Twelve long years, Ezekiel. Ganoon ko katagal na hinintay ang muling pagtatagpo ng mga landas natin. Now, I'm here now, your worst enemy. I'll break and tear you into pieces!
Eleganteng lumakad siya palapit sa mga ito. Ipinaskil niya ang isang matamis na ngiti sa mga labi niya. She knew she was a stunner. Marami siyang natutuhan sa Elite na maaari niyang magamit ngayon. Kung noon ay hindi nagawang tuluyang paibigin ng inosenteng ganda niya si Ezekiel, sisiguruhin niyang mahuhulog ito nang husto sa kagandahang taglay niya ngayon. She would make him fall madly in love with her. At kapag nangyari iyon, saka niya isasakatuparan ang paghihiganti niya. Ipaparanas niya rito ngayon ang sakit na ipinaranas nito sa kanya noon.
"Kuya Vlad, Ate Bainisah, and Ezekiel, please meet my girlfriendAssette," pagpapakilala sa kanya ni Alexander nang tuluyang makalapit na sila sa grupo.
"Girlfriend?" nakataas ang isang kilay bagaman nakangitina gagad niya sa sinabi nito.Sa sulok ng mga mata niya ay nakita niyang nakatingin sa kanila si Ezekiel.Lalo niyang pinatamis ang ngiti kay Alexander.
"I mean, girl friend. Tough luck! Hindi pa nga pala ako sinasagot ni Assette," nakangising sagot ni Alexander. He was flirting with her.He was already doing his part.
Bumaling si Patrice kay Bainisah. "Hello, Bainisah. I've heard so much of you. Nice to meet you," malambing na sabi niya sa sikat na newscaster. Bineso niya ito.
Bainisah smiled and returned the courtesy.Kapagkuwan ay binalingan niya si Vladimir, ang kapatid ni Alexander. Walang duda na nag-uumapaw ang kaguwapuhan nito. Nakadagdag pa sa karisma nito ang misteryosong aura na dala ng pagiging sundalo nito. "Finally, nakilala rin kita, Captain Mondragon. Hindi nagkulang si Alexander sa pagkukuwento kung gaano ka kagaling na sundalo at kabait na kapatid," aniya sa sundalo.
Muntik na siyang mapasinghap nang ngumiti ito. Lalo itong gumuwapo at lumambot ang ekspresyon nito. Gusto tuloy niyang itanong dito kung bakit pagsusundalo ang pinili nito at hindi nito pinasok ang modeling world katulad ng kapatid nito.
"Bakit hindi mo subukin na maging modelo, Captain? Perhaps give Alexander here a real competition?" hindi niya napigilang sabihin.
"Oh, my sweet Assette. Please huwag mo naman akong alisan ng karera. Aminado ako na mas malakas ang dating ni Kuya Vlad kaysa sa akin," natatawang wika ni Alexander. "Saka huwag kang ganyan. Nagseselos ako, okay?" anito, sabay kulong ng mukha niya sa mga palad nito, saglit na tinitigan siya, bago dinampian ng magaang halik ang kanyang noo.
Napangiti siya. Mukhang may kinabukasan sa showbiz ang kaibigan niya. Then she braced herself to face Ezekiel. "Hi there, Mr. Moreno. Nice meeting you," nakangiting wika niya sa pinakamalambing niyang tinig. Umakto siya na parang noon lang sila nagkakilala nito.
"Hello,Patrice. It was nice meeting you, too," ganting-bati ni Ezekiel.
Jerk! hiyaw ng isip niya.Nang akmang hahalikan siya nito sa pisngi, bahagyang ikiniling niya ang kanyang ulo para tumama sa gilid ng mga labi niya ang halik nito. It brought familiar sensations to her but she ignored it. Nagdiwangang kalooban niya nang bahagya itong matigilan sa ginawa niya.
Then she remembered something. Tinawag siya ni Zeke na "Patrice" gayong "Assette" ang pakilala sa kanya ni Alexander. Gusto ba nitong ipaalala sa kanya na magkakilala sila? Hindi na niya pinagkaabalahang isipin pa iyon. Nang yayain siya ni Alexander na sumayaw ay pumayag siya.
"You did well back there, Patrice. Ano naman ang naramdaman mo ngayongnagkita uli kayo ni Zeke?" tanong niAlexander sa kanya habang nagsasayaw sila sa saliw ng isang malamyos na musika.
"Ano ba'ng gusto mong marinig, Xander?"
"How about you tell me the truth?"
Bumuntong-hininga siya, bago palihim na inilibot ang paningin sa function hall. Nakita niya si Ezekiel sa isang sulok na sumisimsim ng alak sa isang kopita. Wala sina Bainisah at Vladimir sa paligid.Mataman na nakatingin si Ezekiel sa kanila ni Alexander.Bumaling siya kay Alexander. "Bumalik ang masasakit na alaala. I was only seventeen years old, Xander, when he hurt me. Can you imagine that?"
"Tinawag ka niyang 'Patrice' kahit 'Assette' ang pakilala ko sa 'yo."
"Napuna mo rin pala," aniya bago malungkot na ngumiti. Nag-init ang sulok ng mga mata niya pero kumurap-kurap siya para pigilan ang mga iyon sa pagpatak. Pagkatapos ay bahagyang humilig siya sa balikat ng kaibigan.
"That means hindi ka niya nakalimutan. That makes me think, kung ikaw ay isang laro langpara sa kanya, dapat ay nakalimutan ka na niya lalo na at napakabata mo pa noon. Pero kung tingnan ka niya kanina, parang hindi kayo nagkalayo nang twelve years. Nakilala ka agad niya kahit sigurado akong ang laki ng ipinagbago ng hitsura mo. And I saw something in his eyes, too..." Tila may nais ipakahulugan ang modelo sa mga sinabi nito.
"Baka inuusig siya ng konsiyensiya niya!" mariing wika niya. "Ipinangako ko sa sarili ko na maghihiganti ako,Xander. Kung hindi ko siya masasaktan nang pisikal—na alam kong imposible—sasaktan ko siya sa emosyonal na paraan!"
BINABASA MO ANG
Story Of Us Trilogy: Book 2 (Completed)
RomantizmIisa lang ang nasa isip ni Patrice nang magbalik siya sa Pilipinas pagkalipas ng labindalawang taon--- ang maghiganti kay Ezekiel. He was her first love who gave her the most painful heartache possible. Isinumpa niyang magbabayad ito ng mahal para s...