Ang sumunod na eksena ay nagmamakaawa si Ezekiel sa ama nito para pabayaan na siya, para huwag na siyang guluhin. Pakiramdam niya ay may bakal na kamay na pumipiga sa puso niya sa napapanood.
"Oh, my God!" hindi makapaniwalang bulalas niya. Sinaktan siya ni Ezekiel para iligtas mula sa bangis ng mga kuko ng ama nito.
"Ginawa ni Ezekiel ang iniutos ko. Nakipaghiwalay siya sa iyo. But you know what? Noon din mismo ay ibinigay sa akin ni Ezekiel ang kaparusahan. Umalis siya rito at sa loob ng labindalawang taon ay hindi ako kinausap.Umuuwi siyarito tuwing summer at doon pinalilipas ang mga araw sa log house na ipinagawa niya sa gilid ng bundok. Itinuring niya akong patay na kahit noong mamatay ang kapatid ko at hipag at mag-isa na lang siya sa buhay. Inaamin ko, Patrice, masama akong tao pero sa sarili kong paraan ay mahal ko ang unico hijo ko. Lalo akong nasaktan nang atakehin ako sa puso at ni hindi man lang niya ako dinalaw sa ospital."
She sobs. "Sinasabi n'yo ba ito sa akin para alisin ang guilt n'yo? Para patawarin kayo ng anak n'yo?"
Umiling ito. "H-hindi ko inaasahang mapapatawad mo agad ako, o mapapatawad agad ako ni Ezekiel. Nang mawala ka, noon ko na-realize kung gaano ko sinaktan ang kaisa-isang anak ko. Pero nagmatigas pa rin ako. Ngayon, gusto kong itama ang lahat."
"Bakit ngayon lang?" hindi niya napigilang sigaw niya rito. "Napakaraming taon ang nagdaan! Hinayaan n'yo kaming magdusa nang husto!"
"Dahil kailan lang ako natauhan, Patrice! Noong atakihin ako sa puso at inakala kong mamamatay na ako, noon ko lang napagtanto ang mga kasalanan ko. Ipinahanap agad kita.Nalaman ko na narito ka na sa Pilipinas at magkasundo na uli kayo ni Ezekiel. Isinantabi ko muna ang plano ko na kausapin ka lalo na nang mabalitaan ko na ikakasal na kayo. Baka makagulo lang ako sa inyo. But I swear, nasa plano ko na ayusin lahat ng kamaliang nagawa ko."
"Oh, God!" humahagulhol na sabi niya. Napatingin siya sa relo nang may maalala.
"Patrice, hihintayin kita sa kasal natin."
"Si Zeke, naghihintay sa akin si Zeke. Oh, God!" natatarantang wika niya. Paano siya makakarating ng Maynila sa loob ng kulang isang oras? Pinagbabayad pala niya si Ezekiel sa isang kasalanan na hindi nito ginusto. Masyado niyang pinairal ang sama ng loob niya. Iyong narinig niyang usapan sa pagitan nina Alexander at Ezekiel, hindi niya alam kung bakit nasabi ng nobyo niya ang mga iyon pero puwede naman niya itong tanungin, hindi ba? Baka may maganda itong paliwanag doon.
"Don't worry, hija. Naghihintay na sa iyo sa likuran ng mansiyon ang chopper. Go on. Ihahatid ka n'on sa isang private hangar sa Kidapawan City. From there, you'll take a private jet para mas mabilis kang makakarating sa Maynila."
Mabilis na lumabas si Patrice ng pinto pero agad ding natigilan. Nilingon uli niya ang señor. "It's your only son's wedding day. Sigurado ako na matutuwa si Zeke kapag nakita niya kayo roon."
Namasa uli ang mga mata ng señor, may lungkot sa mga labi nito. "Salamat pero hindi ko gustong sirain ang pinakamaligayang araw sa buhay ni Eze—"
"Señor, puno ng pagmamahal ang puso ni Zeke. Alam ko na sa kaibuturan ng puso niya ay napatawad na niya kayo. Why, he's your son and he happened to inherit your arrogance and pride," nakangiti bagaman luhaang wika niya bago binigyan ng instruction ang mga tauhan nito na isakay ang señor sa chopper at isasama niya ito.
BINABASA MO ANG
Story Of Us Trilogy: Book 2 (Completed)
RomanceIisa lang ang nasa isip ni Patrice nang magbalik siya sa Pilipinas pagkalipas ng labindalawang taon--- ang maghiganti kay Ezekiel. He was her first love who gave her the most painful heartache possible. Isinumpa niyang magbabayad ito ng mahal para s...