Part 40

11.8K 285 0
                                    


TININGNAN ni Patrice angluminous clock sa bed side table. Alas-dos na ng madaling-araw. Marahas na napaungol siya. Kahitano ang gawin niya ay hindi siya makatulog. She tossed, turned, plumped, and pounded her pillow yet she couldn't sleep. Paano nga ba siya nakakatulog kung paulit-ulit na nagre-replay sa isip niya ang mga sinabi ni Ezekiel at ang marriage proposal nito. Ah! Hindi pa rin siya makapaniwala sa sinabi nito. Why would he offer her marriage if it was her body that he only wanted? Nakalimutan ba nito na nasa Pilipinas ito at hindi ganoon kadaling mapawalang-bisa ang kasal kapag ginusto nito?

Isinubsob niya ang kanyang mukha sa malambot na unan para patigilin ang kanyang isip sa pag-iisip nang sa gayon ay makatulog na siya pero wala pa ring epekto. Mayamaya ay hindi na siya nakatiis. Bumangon siya at bumaba ng kama. Kinuha niya ang roba at ipinatong iyon sa nightgown niya at saka tahimik na lumabas ng silid. Patiyad na naglakad siya sa hallway. Natigilan siya nang mapadaan siya sa master bedroom. Nakapinid iyon at patay ang ilaw. Baka sa mga sandaling iyon ay mahimbing nang natutulog ang binata habang siya ay hindi man lang dalawin ng antok. Umakyat siya sa rooftop kung saan naroroon ang oval-shaped swimming pool. Malamig ang simoy ng hangin pero may heater ang pool kaya hindi naman siya giginawin sa paglalangoy.

Tahimik na tahimik sa paligid. Maliwanag ang sikat ng buwan at tumatama ang repleksiyon niyon sa tubig na tila nag-iimbita. She was enchanted. She took off her robe and nightgown. Tanging ang mga panloob lang ang itinira niya bago siya lumusong sa swimming pool. Napangiti siya nang dumampi sa balat niya ang tubig.Maligamgam iyon gaya ng inaasahan niya. She dive in and the water welcomed her.

Hanggang sa mamalayan ni Patricena hindi na siya nag-iisa roon. Ramdam niya ang isang pares ng mga mata na nakatitig sa kanya. Kinabahan siya ngunit sa klase pa lang ng pagkabog ng dibdib niya, alam na niya kung sino ito kahit hindi pa niya ito nakikita. Lumingon siya at nakita niya si Ezekiel. Nakasuot ito ng itim na swimming trunks at basa pa ang buhok nito. Hawak nito ang isang bote ng beer na mukhang kakukuha lang nito sa ref. Hindi na niya kailangang tanungin ito kung bakit ito naroon. Malamang na ito ang unang gumagamit ng pool at bumaba langpara kumuha ng beer.

Saliwanag ng buwan ay kitang-kita niya kung gaano ito katikas. Napalunok siya.Right at that moment, she wanted to feel him near her. Alam niyang nasa kanyaang desisyon para magkalapit sila. Nagdesisyon siya, susundin niya angidinidikta ng makapangyarihang boses na nag-uutos para kunin niya ang atensiyonnito.    

Story Of Us Trilogy: Book 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon