Part 25

11.8K 322 3
                                    


INISANG-LAGOK ni Ezekiel ang alak na nasa kopita niya. Hindi siya makapaniwala na makikita niya si Patrice ngayon. Sobrang saya ang naramdaman niya. Mabuti nga at napigilan niya ang sarili na yakapin ito at ikulong sa mga bisig niya.

Patrice was every inch a woman now. Hindi nabigyan ng justice ng mga litrato ang angkin nitong ganda dahil lalo pa itong gumanda sa paglipas ng mga taon. She carried herself with elegance. Her lips were even sexier and tempting than he remembered. And her body was one perfect work of art.Humahakab sa magandang hubog ng katawan nito ang suot nitong satin gown.

Marahas na napabuntong-hininga siya. Biglang nagsalimbayan sa isip niya ang mga alaala ng kahapon. Ang ngiti at tawa nito. How she felt so right in his arms. At kanina, nang hagkan niya ito at masamyo ang kaakit-akit na amoy nito, pakiramdam niya ay tila nabalik siya sa nakaraan. Pero kaakibat niyon ay ang malaking kahungkagan. Ipinapakita kasi nito na bale-wala na siya sa buhay nito, na nakalimutan na siya nito. It was the price he had to pay for hurting her and for breaking her heart then.Pero nagbalik ito. That ought to mean something. Naalala niya ang pangako niya na babawi siya rito sa sandaling magbalik ito sa buhay niya. Marahil ay ito na ang hinihintay niyang pagkakataon. Gagawin niya ang lahat para makabawi rito at muli siyang mahalin nito.

Muli niyang ibinalik ang tingin dito. Kasayaw pa rin nito si Alexander. Hindi niya napigilang makaramdam ng selos. Ang mga braso ni Alexander na nakahapit sa baywang ni Patrice ay tila asido sa paningin niya. Hindi siya dapat magselos dahil alam niyang wala siyang karapatan pero hindi niya mapigilan. Hindi niya alam na nanliligaw si Alexander sa dalaga. Ayon kasi sa report sa kanya ng PI ay magkaibigan lang ang dalawa.

Bumuntong-hininga siya. Sana nga ay hindi pa huli ang lahat para sa kanya. Nang hindi makatiis, lumapit siya sa kinaroroonan ng dalawa.


Story Of Us Trilogy: Book 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon