Chapter 32

3.9K 118 9
                                    

Chapter 32: Care
       
     
     
    
     
Kasalukuyan akong namimili ng mga ingredients sa sinigang na lulutuin ko para kay Hunter. Puro kasi easy to eat ang mga nasa ref nya. Wala naman syang mapapala sa mga ganong pagkain. Kailangan nya ng sabaw na mahihigop para agad syang gumaling.
    
    
"548 pesos po lahat." saad nung kahera. Nagbayad naman ako't agad ring kinuha ang mga pinamili ko.
      
    
Hindi ako nagpaalam kay Hunter na pupunta ako ng supermarket para mamili, nadatnan ko kasi syang natutulog ulit matapos kong mangalkal sa ref nya.
    
    
Walking distance lang ang supermarket kaya agad ko ring narating ang condo ni Hunter. Gagamitin ko na sana ang susi para buksan ang pinto ng kusa itong bumukas at iniluwa ang pagkagwapo gwapong nilalang. Halatang kakagising lang nya.
     
  
Napakunot ang noo kong tinitigan sya. "Oh, bat gising ka?" sumimangot syang tinitigan ako. "Sabi mo kasi ipagluluto mo ako pero nawala ka naman."
     
   
"Bumili lang ako ng mga ingredients sa sinigang. Puro kasi simpleng pagkain ang laman nyang ref mo."
   
   
"Sana ginising mo ko para nasamahan kita."
    
  
Napailing ako. "Okay lang, may lagnat ka kaya hindi na kita inistorbo."
        
    
"Kahit na." pagtatampo niya. Inirapan ko naman sya at diretsong pumasok ng condo nya. Hindi ko na siya pinansin. Tinungo ko agad ang kusina para ihanda ang mga gagamitin ko sa pagluluto.
     
     
"Can I help?" dinig kong tanong nya mula sa likuran ko. Napaharap ako sakanya. Nakaupo siya sa maliit na dining table, nakatitig sa floor at papikit pikit ang mga mata na halatang inaantok.
    
    
Tss. He's so cute.
    
   
Napangiti akong umiwas ng tingin. "No need, kaya ko na to. Magpahinga kana lang sa kwarto mo."
    
  
"Okay, I'll just watch you." dinig ko ang pagtunog ng silya na para bang umupo sya doon. Tama naman ako dahil nakita ko syang maayos ang upo habang nakasalumbabang nakatitig sakin. Parang bata na naghihintay sa pagkain.
   
   
"Ikaw ang bahala." napapailing kong sabi. Wala ng umimik saming dalawa. Mas itinuon ko rin kasi ang pagluluto sa sinigang. Pag talagang may ginagawa ako, ayokong naiistorbo. Gusto kong mas nakapokus ang atensyon ko sa isang bagay para magawa ko ito ng maayos.
     
    
Ilang minuto na rin ang lumipas, hinihintay ko na lang maluto ng maayos ang pagkain. Naisabay ko na rin ang pagsaing ng kanin. Napasulyap ako kay Hunter at nahuling natutulog syang nakasalumbaba. Para syang tipo ng isang estudyante na hindi nakapagpigil sa antok at basta basta na lang nakatulog habang nagdi-discuss ang teacher.
     
    
"Sabi panonoorin ako tapos...tss." pabulong kong saad sa sarili. Kahit kailan, pag nagsasalita ang lalakeng to, hindi nya kayang panindigan.
         
       
Tahimik akong umupo sa tapat nya at pinagmasdan sya sa ganong pwesto. Buti at nababalense nya ang ulo nya kaya hindi ito nahuhulog kahit natutulog sya. Kahit na magulo ang kanyang buhok, gwapo pa rin syang tingnan. Para syang baby na nakapout ang lips. Ang hahaba rin ng mga pilik-mata niya. Naisip ko, kahit sino mahuhulog sakanya. Kung tutuusin, full package na si Hunter, wala ka ng hihilingan pa. Sagad sa buto ang dating ng kagwapuhan at hotness niya.
   
   
Yun nga lang, manyak. Pero ganon pa man, marami pa rin syang naaakit. Kahit idaan nya lang nga ang mga babae sa mala-demonyo nyang titig, nahuhulog na sila.
     
       
"Hmmm.." bigla syang napagalaw sa pwesto nya dahilan para mapatayo akong agad. Muntik na niya akong mahuli. Buti na lang mabilis akong nakalayo sakanya.
    
    
Napalinga linga siyang napatingin sa paligid bago maisakto ang pagtitig nya sakin. Napabuntong hininga sya. "Akala ko iniwan mo na 'ko."
    
   
"Akala mo lang yun." atat ka masyado. In the near future pa naman.
     
    
"Ang bango naman nyan, Zoe." anya sabay ngiti.
    
  
"Syempre luto ko...sakto pwede na pala to, paghahain na kita." nagsandok na ako ng kanin at ulam. Inilapag ko ito sa dining table para makakain na siya.
    
     
"Asawa na ba kita?" nakangising saad nya. Inirapan ko naman. "Shut up Hunter, kumain ka na lang dyan." pagsusuplada ko. Natawa naman syang nagsimula sa pagkain nya.
    
   
Kumuha na rin ako ng ulam at sinabayan sya sa pagkain. Ginutom na kasi ako sa mga ginawa ko simula kanina. Nakakapagod rin pala.
     
     
Nakakatatlong sandok na ng kanin si Hunter sa kinakain niya. Ako naman ay paubos pa lang sa unang pagkuha ko. Busog na nga ako pero parang sya gutum na gutom pa rin. Hindi ko rin naman maitatanggi na masarap nga ang luto ko.
     
     
"You really care for me, right Zoe?" maya mayang sabi nya sa tonong naglalambing. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi.
   
   
"Oh yes... like this bowl, it is filled with how much I care for you." napangisi ako. "and Oh, it's empty." bumusangot na naman ang mukha nya. He really assumed that I care for him. Psh.
      
    
"Tch. You won't come here and cook a food for me if you don't care at all."
  
   
"I just did that dahil bumabawi ako. That's all Hunter de la Vega."
    
     
"That's all Hunter de la Vega. Tss." panggagaya niya sakin. Huminto siya sa pagkain at napasandal sa upuan. Para syang nawalan ng gana. "Even though you didn't care for me, I will still care for you...always." seryosong saad nya.
     
      
Natawa ako. Ngumisi ako bago sabihing "I. Don't. Believe. You."
     
   
"You should believe me, Zoe Quinn." ngumisi siya sabay titig pababa sa kamay ko. Hinawakan nya ito at tila may hinahanap na kung ano. "Teka, bakit nawala?"
    
  
"Huh??"
     
   
"The mark Zoe." ahhhh. Yung hickey na ginawa nya noong nasa garden kami ng bahay nina Autumn. Well, inakala ko rin na magtatagal yun pero nagawan ko ng paraan kaya naalis ito sa kamay ko.
    
   
"Cause there is no permanent in this world, Hunter." lahat nawawala.
     
    
"Okay, then I'll put another one." agad kong binawi ang kamay ko sakanya. Bwiset! Kamuntik na naman nyang bigyan ng marka ang kamay ko. Sinamaan ko naman sya ng tingin kaya napabulalas sya sa tuwa.
     
   
Kainis ah? Kita na nyang naiirita ako tapos magagawa nya pang tumawa.
    
   
"Why won't you just let me Zoe? Marka yun na akin ka dapat, akin lang." natatawa ngunit may pagkaseryosong sabi nya.
     
    
"Anong sayo? Tss. You can't have me Hunter.... never." Inilapit niya ang kanyang katawan sa mesa. Sinuklay niya ang buhok nya sakanyang mga daliri't pinagsalikop ang kanyang dalawang kamay.
     
   
Ngumisi siyang tinitigan ako direkta sa mga mata. "Are you sure about that?" aniya. Tinaasan ko sya ng isang kilay. Kinuha nya naman ang tinidor nya't dinuru-duro ito sakin. "Because I always get what I want, Zoe Quinn." sinabi niya iyon ng may kasiguraduhan sa tono ng boses nya. Para itong sumpa na totoong mangyayari at dapat kong katakutan.
   
     
 
---

Innocent Devil meets Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon