Chapter 6

4.9K 146 7
                                    

Chapter 6: Victim





Malapit ng matapos ang Physics subject namin. Well, iba na ang professor namin ngayon matapos kong mapawalk-out ang isa kahapon. Ganon ba talaga kalala ang pagkakapranka ko sa isang yun para mag-resign siya sa trabaho nya? Kung tutuusin, level 1 pa lang yung pinakita ko sakanya kahapon.


"Class dismiss." agad na nagsitayuan ang mga kaklase ko. Para silang mga manok na pinalaya sa kulungan at nag-uunahang lumabas ng pinto.


Napasinghap naman ako ng malalim sabay sandal sa upuan ko. Napatingin pa ako sa mga kuko ko na may kulay gray na nail polish. Kailangan ko ng magpapalit ng kulay, mag-iisang linggo na to bukas.



"Kyaaaaaaaaa!"



Dinig na dinig namin ng mga kaibigan ko mula sa classroom ang sigawan sa ibaba. Tumayo pa si Skylar sa upuan nya at sumilip sa bintana. Ako naman ay nakatitig lang sakanya at hinihintay syang magsalita para sabihin kung anong ganap sa ibaba.


"Anong meron Skylar?" nagtatakang tanong ni Autumn.


"O-M-G" yun lang ang tanging sagot nya. Mukha syang namamangha habang nakatitig sa labas ng bintana.


Sa pagtataka ko, tumayo na rin ako ng upuan para sumilip sa bintana. Napakunot ang noo ko ng makitang maraming babaeng nakalupong sa baba. Sa pagmamasid ko, nakita ko ang dahilan ng mga pagtili nila.



The boys..



"They're here.." saad ko ng harapin ko sina Autumn sa kinauupuan nila. Agad naman nilang nalaman ang ibig kong sabihin kaya napatayo na sila.


Napag-isipan ko na kagabi ang plano ko sa pagdating nila. Actually, para kay Hunter lang talaga ang plano ko. Kung pipilitin nya akong makipag-usap kay Colline, pagbibigyan ko sya. Pero kung sasabihin nyang kausapin ko sya ng maayos, yun ang hindi ko hahayaang mangyari.


Sa pagbaba namin ng classroom, sumalubong agad ang limang lalake samin. Agad na nahagip ng mata ko si Hunter na seryosong nakatitig sakin habang nakahalf-smile. Soot soot nya pa ang varsity jacket ng Epidóseis.


"Hi girls.." saad ni Blaise. Kasama pala sya sa grupo ng Hunter de la Devil na to.


"Hello boys.." sagot ni Skylar.


Para kaming mga heroes sa isang movie na nagkaharap harap para maglaban. Nandyan rin ang mga estudyanteng nakapaligid samin na nanonood na may kasama pang mga bulong.


Ilang sandali kaming nagtitigan bago naglakad si Hunter papalapit sa harapan ko. Hindi naman ako nagpatinag at inabangan ko pa syang makalapit sakin. Ngumisi ako sabay crossed-arms.


"Woah! Someone found a new victim." saad nung isa sa mga kasama ni Hunter. Alam ko ang ibig nyang sabihin doon, pero sad to say, hindi ako ang magiging biktima dito, kundi si Hunter.


Nilingon ni Hunter ang kasama nya tsaka nagsalita.


"Shut up Andrew.." sandali syang napatigil para harapin ako sabay sabing, "she's coming with me." sabay hawak nya sa braso ko.



"What's with them?"


"Sila ba?"


"Hunter and Zoe? Impossible!"


Narinig kong bulungan sa paligid. Pasalamat sila at may mas importante akong aasikasuhin ngayon, kung wala lang tong si Hunter, baka kanina ko pa nangudngod ang mga mukha nila sa putikan.


"Are you going to take me to your ex-fiance?" naningkit ang mga mata nyang tinitigan ako. Para syang nagtaka sa sinabi ko.


"Are you referring to Colline?" he asked. Para pa syang natuwa sa tanong ko.


"Oo, may iba ka pa bang ex-fiance bukod sakanya?" sarkastiko kong saad.


"Yeah..actually, pangsiyam ko na si Colline. But don't worry, hindi kita dadalhin sakanya." ngumisi siya tsaka niya na ako hinila papalayo sa mga kaibigan ko. Narinig ko pang tumawag sina Sasha sakin pero hindi ko na lang ito pinansin.


Sasakyan ko si Hunter sa gusto nya, at alam ko ang gagawin ko.


"Kung hindi sakanya, kanino?" tanong ko ng maisakay nya ko sa Porsche nyang kotse.


"Sa condo ko." sagot nya bago nya ipaharurot ang sasakyan nya.



---

Innocent Devil meets Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon