CHAPTER SIX
PATRICE was walking gracefully as she entered the Moreno Empire Building. Pagpasok palang nila roon ni Alexander, nakakuha agad siya ng atensiyon. Pinaghandaan talaga niya ang gabing iyon at metikulosong pinili ang gown na isusuot niya. She was wearing a red satin off-shoulder gown that hugs perfectly to her body. Mababa ang neckline niyon kaya nakalitaw ang cleavage niya. Her hair was carefully tied in a bun to emphasize her swan-like neck and smooth shoulders.
Puno ng mga tao ang function hall. Nasisiguro niyang karamihan sa mga iyon ay nabibilang sa alta-sosyedad. Sinadya niyang magpahuli sila ni Alexander ng dating kaya alam niya na pormal nang naipakilala ni Ezekiel si Bainisah bilang pinsan nito.
She scanned the crowd. Nakita niya sa isang sulok sina Bainisah, Vladimir, at Ezekiel. Bumilis ang pintig ng puso niya. Despite her anger, she couldn't deny the fact that the past years had been good to him. Guwapo na ito noon, pero lalo itong gumuwapo ngayon. His age just added character on him. There was still arrogance in his eyes. His cheekbones were more prominent and his facial structures were more defined. Ganoon pa rin ang pang-akit na hatid ng biloy nito sa isang pisngi nalumalabas tuwing ngumingiti ito. Ikinuyom niya ang kanyang kamay. Hindi na siya dapat nakakaramdam pa ng paghanga rito. Ang tangi at dapat lang niyang maramdaman dito ay galit at pagkamuhi.
Pinayapa niya ang sarili.
"Are you okay?" untag sa kanya ni Alexander.
Nawala na sa loob ni Patrice na may kasama siya. Tumango na lang siya.
"Handa ka na ba?" tanong nito.
Ngumiti siya. "Yes. Matagal kong pinaghandaan ito, Xander. Are you sure, tutulungan mo pa rin ako?"
Ngumiti ito. "Yes. We've agreed about it and you have my word. Gagawin ko ang parte ko.Come on, girlfriend. It's showtime." Hinawakan na nito ang baywang niya at iginiya siya patungo kina Bainisah, Vladimir, at Ezekiel. Nakaramdam siya ng munting tagumpay nang makita niyang natigilan si Ezekiel nang makita siya. Halatang nakilala siya nito.
Twelve long years, Ezekiel. Ganoon ko katagal na hinintay ang muling pagtatagpo ng mga landas natin. Now, I'm here now, your worst enemy. I'll break and tear you into pieces!
BINABASA MO ANG
Story Of Us Trilogy: Book 2 (Completed)
RomantizmIisa lang ang nasa isip ni Patrice nang magbalik siya sa Pilipinas pagkalipas ng labindalawang taon--- ang maghiganti kay Ezekiel. He was her first love who gave her the most painful heartache possible. Isinumpa niyang magbabayad ito ng mahal para s...