Chapter 77: Fiance
Kinaumagahan, nagising ako sa katok sa pintuan ng kwarto ko. Minulat ko ang mga mata ko at sumalubong si dad na papasok ng kwarto. Hindi naman na ako nabigla na suit na naman ang soot niya. Syempre negosyante siya, kailangan niyang maging presentable sa pagpasok niya sa trabaho araw araw.
"Bumangon ka na dyan Zoe.." utos niya na parang isa ako sa mga empleyado niya.
Nangunot ang noo ko. "Bakit?" wala namang pasok. Sabado ngayon.
"Aalis tayo. We're going to meet Mr. and Mrs. Fuentanilo with your fiance." napabangon ako sa pagkakahiga at mas lalong nangunot ang noo ko. Biglaan naman ata? Tsaka hindi na ako interesadong sumunod sa gusto niya lalo na't ito rin ang araw na sinabi ko kay Hunter na magkakaayos kaming dalawa.
"Dad, seryoso ka pa rin ba dyan?" saad ko ng nakatitig direkta sa mga mata niya. "Kasi kung tatanungin mo ako, ni isang porsyento sa pagpapakasal sa lalakeng yan, ayoko." may halong pagmamatigas at pakikiusap ang tono ng boses ko.
Mukhang hindi naman nakuha ni dad ang gusto kong mangyari dahil, "Magugustuhan mo rin siya pag nakilala mo siya."
"But dad--"
"No buts, Zoe. Bumangon ka na dyan at maghanda. Around 9 o'clock, aalis na tayo." diretsong saad niya bago lisanin ang kwarto ko.
Sa inis ko ay naitapon ko ang unan ko't napasabunot sa sarili kong buhok. Kahit kailan talaga hindi niya magawang pakinggang ang side ko. Ni hindi niya alam kung ano bang mararamdaman ko sa mga desisyon niya. Hanggang ngayon ba naman siya pa rin ba ang may hawak sa buhay ko? Damn it! Anak niya ba talaga ako o robot na utusan sa mga gusto niya?
Gosh!
Humugot ako ng malalim na hininga tsaka pumikit ng mariin. Kasabay nun ang biglang pagpasok ng isang magandang ideya sa isip ko. I'll go with my dad sa pakikipagkita kina Mr. Fuentanilo PERO, ibubunyag ko ang totoong nararamdaman ko. Sasalungat ako sa arrange marriage namin ng grandson nila. Wala akong pakealam kung magalit sila especially si dad. For sure ayaw rin namang mangyari ng apo nila ang bagay na ito. Kaya nga siguro hindi siya nakapunta nung unang beses na meet-up dahil hindi siya pabor sa gusto ng lolo't lola niya. Napipilitan lang rin siya tulad ko dahil sa negosyong yan.
Tama! Good idea Zoe!
Tumayo na nga ako't dumiretso sa bathroom para makaligo na. Pagkatapos ay pinili ko ang pinakamagandang dress at inayusan ng mabuti ang sarili ko. Naiisip ko kasing magiging maganda ang kalalabasan nito. Maipaglalaban ko ang sarili ko at ang pagmamahalan namin ni Hunter. In fact, I miss destroying people's happiness. Ang kaibahan lang ngayon, ang plano ni dad ang sisirain ko. Sarili kong ama at hindi ibang tao.
Sorry dad... pero gagawin ko 'to dahil ayokong may pagsisisihan ako sa huli.
Saktong 8 o'clock na at bumaba na rin ako ng hagdan. Nandon na sa sala si dad at si Leah na halatang naghihintay sakin. "She's here." untag ni dad ng makalapit ako sakanila. Seryoso lang ako't hindi umiimik. "Let's go." dagdag pa niya't diretsong lumabas pasakay ng kotse.
Sumunod na rin naman kami ni Leah para sumakay sa likod ng kotse. Alam kong nakatitig siya sakin at pinagmamasdan kung anong nararamdaman ko. Alam kong gusto niya akong kausapin para gumaan ang loob ko. Hindi ko na lang siya pinansin. Nanatili lang akong kalmado habang nakatitig sa labas ng sasakyan. Iniisip ko lahat ng mga sasabihin ko mamaya, kung paano ko sisimulan at tatapusin.
Lumipas ang ilang minuto naming pagbabyahe, nakarating na rin kami sa isang Italian restaurant. Naalala ko na naman tuloy ang pagpunta ni Hunter sa Italy. Paniguradong nasanay rin siya ng kaunti sa Italian foods dahil sa pananatili nya doon ng isang buwan. Napailing-iling ako sabay buntong hininga.
Napasulyap ako kay Leah, "Ayos ka lang ba Zoe?" kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala. "Yeah.." ngumiti ako para bigyan siya ng kasiguraduhan.
*bvvvv! bvvvv!*
(Text message from Hunter)"You told me ngayon tayo magkakaayos, right?"
Mukhang wala na ang kalasingan ng lalakeng 'to. Nireplyan ko siya.
(Text message to Hunter)
"Yes."
Mabilis akong nakatanggap ng message sakin.
(Text message from Hunter)"Okay. Let's meet later."
Hindi ko na siya nagawang replyan dahil sa pagdating ni Mr. and Mrs. Fuentanilo. Kumunot ang noo ko ng mapansing wala na naman silang kasamang iba bukod sa isang babae na mukhang maid nila dahil sa soot nitong uniform. Don't tell me hindi na naman sisipot ang apo nila? Obvious namang ayaw niya ang arrange marriage na ito but doesn't he have any manners? Nap...maybe he's still asleep.
O well. The hell I care. Mas maganda na rin namang wala siya.
"Good morning Mr. and Mrs. Fuentanilo." salubong ni dad sa dalawang matanda. Bakas sa mukha nila ang saya habang nagshe-shake hands.
"Good morning." sagot nila.
Ngumiti lang ako.
"Where's my fiance?" tanong ko agad na ikinabigla nila. Sarkastiko ang pagkakasabi ko noon pero mukhang hindi nila ito nahalata. Kita ko naman sa peripheral view ko ang naiinis na mukha ni dad. Mukhang siya lang ang nakahalata sa inasta ko. Binalewala ko lang.
"Oh yes, about Nap, pasunod na rin siya. May dinaanan lang daw siya kaya male-late siya ng kaunti." napatangu-tango ako. Sinabi rin naman nila yan noon na male-late siya pero hindi naman nakadating.
Tsss.
Tulad nung una, tahimik lang ako sa table habang nag-uusap sila. Hindi pa kami nag-o-order dahil hihintayin daw muna namin ang pagdating ng so called fiance ko 'daw'. Hindi naman ako umangal dahil wala rin ako sa kundisyong mag-order at kumain. Sumama lang talaga ako dahil sa plano kong pagsalungat sa arrange marriage.
Yun lang.
Ilang minuto pa ang lumipas, hindi na ako nakapagtiis sa paghihintay kaya mabilis ko ng pinutol ang usapan nila. "May sasabihin po ako." malumanay kong saad na may kasamang pag-galang sakanila.
Natahimik naman sila. Binaling nila ang atensyon nila sakin na halatang naghihintay sa susunod kong sasabihin. "Ano yun ija?" tanong ni Mrs. Fuentanilo ng nakangiti.
Sandali akong napayuko para humugot ng malalim na hininga.
Eto na...
"Hi grandma and grandpa." wait...
Goosebumps!
"Ijo, Nap, you're here!" dinig kong ani Mr. Fuentanilo na halatang tuwang tuwa.
"Sorry for being late.." nakayuko pa rin ako. Hindi ko nagawang lingunin ang lalakeng dumating sa harapan namin. Hindi ko alam kung bakit parang nanlamig ako sa presensya niya. Bigla akong kinabahan ng marinig ko ang malalim na boses niya. Bakit ganito? Bakit parang pamilyar ang dating niya?
Bakit parang kilala ko siya?
Napalunok ako. Simula sa sapatos niya ay dahan dahan kong inangat ang tingin ko papataas. Lalong lumalakas ang pagdagundong ng puso ko. Yung paghinga ko, ang bilis.
His hands . . .
His biceps . . .
His neck . . .
His jawline . . .
Shit! He's familiar!
I knew it!
He's.... He's...
"Hunter?!" it's him!
---
BINABASA MO ANG
Innocent Devil meets Naughty Angel
RomanceHunter: Ang tigas pa rin ng ulo mo! Zoe: Wow! Kung makapagsalita ka parang hindi ka ganon ah. Masyado kang pa-inosente! ----------------------------------- Hunter de la Vega, sikat sa pagiging gwapo, hot, basketball player, mayaman at notorious play...