Chapter 22

4.4K 119 4
                                    

Chapter 22: Not now
     
     
     
     
     
Masakit ang ulo ko ng magising ako. Nakadami kasi ako ng nainom na tequila kagabi sa bar.
     
     
Nasobrahan ata ako sa pagce-celebrate sa successful mission sa pananakit kay Colline.
      
       
Kahit gusto ko pang magpahinga, kailangan ko pa ring bumangon. Wala naman akong pasok pero pupunta ako ng Epidóseis. Makikipagkita kasi ako kay George dahil niyaya niya akong maglunch. Nakakainis nga kung bakit sa school pa nila. Wala pa daw kasi syang kaalam alam sa mga lugar dito sa Manila kaya pinagbigyan ko na lang. Palibhasa kase, laking ibang bansa kaya wala ng alam sa sariling lugar. Psh.
    
      
     
"Yaya pa-open ng gate, aalis ako." saad ko sa isa sa mga maid namin matapos kong maghanda. Nakaputing A-line dress ako at puting sandals. It's my favorite color.
     
     
"Opo ma'am."
        
      
     
      
Kalahating oras din akong nagmaneho bago ko marating ang Epidóseis. Para akong nakakaramdam ng emotional breakdown dahil sa sama ng pakiramdam ko. Napabuntong hininga ako bago tahakin ang hallway ng Epidóseis. Wala ako sa mood maging mabait sa mga tao kaya siguraduhin nilang tumabi sila sa dadaanan ko.
     
     
Kailan ba ako naging mabait? Tss.
      
     
Isinantabi ko muna ang nararamdaman ko't hinarap ang phone ko. Nakita ko ang isang message ni George na nagsasabing naghihintay na siya sa cafeteria. Para akong naiirita dahil hindi ko ramdam ang pagiging interesado ko ngayon sa plano ko.
      
       
"Ano bang nangyayari sakin?"
     
    
"Ano nga ba?"
    
     
"AH! SHIT!-- HUNTER ANO BA!" The hell with this guy? Bigla bigla na lang sumusulpot at manggugulat.
      
         
"What shit? Sa gwapo kong to? Psh." aniya sabay suklay ng buhok nya sa mga daliri nya.
     
     
"O gosh.. can you please get out of my sight? I'm busy.." inirapan ko sya at muling ibinalik ang atensyon ko sa phone.
    
    
"Busy? On what?" I was suppose to text George that I'm on my way when suddenly, Hunter stole my phone.
     
     
"The hell Hunter?!" sigaw ko habang inaabot ang phone ko sa kamay nya. Mas inilayo nya pa ito sakin kaya mas hindi ko na nagawang abutin ito dahil sa tangkad nya.
     
      
"Get it Zoe.." natatawang saad ni Hunter habang iniiwasan ako.
      
      
"Hunter I'm serious! Give it back!" bulyaw ko.
      
       
Pinagtitinginan na kami ng ibang tao pero hindi pa rin sya nadadala. Tuwang tuwa pa ang bwiset sa pang-aasar nya. Sa oras na makuha ko ang phone ko, makakatikim talaga sya sakin. Err!
      
       
Ng subukin ko ulit na kunin ang phone ay agad syang tumakbo ng kaunti at tumalikod sakin. Sa pagharap nya, hindi ko na nakita ang phone ko sa mga kamay nya.
         
       
Bwiset! Pinapasakit talaga ng lalakeng to ang ulo ko.
     
     
"Where is it Hunter?!" ngumisi siya ng nakakaloko at tumitig sa ibaba nya.
      
      
"In my pants. Come and get it, Zoe." tinuro nya pa ang pribadong parte ng ibaba nya't tinitigan ako ng malagkit.
     
       
"You stupid devilish--- Err! Bahala ka nga dyan!" nagwalk-out na lang ako't hindi na tinangkang kunin ang phone ko sakanya. As if kukunin ko yun sa maselang parte ng katawan nya. Hindi ako tulad ng mga babae nya na kayang humawak ng ganong klaseng....err nevermind.
     
      
Bahala talaga siya sa buhay nya. Hindi naman rin niya mabubuksan ang phone ko dahil may password rin yun.
       
       
      
       
Mabilis kong nilakad ang daan patungong cafeteria. Agad na nahagip ng mga mata ko si George na nakaupo at halatang naghihintay sa isang table. Sandali kong inayos ang buhok ko't dumiretso papalapit sakanya.
      
      
"Hi George."
     
    
"Oh hello Zoe. Dito, upo ka." ngumiti naman ako't umupo na rin sa harapan nya.
       
        
"Kanina ka pa? Sorry late ako."
    
    
"Ahh hindi, ayos lang.. hihintayin naman kita kahit matagal." gago.
   
    
"Kailan ka pa nagstart pumasok?" pag-iiba ko ng usapan.
      
     
"Kahapon lang Zoe. Hindi nga kita nakita, hindi ka ba pumasok?"
     
      
"Pumasok, pero hindi ako dito nag-aaral. Sa kabilang university.."
    
    
"Really? I thought dito ka kaya dito ako nagtransfer." gago ulit. Akala niya siguro madadaan nya pa ako sa mga pabibo nyang salita.
      
     
"Hm.. yeah. George, bakit ka pala pumunta dito sa Pinas?" diretsong tanong ko.
     
     
"Uhh... actually, sabay kaming pumunta ni Colline dito. It was supposed to be our vacation but suddenly, everything has changed."
    
     
"What happen?"
     
    
"Bigla na lang syang nanlamig. Yun pala napikot na ng iba."
    
     
"Iba? Sino?"
      
     
"Yung humila sayo nung isang linggo." sandali akong napaisip. Inaalala ko kung sino ang sinasabi nya bago ko makurpirma kung sinong tinutukoy nya.
    
    
"Si Hunter?!"
      
    
"Yeah.." sagot nya. Kaya pala ganon na lang ang reaksyon nya ng makita si Hunter.
     
    
Ibang klase rin pala, bilis ng karma nitong si George. Akalain mo, naramdaman nya kung paano maagawan ng minamahal. Ha!
        
       
"Ano mo?" tanong nya.
    
    
"Nothing, just a friend." pagsisinungaling ko. Hindi ko naman tinuturing na kaibigan si Hunter dahil ginagamit ko lang sya.
       
      
"Sila pa kaya ni Colline?" tanong nya. Nagkibit balikat naman ako sakanya para magkunwaring walang alam.
      
      
Ayokong sabihin sakanya na wala na sila ni Hunter at Colline dahil paniguradong aalamin nya kung bakit at hindi nya pwedeng malaman na ako ang dahilan. Hindi sa ngayon.
      
    
"Matutulungan mo kaya akong magkaayos kami ni Colline?" napakunot noo ako.
      
    
"You mean, magkabalikan?"
    
   
"Uhh, parang ganon na nga.." napatitig ako sandali sakanya. Nagpapatulong sya sakin na ex nya? Sa taong sinaktan nya? Wala ba talagang utak at damdamin ang isang to?
      
    
Kung sabagay, wala na rin naman akong pakealam. Ang gusto ko lang ngayon ay ang mapaniwala syang mabuti ang intensyon ko....dahil sa huli, tulad ng ginawa ko kay Colline, sasaktan ko rin si George.
      
       
"Sure." sagot kong nakangiti.
       
     
"Really? Salamat!" sabay hawak nya sa dalawang kamay ko sa table. Napatitig kaming dalawa sa mga kamay namin kaya bigla nya itong inalis.
     
    
I smell something different about George... Mukhang magagamit ko pa rin ang alas ko sakanya.
      
      
"Uh, s-sorry Zoe... kukuha na muna ako ng makakain natin." sabay tayo nya.
    
    
"Sige."
    
     
Pinagmasdan ko syang makarating sa counter habang tumatakbo sa isip ko ang mga paghihiganti ko. Iniisip ko pa lang ang lahat, natutuwa na ako. Paano pa kaya pag ginawa ko na? Siguradong magiging masaya to.
      
       
Habang naghihintay ako sa table, nabatchawan ko sa isang table si Hunter na nakatitig sakin. Napakunot ang noo ko ng ngisian nya ko sabay labas ng phone ko. Sa inis ko, napatayo ako sa kinauupuan ko't tinungo ang table nya.
    
      
"Akin na nga yan!" madiing sambit ko ng makaupo ako sa tabi nya.
     
    
"Not now." tsaka nya iniwas ang phone ko palayo sakin.
    
     
"Stupid. Ano bang problema mo?"
     
      
"Ikaw."
     
   
"Ako?"
     
   
"Bakit kasama mo yung lalakeng yun?" he's referring to George.
     
      
Napairap ako.
     
       
"I told you... I'm doing this for my revenge." napatango tango naman sya't inilapit ang kanyang mukha. Tinitigan nya pa ako sa mga mata habang nakanguso.
     
       
"What can I help you with?" naalala ko nga pala, gusto nyang tulungan ako. Pero hindi ko pa sya kailangan, sa ngayon.
      
      
Sandali akong napatitig sakanya bago ko sya ngisian.
        
     
"Not now." panggagaya ko sakanya sabay hablot sa phone ko. Halatang nabigla sya sa ginawa ko kaya natawa ako ng kaunti.
     
      
"Gotta go." utas ko. Tumayo na ako sa kinauupuan ko tsaka sya tinalikuran. Hindi pa man ako nakakaalis sa tabi nya ng bigla na lang nya akong hablutin sa kamay dahilan para mapaupo ako't mapasandal sakanya.
       
      
"Shit Zoe... y-you have a blood stain at the back." mahinang saad nya. Kabado akong napatingin sa puting dress ko't nakitang totoo ang sinasabi niya. Bakit ngayon pa?!
      
     
Gosh! This is so embarrassing!
      
       
Napakagat ako ng lower lip habang tumitingin sa paligid. And I hate it dahil wala akong maisip gawin para matakasan ang kahihiyang nararamdaman ko ngayon.
     
        
"Come." muntik na akong mapatalon sa gulat ng maramdaman ko ang jacket na pumatong sa balikat ko. Dahan dahan akong napatingin sa itim na jacket papataas kay Hunter.
       
      
Alam kong hindi ko maisasagawa ang plano ko kay George kung nasa ganitong sitwasyon ako. At alam ko sa sarili kong si Hunter lang ang makakatulong sakin ngayon kaya, "Okay.." saad ko sakanya.
      
      
     
---

Innocent Devil meets Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon