Chapter 12: Purpose
Isang linggo na ang lumipas simula ng magkita kami ni Hunter sa bar. Hindi na sya gaanong nagpaparamdam ngayon dahil busy daw umano sya kay Colline. Kung sabagay, mabuti na nga yun para mas mapasakay niya si Colline sa gusto nya. Naisip kong wag na munang sumawsaw dahil may tamang panahon rin naman para sa pag-entrada ko.
Sa isang linggo ring yun, napansin ko ang pagiging busy ni Autumn sa phone nya. Madalas na syang nakatutok dito, halatang palaging may katext na iba. Napapansin rin yun nina Sasha kaya palagi syang inaasar ng mga ito. Samantalang ako, nagmamasid lang.
"Cr lang muna ko.." nagmamadaling paalam ni Autumn. Hindi na nya kami hinintay na makasagot dahil sa mabilis nyang paglabas ng classroom.
Sa pagtataka ko, nagpaalam na rin ako sa mga kasama ko na uuwi na ako. Even the truth is that I want to follow our friend Autumn.
Hindi na kasi talaga ako mapakali sa kakaibang kinikilos nya.
Palihim kong sinundan si Autumn. Nag-iingat pa akong nagtatago sa mga poste at mga punong nadadaanan ko para hindi niya ako makita. Palinga linga pa siyang tumitingin sa paligid na para bang naniniguro siyang walang makakakita sakanya.
She lied to us. Sabi niya CR ang pupuntahan nya pero kanina pa namin nalagpasan ang dalawang pambabaeng CR sa building namin.
There's something about her.
Bigla akong nagtaka ng dalhin ako ng pagsunod ko sakanya sa building na hindi pa masyadong gamit. What's with this place? What is she doing here? Sa pagkakaalam ko, bagong gawa pa lang tong building na to kaya wala pang gaanong nagkaklase dito.
Madalas kaya siya dito?
Sa pagmamasid ko, nakita ko ang paghinto niya sa tapat ng storage room. Literal na tahimik sa lugar na to dahil madalang lang ang nagdadaang tao dito. Wala naman kasing masyadong classrooms dito at halos bakanteng mga kwarto lang ang naririto. Its's not haunted. Bagong gawa nga diba? Duh!
Agad kong itinago ang sarili ko habang sumisilip sakanya. Ilang sandali pa ng lumabas ang isang matangkad at mistisong lalake sa tapat ni Autumn. Who's that guy? Bakit parang kinakabahan si Autumn habang tinititigan siya nung lalake.
Kita ko pa ang pagbitaw ng malalim na hininga ni Autumn bago ko makita ang pagbuka ng bibig nya. She said something that makes the guy smile at her. What does that mean?
Gusto ko syang lapitan pero may bumabagabag sa loob ko. Ayokong makielam pero....ewan, hindi ko alam.
Sino ba ang lalakeng to sa buhay ni Autumn? Tsaka bakit parang ngayon ko lang nakita ang isang to? Bago ba siya sa school?
Napakunot ang noo ko ng makita ko ang paghawak nung lalake sa kamay ni Autumn. Bigla silang naglakad kaya napasunod naman ako.
They're so fast.
Bakit hinahayaan lang ni Autumn na kaladkarin siya ng lalakeng yun? Bakit siya rin ang pumunta sa lalake imbis na sya ang puntahan? At bakit parang may kakaiba sa lalakeng yun ng makita ko sya? The hell! Halatang hindi alam ni Autumn ang ginagawa niya.
"Excuse!" bulyaw ko sa mga nakaharang na estudyante ng makita kong tumakbo na yung lalake habang hila hila si Autumn.
Shit! Why do they have to run so fast like this? Soot ko pa man din ang bagong heels na bili ko kagabi.
Hindi pa rin ako tumigil sa pagsunod kahit papalabas na sila ng university. Kahit ako ay napapatakbo na sa bilis nila.
"Aww!" daing ko ng mabunggo ako sa isang taong nakaharang sa dinaraanan ko. Wrong timing!
"Oh, hey Zoe.." he greeted as I faced him with disgust.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Visiting you." napairap ako.
"Pfft. I'm not a patient to be visit... especially by you."
"Hahaha okay fine, bakit ka pala tumatakbo?" bigla akong napa-face palm ng mapagtantong nawala sa isip ko ang paghabol kina Autumn at sa unknown guy na kasama nya.
Napalinga linga pa ako sa tinakbuhan nila pero hindi ko na sila nakita. Mabilis silang nawala na parang bula.
"Shit!" iritadong saad ko habang hinihilot ang sentido ko.
Kung hindi lang ako nabunggo sa Hunter de la Devil na to, edi sana alam ko na ngayon kung saan sila pumunta. Edi sana alam ko kung anong meron sa dalawang yun. Nakakabwisit!
Sa inis ko, tinitigan ko ng masama si Hunter. Napakunot naman siya ng noo sa pagtataka.
"What?"
"This is your fault!"
"Huh? Wala naman akong ginagawa ah?"
"Meron! Imbis na nahabol ko sila, humarang harang ka pa sa dinaraanan ko, edi sana--Err!!" napasigaw na lang ako sa inis. Muntik pa akong madulas sa pagsabi ng pangalan ni Autumn. Buti at naalala kong kaibigan nitong si Hunter ang kambal ni Autumn na si Chris. Paniguradong wala ring alam yung Chris sa tinatagong sikreto ni Autumn. Kasi kung meron man, bakit kailangan pang patago silang magkita kung wala silang nililihim?
"Sinong sila?" usisa ni Hunter habang tumitingin sa paligid.
"Nevermind. Tsaka bakit ka ba kasi nandito? Imbis na makipaglandian ka na lang kay Colline, sinisira mo pa ang araw ko."
"That's my purpose."
"Huh??"
"Ang sirain ang araw mo.." mas lalo akong ginapangan ng matinding galit ng makita ko ang pagngisi nya.
Naalala ko nga pala ang sinabi nya noon na he'll give me a war, which means hindi lang ako ang may planong pabagsakin siya. Kundi pati siya, may plano para pabagsakin ako. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak nya ngayon, but one thing for sure, hindi ako magpapatalo.
"I'll get back at you, you stupid Hunter!"
---
BINABASA MO ANG
Innocent Devil meets Naughty Angel
RomansaHunter: Ang tigas pa rin ng ulo mo! Zoe: Wow! Kung makapagsalita ka parang hindi ka ganon ah. Masyado kang pa-inosente! ----------------------------------- Hunter de la Vega, sikat sa pagiging gwapo, hot, basketball player, mayaman at notorious play...