CHAPTER FIVE
Twelve years after...
BEST stationfor the year 2012: Moreno Broadcasting Network.
Iyon ang headline sa Philippine Daily Inquirer na sumalubong kay Ezekiel Moreno, ang CEO at chairman ng MBN. Matipid ang ngiting binitiwan niya ang pahayagan at dinampot ang tropeo ng karangalan na personal niyang tinanggap kagabi. Bahagya niyang niluwagan ang suot na necktie, bago sumandal sa backrest ng kanyang executive chair at tinitigan ang tropeo.
Walongtaon na ang nakararaan mula nang bilhin niya ang isang naluluging istasyon ng telebisyon—ang National Television Network—at muling ibangon iyon mula sa pagkalugi gamit ang kayamanang namana niya mula sa tiyuhing si Andrew. Mula sa pangalan niyong NTN, naging MBN iyon. He was just twenty-four years old then. Napakabata pa niya para mamuno at magpatakbo ng isang higanteng korporasyon pero hindi iyon naging hadlang para magtagumpay siya. He workedhard and proved his worth. Sa edad na beinte-siyete, nakamit niya ang unang pagkilala para sa kanyang dedikasyon sa MBN dahil pinarangalan siya ng isang kilalang award-giving body bilang Businessman of the Year. At ngayon, magkasunod na taon na tinatanggap niya ang pagkilala sa MBN bilang best station sa Pilipinas. Everything was on the right track. Now, at the age of thirty-two, he was at the top of his game.
Naputol ang pagmumuni niya nang makarinig siya ng tatlong magkakasunod na warning knock mula sa labas ng pinto. Napangiti siya. Iisang tao lang ang maaaring pumasok doon na hindi na kailangang dumaan sa kanyang sekretarya at kilala na rin niya kung paano kumatok. Bumukas ang pinto. Mula roon ay pumasok ang isang elegante at magandang babae na may ngiting nakapagkit sa mga labi. Ang babae ay walang iba kundi ang sikat na newscaster ng MBN na si BainisahGandamato—ang kanyang pinsan.
Tumayo siya at sinalubong ito. He kissed her on the cheeks and she did the same.
"Congratulations!" masiglang wika nito bago naupo sa visitor's chair.Bumalik siya sa kanyang upuan.
"Well, this is for all of us especially for you. MBN is Bainisah and Bainisah is MBN," ani Ezekiel dito.
Isa si Bainisah sa dahilan kung bakit patuloy na namamayagpag ang MBN. She was a charmer behind and in front of the camera. Bukod sa pagiging sikat na newscaster, hindi alam ng marami na malaki ang papel ni Bainisah sa pag-unlad ng MBN. Her ideas were brilliant.
Anak ito sa labas ng Tito Andrew niya. They never knew her existence then. Kahit ang tito niya ay namatay na hindi alam na may anak ito sa babaeng naging kasintahan nito noon. Nang nag-aagaw-buhay ang Tito Andrew niya noon,ipinakiusap nito sa kanya na hanapin ang isang Marisah Gandamato para ihingi ito ng tawad sa babae. Sinunod niya ang hiling nito. Pero hindi si Marisah ang natagpuan niya kundi ang anak nito at ng Tito Andrew niya na si Bainisah.And the rest was history.
Gayunman, hindi alam ng publiko ang totoong relasyon nila ni Bainisah. Naging bali-balita noon na niligawan at naging girlfriend niya ang pinsan. Pero sa susunod na linggo, pormal na niyang ipapakilala sa publiko si Bainisah bilang pinsan niya para matigil na rin ang usap-usapan, lalo na at natagpuan na nito ang lalaking para dito, ang kaibigan niya na si Vladimir Mondragon. Kapatid ito ng sikat na model na si Alexander Mondragon.
"Oh, Zeke, you work hard for that, you deserve it," ani Bainisah.
"Thank you. By the way, kumusta ang pakiramdam ng inlove?" Sa kasalukuyan ay inaayos na ng dalawa ang kasal ng mga ito.
Ngumiti ito, kumikislap ang mga mata sa kasiyahan. "Hmm... stressful pero fulfilling. Lalo akong nae-excite habang lumilipas ang mga araw."
Alam ko, Bai. Dahil minsan ko nang naramdaman iyan. Iwinaksi niya sa isip ang alaalang pilit na namang sumisingit sa diwa niya."So, ano'ng usapan n'yo ni Vlad? Magbibitiw na ba siya sa serbisyo kapag naikasal na kayo? How about you? Ipagpapatuloy mo ba ang career mo o you'll be a plain housewife? Once you get married, things will change, Bai..."
"I know, Zeke. Well, Vladimir is thinking to sit behind an executive desk. Pero kung ano man ang maging desisyon niya, buong puso ko siyang susuportahan. At tungkol naman sa career ko, well, titingnan ko rin kung kaya kong maging career woman and a wife at the same time. Hindi mahirap para sa akin na bitiwan ang career ko kung sakali para kay Vlad at sa bubuuin naming pamilya."
"Alam kong iyan ang isasagot mo, Bai," komento niya. May pilit na sumisingit na alaala sa isip niya pero iwinaksi agad niya iyon.
P.S. Book 1 sina Vladimir at Bainisah. :) I-a-upload ko rin ang story nila. :)
BINABASA MO ANG
Story Of Us Trilogy: Book 2 (Completed)
RomanceIisa lang ang nasa isip ni Patrice nang magbalik siya sa Pilipinas pagkalipas ng labindalawang taon--- ang maghiganti kay Ezekiel. He was her first love who gave her the most painful heartache possible. Isinumpa niyang magbabayad ito ng mahal para s...