saktan? What do you mean by that?" tsaka ako tumawa ng mapakla.
"I don't know. Yun lang ang pakiramdam ko. Magaling akong makaramdam lalo na sa mga babae. My instinct and intuition never fails me.." napairap naman ako.
"Yeah right, womanizer ka nga pala kaya sanay kana sa mga nararamdaman ng mga babae." tsaka ako ngumiwi. Nagtaas naman siya ng isang kilay tsaka ako tinitigan.
"Sige, tutulungan kita." itinaas nya pa ang isang paa nya sabay patong ng isang kamay nya sa mga tuhod nya. Hindi ko tuloy maiwasang mapatingin sa mga abs nyang nagpapapansin simula kanina pa.
"Huh?" nakapagtataka kasi ang sinabi nya. Ako ang nagsabing tutulong sakanya, tapos ngayon sasabihin nyang sya ang tutulong sakin? Ano to, tulungan center? Lol.
"Susuyuin ko si Colline. Paiikutin ko siya tulad ng gusto mo." napangiwi ako.
"Wala akong sinabing gusto ko yun Hunter." kahit sa totoo, gusto ko naman talaga. Pero ang plano ko talaga dito, gusto kong seryosohin nya si Colline para sa huli, silang dalawa ang magkagustuhan at magkasakitan.
"Come on Zoe, aminin mo na." dahan dahan siyang tumayo kaya lumantad ang magandang hubog ng katawan nya. Napalunok ako ng makita ang paghakbang nya papalapit sakin.
"Wala akong dapat aminin."
"Talaga Zoe? Bakit pakiramdam ko gusto mong maghiganti sakin?" ganito ba talaga ang instinct at intuition na tinutukoy nya? It never fails him kasi lahat ng sinasabi nya, tama sa mga naiisip ko. Saktong sakto at walang palya.
Sa sumunod na hakbang nya, napagtanto kong malapit na pala sya sa kinasasandalan ko.
"Nasa sayo na yan kung paano moko pababagsakin, ang akin lang, magagawa mo ba?" ngumisi siya na parang minamaliit ako sa sinabi nya. Sinamaan ko naman sya ng tingin, kung inaakala niyang mahina ako para hindi ko magawang pabagsakin sya, pwes nagkakamali sya.
"Of course I can... definitely I can." determinado kong sagot.
"Oh, so you want a battle, huh Zoe?" sandali syang natigil tsaka isinandal ang mga kamay nya sa magkabilang gilid ng ulo ko. "Then I'll give you a war." dugtong nya. Ngumisi naman ako, natuwa ako sa sinabi nya dahil hinding hindi ko sya aatrasan.
Nagawa ko syang hawakan sa batok sabay lapit ng mukha ko sa tenga nya.
"One shall stand, and one shall fall." I murmured.
Tinabig ko ang nakaharang nyang kamay. Lalabas na sana ako ng pinto ng hablutin nya ang braso ko papaharap sakanya. Sa pagkakataong ito, mas nagkalapit ang mga mukha naming dalawa. Para ngang nakaramdam ako ng kuryente sa pagitan ng mga mata namin.
"I don't miss." nakangisi nyang saad. Amoy na amoy ko na ang bango ng hininga nya.
"Your instinct and intuition is playing tricks on you, my dear." pang-aasar ko. Nagawa ko pang hawakan ang pisngi nya bago umalis sa harapan niya. Para syang na-estatwa sa kinatatayuan nya habang nakatingin sa pader na pinagpwestuhan ko kanina.
"Ihatid mo na ko." saad ko. Napakurap kurap pa sya bago nya marealize na wala na ako sa harapan nya.
Sandali nya akong tinitigan na parang hindi makapaniwala sa mga nangyari. Napailing pa sya sabay suklay sa buhok nya gamit ang mga daliri sa kamay nya. Damn his looks..
"Don't worry Zoe, I'll do what you want to Colline..." dinig kong saad nya habang isinosoot ang shirt nya. "with pleasure." dagdag nya pa tsaka ako kinindatan.
---
BINABASA MO ANG
Innocent Devil meets Naughty Angel
RomanceHunter: Ang tigas pa rin ng ulo mo! Zoe: Wow! Kung makapagsalita ka parang hindi ka ganon ah. Masyado kang pa-inosente! ----------------------------------- Hunter de la Vega, sikat sa pagiging gwapo, hot, basketball player, mayaman at notorious play...