Chapter 58

3.8K 116 13
                                    

Chapter 58: Question
   
    
   
  
   
Napabalikwas ako sa pagkakahiga nang makaramdam ako ng panlalamig sa buong katawan ko. Hindi ko napansing nakatulog ako matapos naming kumain ng lunch kanina ni Hunter.
  
  
Speaking of, "Hunter?" sa pagkakaalam ko, katabi ko siya sa kama kanina pero bakit ngayon ay nawawala na siya? Napalinga-linga ako sa kwarto sa pagbabaka sakaling nasa paligid lang siya pero wala.
   
   
Nakapagtataka.
  
  
Napabangon ako. "Hunter?" pagtawag kong muli pero walang sumagot.
   
  
Napalingon ako sa tunog ng pagpatak ng tubig na nagmumula sa bathroom kaya lumapit ako. Maybe he's here. Kinatok ko muna ang pinto, "Hunter, are you there?" walang sumagot kaya napagdesisyunan kong buksan ito at napagtantong wala pala siya sa loob.
    
  
Weird.. nakabukas ang gripo pero walang gumagamit. Baka naiwan lang ni Hunter. Pinatay ko ito tsaka dumiretso naman sa balcony para tingnan kung nandon ba siya, "Hunter?" wala pa rin.
   
   
"Saan naman kaya pumunta ang lalakeng yun?" tanong ko sa sarili ko. Sandali kong sinilip kung anong ganap sa ibaba ng resort. Mukhang nagkakaron ng kasiyahan pagsapit ng ganitong oras ng gabi. Para ngang pool party kung titingnan dahil sa mga dancing lights sa paligid. Sumasayaw rin ang ilan sa mga tao na halatang nakikisabay sa pagtugtog ng live band.
  
    
Oh shit! Muntik ko ng makalimutan si Hunter!
   
  
Mabilis kong tinungo ang phone ko para i-text kung nasaan na ba siya. Nag-aalala na kasi ako. Ilang minuto na rin kasi ang lumipas pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Ni hindi man lang nagpasabi.
   
  
(Text message from Hunter)

"Find me."
  
   
"What the?!" halos mapasigaw ako sa inis ng mabasa ang reply niya. Sa ganitong oras, naisip pa talaga niyang makipagtaguan sakin? Wow. Ibang klase talaga kung manggimik ang lalakeng yun. Bawat maisipan niya'y basta basta na lang niya ginagawa.
    
   
Nireplyan ko siya.
    
  
(Text message to Hunter)

"Wala akong balak hanapin ka."
   
  
Ilang sandali pa....
   
 
*tok! tok! tok!*
  
   
Mabilis kong tinungo ang pinto. Naisip kong baka si Hunter na ang kumakatok at napasuko na siya sa pagtatago. "Hunt--"
    
  
"Good evening ma'am, pinapabigay po ito sainyo ni Mr. Hunter." sabay abot niya ng isang bouquet of roses. Hindi naman ako nagdalawang isip na kunin iyon. "Salamat."
 
 
"Sige po, mauna na po ako." nakangiting pagpapaalam ng babae.
 
  
"Teka sandali." tumigil naman siyang agad tsaka ako hinarap. "Nasan si Hunter?" tanong ko.
   
 
"Uhh, ehh... hindi ko po pwedeng sabihin ma'am. Hinabilin po kasi niya samin na kayo daw po mismo ang dapat na umalam kung nasan siya.... Sige po, alis na po ako." paliwanag niya at nagmadaling umalis. Naiwan naman akong tulala. Matagal bago magsink-in sa utak ko ang sinabi niya. The hell! Seriously? Naglalaro ba kami ng tagu-taguan? Imposibleng mahanap ko siya sa ganitong oras at kalawak na lugar. Ugh!
    
    
Bahala siya!
   
 
Bibitawan ko na sana ang bouquet nang mapansin ko ang maliit na card na nakaipit sa mga bulaklak. Naningkit ang mga mata ko ng binasa ko ang nakasulat doon.
   
  
-Note-
May mga damit ka diyan sa cabinet, change before you go down.

P.S. Find me.
 
  
Letche talaga! Ano bang trip ng lalakeng to at gustong magpahanap sakin? May makukuha ba akong price pag nakita ko siya? Argh!
      
   
Napabuntong hininga na lang ako. Tinungo ko ang cabinet na naglalaman ng maraming damit. Meron ditong panlalake na masasabi kong pagmamay-ari ni Hunter. Ang mga pambabaeng dress naman ay halatang bagong bili dahil sa mga tags na bakbak ang price.
   
  
"There.." hindi naman ako nahirapang pumili ng damit dahil halos magaganda naman lahat.
    
  
Lumabas na ako ng kwarto at diretsong pumasok ng elevator. Wala rin naman akong choice kundi ang hanapin si Hunter. Mukha kasing desidido siyang magpahanap at hindi lalabas hanggang hindi ko nakikita. Tss. Papagurin niya pa talaga ako.
   
   
"Shit." mahinang sambit ko sa pagkagulat nang salubungin ako ng isang babae pagbukas ng elevator.
    
 
"This way ma'am." turo niya papalabas sa resort. Ngumiti naman ako at sinunod ang sinabi niya.
   
    
Medyo nag-iba ang pakiramdam ko habang pababa ako ng hagdan. Nawala kasi ang mga taong nagsasayawan na nakita ko kanina mula sa itaas ng balkonahe. Medyo madilim na rin at puro kandila na lang sa paligid ang nakikita ko. May mga petals ng roses ring nakakalat sa daan. Hindi ko alam pero may kung ano sa sistema ko na nagsasabing magpatuloy lang ako sa paglalakad. Siguro ay dahil sa pagtataka ko kung paanong nangyari ang lahat ng 'to ng ganon kabilis.
   
  
Baka naman namalik-mata lang ako kanina? Or maybe, nananaginip lang ako?
    
  
Napapikit ako ng mariin sabay napailing. Kung panaginip lang ang lahat ng 'to, bakit pakiramdam ko parang totoo?
   
  
*guitar playing*
    
   
Bigla akong napatingin sa isang banda nang marinig ang pagtugtog ng isang gitara. Sa paglunok ko ay kasabay nito ang pagsindi ng isang spotlight na direktang tumapat sa stage. "Ilang beses ng nag-away
Hanggang sa magkasakitan
Na 'di alam ang pinagmulan.."
  
   
"Hunter?" bulong ko nang makita ko siyng kumakanta habang tumutugtog ng gitara.
   
  
"Pati maliliit na bagay
Na napag-uusapan
Bigla na lang pinag-aawayan
Ngunit kahit na ganito
Madalas na 'di tayo magkasundo
Ikaw lang ang gusto kong makapiling
Sa buong buhay ko.."
    
  
Halos isigaw na ng puso ko ang pangalan ni Hunter dahil sa malakas na pagkabog nito. Hindi ko nga alam kung dapat ba akong maiyak sa tuwa habang pinapanood siya sa harapan. Pakiramdam ko kasi, konektado ang lyrics ng kinakanta niya saming dalawa.
    
 
"Nagsimula sa mga asaran
Hanggang sa magkainitan
Isang eksenang bangayan na naman
Ba't ba kase pinagpipilitan
Ang hindi maintindihan
Di naman kinakailangan.."
     
   
Damn his looks!
    
 
Kahit na pumipikit siya sa tuwing dinaramdam ang pagkanta niya, hindi pa rin maaalis ang nakakaakit niyang dating. Hindi ko nga maipagkakailang nagmukha siyang anghel sa soot niyang puting long sleeves. Isama mo pa ang malamig niyang boses na nakakapanindig balahibo.
     
  
"Kahit na binabato mo ako ng kung anu-ano
Ikaw pa rin ang gusto ko.." saktong tumapat ang mga mata niya sakin. Ngumiti siya nang mahuli ang pagtitig ko sakanya. Napangiti rin naman ako dahil sa alaalang pambabato ko ng unan at kung anu-ano kay Hunter kanina.
   
    
"Wag ka ng mawawala
Hmm, walang iba." sabay sabay na naghiyawan ang mga tao sa paligid namin matapos niyang kumanta. Ni hindi ko nga sila napansin kung paano sila sumulpot dahil nakapokus lang ang buong atensyon ko kay Hunter.
   
  
Hindi naman maalis ang malaking ngiti sa labi ni Hunter. Napayuko pa siya sabay suklay ng daliri niya sa buhok niya. "Damn. You make me smile so effortlessly, Zoe." me too, you make me smile so effortlessly.
    
    
"It isn't easy being inlove with you and not being able to see you every day... There are times when I'd give anything just to be able to gaze into your eyes or hold you in my hands, even for a few minutes." he chuckles. "I always feel incomplete, like a part of me is missing, when we're not together....because I love you. I probably already told you, but I'm going to keep saying it." nangingilid na ang mga luha sa mga mata ko. Gusto kong pigilang maiyak pero shit lang dahil hindi ko magawa! Masyado na akong nagiging emosyonal sa mga sinasabi ni Hunter.
  
   
"There are no lies in these words, Zoe...not a bit. You changed everything in me that's why I can't just let you leave. Your presence keeps me alive. It is one more reason to keep fighting. I would give you my soul for comfort, even if it leaves me dark and cold. And when I hold you close, I can feel your heart beats fast, and I think to myself... I found that someone at last." napatakip na ako sa mukha ko dahil sa paghihikbi sa pag-iyak. Kung bakit kasi kailangan pang gawin ni Hunter ang ganitong bagay. Kahit kailan, hindi ko inisip na may lalakeng magsusurpresa sakin ng ganito dahil sa mahal niya ako.
   
  
Nang hindi ko na marinig sa pagsasalita si Hunter ay sinilip ko siyang muli sa stage. Napalinga-linga ako nang makitang wala na siya doon.
   
  
Where is him?
   
  
"Zoe.." bulong niya sa likod ko at mabilis ko naman siyang hinarap. Napangiti siya sabay lagay ng dalawang hinlalaki niya sa pisngi ko para punasan ang luha ko. "Hey, why are you crying?"
  
   
"Kainis ka.." naiiyak kong saad sabay mahinang hampas ng ng kamao ko sa dibdib niya. Nagawa niya pang itanong kung bakit ako umiiyak, halata namang alam niyang siya ang may kagagawan nito. Hmp!
  
 
"Haha! Shh. stop crying, you still have to answer my question." nakangising saad niya. Napakunot naman ang noo ko sabay tanong ng, "What question?"
   
 
Humugot siya ng malalim na hininga sabay hawak sa mga kamay ko."Will you be my girlfriend?"
    
  
  
---

Innocent Devil meets Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon