Part 28

11.3K 279 1
                                    

CHAPTER SEVEN

"DAMN!" pagmumura ni Ezekiel. Hindi niya ugaling manood ng mga showbiz report pero mula nang umingay ang balita na may dinalang girlfriend si Alexander sa party sa Moreno Empire Building ay hindi na niya mapigilang magbukas ng telebisyon. Katulad nalang nang mga oras na iyon kung saan pinag-uusapan sa isang talk show kung sino si Patrice sa buhay ng supermodel na si Alexander. Mabuti nalang at hindi pa rin humuhupa ang pinasabog niyang balita tungkol sa pagiging magpinsan nila ni Bainisah, kung hindi ay nasisiguro niyang walang ibang magiging laman ang mga talk show at showbiz reports kundi sina Alexander at Patrice.

It had been three days since he saw her. Napapikit siya nang maalala ang mga binitiwang salita ng dalaga sa kanya. Galit na galit pa rin ito sa kanya. Ang bawat salita nito ay tila palaso na tumatarak sa puso niya. He had his reasons but he couldn't turn back the time and change everything. The damage had been done. Ang pinakamabuti na lang magagawa niya ay gamutin at subukang paghilumin ang sugat na nilikha niya rito. But how? Ipinangako niya na babawi siya sa dalaga, na gagawin niya ang lahat para makabawi sa naging pagkukulang niya pero sa loob ng tatlong araw na lumipas ay hindi siya makabuo ng plano kung paano muling lalapit dito.

Itinutok uli niya ang paningin sa TV screen kung saan naka- closeup ang dalaga. "Paano ko buburahin ang sakit na idinulot ko sa iyo, Patrice?"

He just groaned in frustration.


Story Of Us Trilogy: Book 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon