Part 8

12.2K 387 14
                                    


Zeke ♥Patrice.

"Angtagal mo 'kong pinaghintay kaya kung ano-ano na ang nagawa ko rito," wika nito."'Lika na,'nood na tayo ng movie," anito. 


"Yeobo, pakiabot ng CD," anito sa kanya.

Napangiti si Patrice sa itinawag nito sa kanya. Noong unang tawagin siya nito ng ganoon ay tinanong niya ito kung ano ang ibig sabihin niyon. Sinabi nitong may napanood itong isang Korean movie at tinawag ng bidang lalaki na "yeobo" ang bidang babae. Nang tingnan daw nito ang ibig sabihin ng salitang iyon, nalaman niya na "honey" ang equivalent niyon na endearment sa English. Nais sana niyang itanong noon kung bakit tinawag siya nito ng ganoon pero nakahiyaan niya.

Iniabot niya rito ang CD. Mabilis na isinalang nito iyon. Nakangiting itinutok niya ang mga mata sa monitor ng laptop nang magsimula ang pelikula. Nang mapalingon siya kay Ezekiel, nahuli niya na nakatitig ito sa kanya pero nagpatay-malisya na lang siya habang lihim na kinikilig.

Mayamaya ay tutok na siya sa panonood. Pagdating sa drama part ng pelikula, nadala siya sa pinapanood kaya wala sa loob na napahawak siya sa kamay ni Ezekiel habang pinipigilang mapaiyak.Pinaghugpong naman nito ang mga daliri nila at pinisil ang kamay niya habang ang mga mata niya ay tutok na tutok pa rin sa monitor ng laptop.Nang mamatay ang bidang lalaki, tuluyan na siyang napaiyak kaya sumubsob siya sa dibdib ng binata habang umiiyak dahil lungkot na lungkot siya sa nangyari.

Pinagtawanan siya nito. "Ang iyakin mo talaga. Movie lang 'yan, Patrice. Parang totoong nangyari kung makaatungal ka diyan," pang-aasar nito.

"Heh! Sa naiiyak ang tao, eh," nakasimangot na sabi niya habang pinapahiran ang luha.

Inasar pa siya nito nang inasar kaya sa inis niya ay hindi niya ito kinibo.

"Uy, ngingiti na 'yan," pang-aamo nito sa kanya.

Hindi pa rin niya ito kinibo. Mayamaya ay napaigtad siya nang sundot-sundutin nito ang batok niya. Napaigtad siya. Malakas ang kiliti niya roon. Nang makabawi ay gumanti siya rito. Alam niyang malakas ang kiliti nito sa tiyan at sa tagiliran kaya iyon ang pinuntirya niya. Sa isang pagkiliti niya rito ay napahiga ito sa mat, nahila siya nito at napaibabaw siya rito.Kumabog ang dibdib niya nang magtama ang kanilang mga mata. Umangat ang isang kamay ni Ezekiel at masuyong humaplos sa pisngi niya habang ang isang kamay nito ay humawak sa baywang niya. Gusto niyang umalis sa ibabaw nito pero tila naparalisa ang katawan niya.

Hindi pa rin niya nagawang kumilos kahit nang sumapo ang isang kamay nito sa batok niya at kabigin siya nito palapit upang magtagpo ang mga labi nila. Dinampi-dampian nito ng halik ang mga labi niya na tila parehong nananantiya at nanunukso. Napapikit siya sa pagdagsa ng bolta-boltaheng kuryente sa bawat nerve endings ng kanyang katawan. Iyon ang unang halik niya at totoo nga pala ang sinasabi ng iba na matamis ang unang halik. At nang kusang bumuka ang bibig niya at laliman nito ang ginagawang paghalik sa kanya, napagtanto niya na hindi lang pala matamis ang unang halik, nakalalasing at nakakawala rin ng katinuan.Hindi niya alam kung paano tutugon nang tama pero tinuruan siya ng ekspertong mga labi nito.

Happiness and contentment. Iyon ang mga salitang naglalarawan sa nararamdaman niya nang mga oras na iyon. Umungol ito kasabay ng lalo pang paglalim ng halik nito. Mayamaya ay ito na ang kusang tumigil sa paghalik sa kanya. Pero hindi siya nito tuluyang pinakawalan. Sa halip ay hinawakan nito ang baywang niya at sa isang mabilis na kilos ay pinagpalit nito ang posisyon nila.

Tinitigan siya nito. Nangingislap ang mga mata nito habang malapad ang pagkakangiti. "You're officially my girlfriend now, Patrice. Pagkatapos mo akong hagkan at samantalahin ang aking kahinaan, hindi ako makapapayag na hindi pa maging tayo. You're officialy my yeobo,"pilyong sabi nito.

"Ang kapal mo! Ikaw ang nanghalik!" angil niya rito na ikinahalakhak nito. Napipikon na itinulak niya ito at bumangon. Nang tumayo siya, noon lang niya napansin na nanlalambot ang mga tuhod niya. Tumalikod siya at humalukipkip. Somehow ay nahihiya siya na hinayaan lang niya na halikan siya nito at tumugon pa siya, pero deep inside ay hindi niya iyon pinagsisisihan. Her first kiss was Ezekiel, the man she loves, her first love.

Natatawa pa rin na bumangon ito at pumunta sa harap niya. Masuyong ikinulong nito ang mukha niya sa mga palad nito. "Binibiro lang kita. Ako nga ang nanghalik at hindi ko iyon pinagsisisihan. Given a chance, I'll do it again... and again. You know why? Because I love you."


Story Of Us Trilogy: Book 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon