CHAPTER NINE
"O, JESSA, bakit?" gulat na tanong ni Patrice nang sumungaw ang katulong sa pinto ng banyo na iniwan niyang nakaawang. Kasalukuyan siyang nagsesepilyo habang si Jessa naman ay naglilinis ng silid niya.
Hindi ito sumagot. Sa halip ay dali-dali itong lumapit sa kanya at inalalayan siya nitong makalabas ng banyo.Medyo masakit pa rin kasi ang paa niya. "Teka, hindi pa ako tapos magtoothbrush." Ibinaba niya ang sepilyo at mabilisang nagmumog.
"Mamaya mo na ituloy, Ate. Baka hindi mo na maabutan ang Showbuzz. Pasensiya ka na, ha.Binuksan ko ang TV mo nang hindi nagpapaalam sa 'yo. Kasi sinusubaybayan ko 'yan, eh."
"Walang problema. Teka, ano ba 'yong Showbuzz?" nagtatakang tanong niya.
"Isang sikat na showbiz talkshow sa MBN." Maingat na iniupo siya nito sa kama. "Pagkatapos ng commercial na 'yan, Showbuzz na. 'Sabi kasi doon sa preview, nagpa-interview na raw si Sir Zeke tungkol sa inyo."
Napanganga siya sa narinig. Magtatanong pa sana siya subalit nagsimula na ang talk show.Mayamaya ay bumulaga na sa TV screen ang mga larawan ni Ezekiel habang may nagbo-voice over tungkol sa naging takbo ng buhay nito, karera, at maging ang buhay pag-ibig. Hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya. Kasunod niyon ay ipinakita ang mga larawan ni Alexander, na sinundan ng mga larawan niya.
May hinala na siya kung ano ang topic ng showbiz report niyon. Sila ni Alexander ang unang nakitang magkasama, pagkatapos ay makikita na kasama siya ni Ezekiel sa kotse nito. Ezekiel owned MBN kaya magiging maingat naman siguro ang host sa pagtatanong dito at pagbibigay ng mga komento.
"Ano nga ba ang totoo? Sino ang magkaibigan lang at sino ang magka-ibigan?" anang host pagkatapos ng voice over. "Mga kababayan, isa pong malaking karangalan na napagbigyan tayo ng aming pinakamamahal at napakaguwapong boss para sagutin ang tanong na iyan sa pamamagitan ng isang phone patch interview. Maririnig na po natin ang panig niya pagkatapos ng commercial break. Huwag po kayong aalis at magbabalik ang...Showbuzz!"
"Live ba 'yan, Jessa?" natitilihang tanong niya.
"Opo, Ate."
Ilang sandali pa at muling nagbalik sa ere ang palabas. Nagsalita uli ang host na lalong nagpatindi ng antisipasyong nararamdaman niya. Ano nga ba ang sasabihin ni Ezekiel? Nahigit niya ang kanyang hininga nang sa wakas ay iere na ang interview sa binata. Pero muntik na siyang mahulog sa kama sa naging takbo ng question and answer.
"Kunwari ay sumasagot tayo ng slum book, Boss. So, what is love?"
Tumawa ang binata pero naging sport ito sa pagsagot. "Love is like a ring, infinite."
"Ay! Kinikilig ako!" tili ng host.Mayamaya ay tumikhim ito."Who is your first love?"
"My first, my last, and my one and only love, my yeobo. Hi, honey!"
Hindi magkamayaw ang studio audience sa pagtili habang siya naman ay tuluyan nang napanganga sa pinapanood.
"Ang 'yeobo' ay Korean word na ang kasingkahulugan na endearment ay 'honey.' Ahm, Boss, may mga inside report na natanggap kami na sina Alexander at Patrice ay magkaibigan lang. Safe bang sabihin na si Patrice ang iyong yeobo?"
"Yes," walang pag-aalinlangan na sagot nito.
Muling nagtilian ang mga audience, subalit hindi iyon ang nagpabingi sa kanya kundi ang kabog ng sariling dibdib. She didn't know what to think anymore. Hindi siya makapaniwala na nagawang patulan ni Ezekiel ang ganoong palabas. At totoo ba ang lahat ng isinagot nito? Tila umaalingawngaw pa sa pandinig niya ang sinabi nito.
"My first, my last, and my one and only love, my yeobo."
Thank you for reading. Nagustuhan n'yo ba? Leave a COMMENT and VOTE. Thank you! :)
At, favor, pa-share na rin po para mabasa din ng iba. Salamat.
My Facebook account: https://web.facebook.com/RamosMyra
My reader's group: https://web.facebook.com/groups/ayaall1none
My fan page: https://web.facebook.com/AyaMyersPhr
PHR Facebook page: https://www.facebook.com/Precious-Pages-229654370425644/?refid=18&__tn__=%2As-R
Precious Online Store: https://www.preciousshop.com.ph/home
BINABASA MO ANG
Story Of Us Trilogy: Book 2 (Completed)
RomanceIisa lang ang nasa isip ni Patrice nang magbalik siya sa Pilipinas pagkalipas ng labindalawang taon--- ang maghiganti kay Ezekiel. He was her first love who gave her the most painful heartache possible. Isinumpa niyang magbabayad ito ng mahal para s...