Hello, maraming salamat po sa lahat ng nagbabasa sa mga ipinopost kong stories. :)
Story Of Us Trilogy
Book 1: A Love To Cherish (Vladimir and Bainisah)
Book 2: A Tale Of Forever (Ezekiel and Patrice)
Book 3: A Tale Of Love To Cherish Forever (Alexander and Christine)
Sa mga nagbabasa ng libro ko, ang Mondragon Brothers ng Story Of Us trilogy ay may connection sa Valencia clan ng Valencia series. :) Actually, isang nobela ang dahilan kaya nagkaroon ng Story Of Us Trilogy at Valencia Series, ang A Home In His Arms--- ipo-post ko rin ito soon. ;)
CHAPTER ONE
North Cotabato, Mindanao.
NAPAPIKIT si Patrice nang sipain ni Señor Artemio ang lalaking nasa harap nito. Nakaluhod ang lalaki habang ang magkabilang kamay nito ay pigil-pigil ng dalawang armadong lalaki na miyembro ng private army ng señor.
Nasa Kidapawan City siya nang mga sandaling iyon para bumili ng ilang grocery items nang hindi sinasadyang makita niya ang kaguluhang iyon. Maraming tao ang nakakakita pero walang nais makialam dahil lahat ay natatakot na mapagbalingan ng galit ni Señor Artemio Moreno. Kilala ito sa kalupitan. Makapangyarihan ito dahil sa angking yaman at impluwensiya. Marami na itong kinamkam na lupain sa Cotabato. Hindi lang iyon, isa ito sa mga taong may sariling private army sa Cotabato. He was formidable. He destroyed what he couldn't control. Wala itong posisyon sa gobyerno pero ito ang nasa likod ng pagkapanalo ng mga local officials na nakaupo, hindi lang sa Cotabato kundi maging sa ibang parte ng Mindanao. Iyon ang dahilan kung bakit hindi ito magalaw-galaw ng mga pulis.
Bukod sa private army nito na laging may nakasuksok na baril sa baywango kaya ay may hawak na Armalite,nakakatakot din ang hitsura ng señor. Makapal ang mga kilay nito at maiitim ang mga mata na kung tumingin ay nagpapahayag ng kabagsikan. Ang mga labi ay palaging tikom at nakataas ang noo sa pagmamalaki.
"A-ano raw po ang kasalanan ng lalaki?" mahinang tanong niya sa katabing babae na napahawak sa braso niya. Ramdam niya ang nanginginig na kalamnan nito dala ng takot. Siya man ay natatakot din. Bata pa lang siya ay naririnig na niya kung gaano ito kalupit. At sa hindi iilang pagkakataon ay nasaksihan na niya ang kalupitan nito sa maliliit na taong gaya nila.
Nasaksihan na niya noon nang tutukan nito ng baril ang isang lalaki sa harap ng karamihan. She was ten years old then. Hindi na niya matandaan kung ano ang dahilan at ginawa iyon ng señor, pero ilang gabi rin siyang hindi nakatulog dahil doon. Bali-balita rin na walang anuman dito ang pumatay. Ang akala niya ay sa pelikula langnangyayari ang ganoon, hindi pala.
"Wala. Hindi lang pumayag 'yang si Berting na ipagbili ang sakahan niya dahil iyon langang tanging kabuhayan ng pamilya niya. Mabuti sana kung hindi madedehado si Berting sa bayaran, kaya lang alam mo naman kung anong klase ng tao si Señor," mahinang wika nito.Pasimple pa itong nagpalinga-linga para tiyakin na walang nakarinig sa sinabi nito.
Kung ganoon, nanggigipit na naman ang señor. Kapag hindi nito nakuha ang gusto, tiyak na may kalalagyan ang lalaki.
Kagat-labing napatingin uli si Patrice sa binubugbog na lalaki. Binitiwan na ito ng mga tauhan ng señor na may hawak dito. Parang lantang gulay na nalugmok ito sa lupa. May dugong umaagos sa mukha ng lalaki pero tila siyang-siya pa ang mga tauhan ng señor sa nakikita.
Nang hindi na niya makayanan ang nakikita ay pasimpleng umalis na siya sa kulumpon ng mga tao para umuwi.
P.SKaya Book 2 agad ang ipinost ko kasi ito pa lang ang nare-retrieve ko na soft copy. But, yes, ipo-post ko ang tatlong libro. Paki-VOTE na lang at mag-iwan ng COMMENT. Maa-appreciate ko rin kung ise-share ninyo. Thank you. :)
BINABASA MO ANG
Story Of Us Trilogy: Book 2 (Completed)
RomanceIisa lang ang nasa isip ni Patrice nang magbalik siya sa Pilipinas pagkalipas ng labindalawang taon--- ang maghiganti kay Ezekiel. He was her first love who gave her the most painful heartache possible. Isinumpa niyang magbabayad ito ng mahal para s...