Part 15

11.3K 317 12
                                    


"Zeke, hintay!" garalgal na sigaw niya. Nanlalabo na ang mga mata niya dahil sa mga luha. Pinahid niya iyondahilan para hindi niya mapansin nang tumama ang isang tsinelas niya sa nakausling bato dahilan para mawalan siya ng balanse at madapa. Bumagsak siya sa putikang kalsada.

Umiiyak na tumingin siya sa unahan ng kalsada. Nabuhayan siya ng pag-asa nang makita niyang lumiko pabalik ang kotse. Mabilis siyang tumayo. Napigtas pala ang isang tsinelas niya. Subalit hindi iyon naging hadlang para hindi niya ituloy ang pagtakbo para salubungin ang kotse.

Huminto ang kotse at bumukas ang pinto sa driver's side. Bumaba si Ezekiel. Nginitian niya ito pero dagli ring naglaho ang ngiti niya nang makitang blangko ang ekspresyon nito.

"What are you doing, Patrice?" mahina ngunit mariing tanong nito.

"Zeke..." tanging nasambit niya.

"What?" singhal nito sa kanya na tila inip na inip.

Nakagat niya ang ibabang labi kasabay ng pamamasa uli ng mga mata niya. Tinatagan niya ang loob at tiningnan ito sa mga mata. "T-tinatawagan kita pero hindi ka sumasagot. H-hindi ka rin nagpakita sa akin kahapon at ngayon."

"Bakit? Kailangan ba?" Nagbuga ito ng hangin na tila nauubusan ng pasensiya sa kanya. "Patrice, kung may kailangan ka, sabihin mo na at nagmamadali ako."

"B-bakit? Saan ka pupunta?"

"Sa Manila. Tapos na ang bakasyon ko," parang walang anuman na sagot nito.

Nagulat siya sa sinabi nito. Aalis na ito? Iiwan na siya? Paano na sila? Ilang beses siyang pumikit-pikit para pigilan ang mga luhang namumuo na naman sa mga mata niya. "A-at hindi ka man lang magpapaalam sa akin? A-at saka akala ko ba, mananatili ka na rito? I-iyon ang sinabi mo sa akin, Zeke..."

Tumaas ang isang sulok ng mga labi nito na tila nang-uuyam. "You're so naïve,Patrice. Hindi mo pa rin ba naiintindihan?Nakuha ko na ang gusto ko sa 'yo and it's time to get rid of you.Didn't you remember what I said? Hihiwalayan na kita kapag ayoko na sa 'yo."

Tila bombang sumabog sa pandinig niya ang mga sinabi nito.Pakiramdam niya ay may malaking kamay na lumalamukos sa puso niya kaya naninikip ang dibdib niya at hindi siya makahinga. The pain was so blinding.Nag-unahan sa pagpatak ang mga luha niya. Durog na durog ang puso niya. 

Story Of Us Trilogy: Book 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon