Chapter 56

4K 168 17
                                    

Chapter 56: 3 days
  
   
   
   
  
Napabalikwas ako sa hinihigaan ko nang maramdaman ko ang pagdaplis ng mainit na sikat ng araw sa balat ko. Umaga na pala. Tamad kong inabot ang phone ko sa table na katabi ng kama ko para silipin ang orasan.
    
   
8:51 na pala.. napasarap ako sa tulog. Buti na lang at walang pasok dahil sa tournament na naganap kahapon.
   
  
(6 messages from Hunter)
   
3:00 AM: Can't sleep, still thinking of you.

3:58 AM: Buti ka pa mahimbing ng natutulog. Siguro napapanaginipan mo 'ko no?

4:15 AM: Zoe, please let me sleep for now... stop making me smile.

4:46 AM: Can I call? I want to hear your voice..

5:22 AM: Fine, I'll just wait hanggang sa magising ka. Text me, okay?

6:05 AM: Gising ka na ba?
    
    
Napailing na lang ako sabay ngiti sa mga text message niya. Ibang klase rin pala ang lalakeng 'to. Masyado atang hindi nakamove on sa nangyari kagabi kaya hindi nagawang makatulog. Hindi ko na naman tuloy maiwasang makaramdan ng saya nang maalala ko ang eksena kagabi sa pagitan naming dalawa ni Hunter. Kung hindi ko lang siguro nabasa ang mga text niya'y iisipin kong panaginip lang ang lahat ng yun.
     
     
Tinext ko siya.
  
     
(Text message to Hunter)

"Good morning. Gising na ko."
    
   
Ilang minuto rin akong naghintay ng reply niya pero walang dumating. Inisip kong baka dinalaw na siya ng antok at ngayon pa lang nakatulog. Tumayo na lang ako sa hinihigaan ko para magsipilyo't maghilamos. Alas nuwebe na rin kasi at kailangan ko ng bumaba para magbreakfast. Ginugutom na rin ako dahil hindi man lang ako nakakain kahapon.
     
    
Diretso labas ako ng kwarto pababa ng hagdan. "Good morning ma'am Zoe." bati ng isa sa mga maid namin.
  
  
"Good morning, si dad?"
    
  
"Maaga pong umalis, may imi-meet daw pong kliyente."
   
  
"E si Leah?"
   
  
"Sinama po ng daddy niyo." napatangu-tango na lang ako tsaka dumiretso ng dining table. Nadatnan kong nakahain na ang almusal. Dahil maganda ang mood ko ngayon, hindi ko pa rin maaalis ang ngiti sa labi ko habang nagsisimulang kumain.
    
  
"Ma'am, may naghahanap po sainyo sa labas." anang isang maid sakin.
   
 
Kumunot ang noo ko. "Sino daw?"
   
  
"Future husband niyo daw po." mas lalong nangunot ang noo ko. Future husband? Don't tell me siya yung ipapakasal sakin ni dad?
     
  
Agad akong napatayo dala dala ang isang baso ng gatas na iniinom ko. Hinanda ko na ang sarili ko para supladahan siya ng sa gayon ay maturn-off siya sakin at siya na mismo ang magpatigil ng kasal.
    
    
"WHAT THE HELL?!!" gulat kong saad nang makita ang future husband ko "daw"
   
 
Feelingero!
      
  
Nakasandal siya sa kotse niya habang nakapamulsa. Hindi niya rin ako agad napansin dahil sa nakatingin siya sa ibaba at halatang may pinaglalaruang bato na sinisipa-sipa niya pa. "Oh hi, my future wife." nakangising saad niya ng mapalingon sakin sabay kindat.
    
  
Mabilis ko siyang nilapitan papalabas ng gate tsaka siya sinamaan ng tingin. "What are you doing here?" madiing tanong ko.
    
 
"I just wanted to check kung gising ka na."
   
 
"What? Gosh Hunter! Seriously? Pumunta ka dito para lang doon?"
   
  
"Honestly, may isa pang rason."
  
  
Napairap ako. "Ano naman?"
    
  
"I've missed you.." halos pabulong niyang sabi. Bigla naman akong natawa sa kilig na naramdaman ko. Letche! Ang aga aga, nambobola na.
    
  
Matapos kong matawa ay mabilis kong naibalik ang pagiging suplada ko. "So ano, yun lang? Makakauwi ka na." bumusangot naman siya.
   
  
"Ganyan mo ba talaga i-express ang pagmamahal mo sakin, ha Zoe?" nakanguso niyang tanong.
   
 
"Oo bakit? may angal ka?" nakataas na kilay kong pagsusungit sakanya.
   
  
"Wala naman. Ang sweet nga e." napakagat ako ng ibabang labi sa pagpipigil ng tawa. Letche talaga! Kung hindi ko lang mahal ang isang 'to, paniguradong kanina ko pa nabuhos sakanya tong mainit na gatas na hawak ko.
     
   
"Nga pala." napakunot ang noo ko sa bigla niyang pagsasalita. Tinitigan ko naman siya. "Ano?"
    
  
"Habang iniisip kita kagabi, naalala kong may napagkasunduan tayo pag natapos kong gawin ang plano mo kay Stella." sandali akong napaisip sa sinabi niya. Wala na akong matandaan sa tinutukoy niya. "You agreed that you'll go out with me for 3 days." naalala ko na.
    
  
"Ahhhh..." napatangu-tango ako. "So?" sabay inom ko ng gatas.
  
  
Naningkit ang mga mata niya. "Anong So? You have to accomplish that deal Zoe." saad niya na parang nagtatampong bata.
  
  
"Wala naman akong sinabing hindi ko tutuparin ah?" natatawang sabi ko. Siya naman ngayon ang napakagat ng ibabang labi habang nangingiti. Gosh! He's so god damn hot!
   
  
"So kailan mo gustong simulan ang deal?" tanong ko. Hindi na siya nagpaligoy ligoy pa't mabilis na sumagot ng, "Today."
  
  
"Alright." mabilis akong napapayag sabay abot sakanya ng kalahating baso ng gatas. "Wait for me, maliligo lang ako." utos ko. Ngumisi naman siya tsaka ako tinitigan na parang may iniisip na namang kalokohan.
   
  
"Pwedeng sumama--Aww!" hinampas ko ng agad. Napahagalpak naman siya sa tawa. Bumalik na naman ang Hunter na nakilala ko. Natutuwa naman ako dahil mas komportable akong ganito ang pakikitungo niya sakin kumpara noong sila ni Stella at parang hangin lang ako sakanya na hindi niya napapansin.
    
  
"Hahaha! I'm just kidding. Sige na, maligo ka na, maghihintay ako dito." nakangiting saad niya sabay inom ng natitirang gatas sa baso.
    
  
Napailing-iling na lang ako tsaka siya tinalikuran. Mabilis kong tinungo ang kwarto ko para makaligo. Ilang minuto rin ang itinagal ko sa bathroom. Pagkatapos ay nagsoot ako ng puting dress tsaka nag-ayos ng sarili. Halos dalawang oras rin ang tinagal ko sa paghahanda. Hindi ko naman kasalanan kung ganon katagal ang inabot ko.
     
   
Naabutan kong nakasalumbaba sa manibela si Hunter habang nakapikit ang mga mata niya. Nakonsensya naman akong bigla dahil naghintay talaga siya ng matagal sakin para sa pag-alis namin. Naisipan kong kuhanan muna siya ng litrato sa phone ko bilang remembrance.
   
  
Aww..how cute!
   
   
"Hunter?" saad ko sabay tapik sakanya. Napadilat naman ang isang mata niya tsaka ako sinilip.
    
  
"Damn!" halos manlaki ang mga mata niya nang makita ang kabuuan ko. Mabilis siyang lumabas ng kotse niya at manghang mangha na tumitig sakin. "What did I do to deserve you?" ngumuso na lang ako sa pagpipigil ng kilig. Kahit pala bagong gising siya ay hindi ko maitatangging professional na siya sa pagpili ng salitang bibitiwan niya.
    
   
"Dami mong alam. Tara na nga." natatawang sabi ko sabay ikot sa kotse niya. Natawa rin siya't agad na sumunod para pagbuksan ako ng pinto.
    
    
Pinaandar na rin niya ang kotse niya pagkasakay namin sa loob. Habang nasa byahe ay hindi matigil ang mga kwento at pambobola ni Hunter. Ako naman tong nakikinig at madalas na natatawa sa tuwing nagbibiro siya. Para ngang walang nangyaring sakitan dahil balik normal na naman ang lahat samin. Mabuti na ring hindi na namin balikan ang mga alaalang yun dahil hindi rin nakakatuwang alalahanin yun. Isa pa, naalala ko rin ang sinabi ni Autumn noon na mas mahalaga ang kasalukuyan at hinaharap sa nakaraan.
   
 
"Saan pala tayo pupunta Hunter?" tanong ko nanv mapansing hindi na ako pamilyar sa lugar na dinadaanan namin.
   
 
"Sa resort namin."
     
  
"May resort kayo?" namamanghang tanong ko.
   
 
Sandali niya kong sinulyapan at ngumiti. "Yep, Camp Netanya, sa Batangas." hindi pa ako nakapunta sa lugar na yun pero dahil sa kwento ni Autumn ay may ideya na ako tungkol sa resort na yun. Nakita ko na rin sa picture ang itsura kaya hindi ko maiwasang hindi ma-excite dahil alam kong maganda ang pupuntahan namin.
     
   
"We're here." masayang saad ni Hunter. Nauna siyang bumaba ng kotse sabay ikot para pagbuksan ako ng pinto.
    
  
Agad kong inilibot ang paningin ko't hindi maiwasang mas mamangha sa resort. Mas maganda pala ito sa personal. White and blue ang kulay ng design sa paligid. Para kaming nasa Santorini sa Greece dahil sa pagkakahawig ng pagkakagawa ng bawat estraktura ng resort. May malawak ring swimming pool at sa labas nito ay matatanaw ang asul at malinaw na dagat.
   
   
Just wow!
   
    
"Good afternoon Mr. Hunter." bati ng tatlong babaeng nakaputing uniform. Mabilis kong pinanlisikan ng mata si Hunter kaya ngiti lang ang naibigay niya sa mga babae.
   
  
Parang kanina lang ay good vibes pa ang nararamdaman ko. Pero ngayong napagtanto kong halos mga babae ang empleyado sa paligid ay nagbago ng bigla ang mood ko. Bawat daanan namin ay tinititigan si Hunter simula ulo hanggang paa na parang pinagnanasaan siya. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng inis. Ang sarap manusok ng mga mata sabay luto para gawing fish ball. Err!
   
    
"Kung nakakamatay lang ang titig mo, matagal ka ng nakulong sa dami ng napatay mo." pagbibiro ni Hunter.
  
  
Tinaasan ko naman siya ng isang kilay. "Kung nakakamatay nga lang ang mga titig ko, isa ka na sa mga nabiktima ko." bwiset!
   
  
Natawa siya ng kaunti. Nanindig namang bigla ang mga balahibo ko ng maramdaman ang pagpalupot ng kamay niya sa bewang ko. " Relax. I'm only yours, Zoe." bulong niya direkta sa tenga ko. Shit! Goosebumps!
     
    
"Hunter, madaming nakakakita." bulong ko habang pilit na kumakalas sa pagkakayakap niya sa bewang ko. Hindi naman siya nagpatinag. "So what? They're just jealous 'cause we're young and inlove" wow. lyrics ba ng kanta yun? Ay ewan.
    
  
"Tss. whatever." hinayaan ko na lang siya sa gusto niya. Nagustuhan ko rin naman ang ginagawa niya dahil nalalaman ng mga taong ako ang mahal niya at wala ng makakaagaw pa sakanya.
   
  
Hanggang sa makarating kami sa loob ng resort ay sinalubong kami ng isang babaeng nasa 30 ang edad. Iba ang soot niyang uniporme kumpara sa mga empleyado kanina kaya satingin ko'y isa siya sa mga namamahala dito.
    
  
"Good afternoon Mr. Hunter, how can I help you?" bungad niya na may kasamang ngiti.
   
 
"We're going to stay here for 3 days so I want you to prepare the luxurious bedroom." utas ni Hunter na parang isang boss. Halos manlaki naman ang mga mata ko ng marealize ko ang sinabi niyang "we're going to stay here for 3 days" Like DUH! Wala kaming pinag-usapang ganon! Alam kong kasama ko siyang lalabas sa tatlong araw pero hindi ko naman expect na pati pala sa pagtulog!
   
  
"Sa pinakataas po ba na balkonahe, sir?"
  
  
"Yes please." tumango ang babae at mabilis na sinunod ang utos ni Hunter. Agad ko naman siyang kinurot sa tagiliran. "Aww, what was that for?" sabay himas niya sa nakurot ko. Dahil yan sa desisyon mong wala man lang pahintulot mula sakin. Err!
   
  
"Ano yun ha? Anong stay here for 3 days? Wala yun sa usapan natin Hunter!" malumanay ngunit madiin kong saad sakanya. Nanggagalaiti na talaga ako sa inis.
   
  
"This is your price for me, Zoe. Anong mapapala ko sa mga sakripisyo ko kung 'di ako mag-e-enjoy pagkatapos." he smirked as he placed his hand at the side of my neck. "Just accept the fact, you'll be with me for 3 days...at masosolo kita ng buong buo." he whispered seductively.
   
   
  
---

So ayun, kinikilig na naman ako hahahaha. But let me rest for awhile dahil may pasok na naman bukas mga beshie. Don't forget to vote and comment about your reactions in this chapter. mwaa!

Innocent Devil meets Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon