Bigla siyang nanlamig nang agad na bumulaga ang anyo ni Ezekiel. Hindi niya malilimutan ang kasuotang iyon ng binata. Iyon ang suot nito nang may mangyari sa kanila. Basa pa nga ang damit nito noon. Marahil ang eksenang napapanood niya ay kuha pagkatapos siyang ihatid nito sa bahay nila.Sa video ay malinaw na nakikipagtalo ito sa ama. Bakit ang sabi noon ni Ezekiel ay nasa Maynila na ang ama nito? Nagsinungaling ba sa kanya ang binata o hindi lang natuloy ang señor sa pagluwas?
"Inuutusan kitang hiwalayan mo ang hampaslupang iyon, Ezekiel!"
Napapitlag siya mula sa kanyang kinauupuan dahil sa tila kulog na boses ni Señor Artemio.
"Hindi mo puwedeng idikta sa akin ang mga dapat at hindi ko dapat gawin,Dad! I'm twenty years old. Alam ko kung ano ang mga ginagawa ko. Mahal ko si Patrice at paninindigan ko ang pagmamahal na—"
Natutop niya ang bibig nang suntukin ni Señor Artemio si Ezekiel. Tears run down her cheeks. Parang gusto niyang pumasok sa monitor para agapan ang binata nang bumalandra ito sa sahig sa tindi ng suntok ng señor. Kumuyom ang kamay niyang nasa hita niya. Hindi niya sukat-akalain na magagawa nitong saktan ang kaisa-isang anak. At higit sa lahat, umukit sa puso at isip niya ang binitiwang salita ng binata. Mahal siya nito at sinabi nito iyon sa ama nito. Kung ganon ay hindi talaga kasinungalingan ang pagmamahal na sinabi sa kanya noon ni Zeke. He loved her then and he still loved her now.
"Suwayin mo ako, Ezekiel and I'll disown you! Hindi ka makakakuha ni isang kusing mula sa pera ko. Piliin mo ang babaeng iyon at tinitiyak ko sa iyo na gagapang ka sa lupa!" banta ng señor sa anak na tumatayo mula sa pagkakalugmok sa sahig.
"Kailan n'yo matututuhan, Dad, na hindi lang pera ang mahalaga sa mundo? Look at yourself, masaya ka ba na marami kang pera kahit hindi mo mahal ang mommy? Iyon ang dahilan, hindi ba, kaya madalas mo siyang saktan noong nabubuhay pa siya at nasa poder mo pa kami? Hindi mo kami mahal ng mommy dahil ang pera mo lang ang mahal mo! I'd rather have the one I love than your money!"
"Huh! You were so young, Ezekiel! Bakit hindi mo gamitin iyang utak mo? Pineperahan ka lang ng babaeng iyon! She's a gold digger, can't you see that? Nabubulagan ka lang!"
"I'm sorry, Dad, pero hindi ganyang klase ng tao si Patrice. Mahirap sila, oo, pero hindi siya gold digger o manggagamit na tao. I love her. Hindi n'yo puwedeng ipanakot sa akin ang mana ko mula sa inyo, hindi ko iyon kailangan. Isa pa, baka nakakalimutan n'yo na nandiyan si Tito Andrew? Ngayon pa lang ay may ibinigay na siya sa akin na property."
"Paano kung sabihin ko sa iyo na hindi ka lang basta mawawalan ng mana? Mawawalan ka rin ng nobya?Hmm, she's what? Seventeen? A young tramp."
Biglang bumangis ang hitsura ng binata. Kumuyom ang mga kamay nito.
"She's not a tramp, damn it! At may pangalan ang babaeng iyon—Patrice!Call her 'Patrice,'Dad! Huwag mo akong itulad sa naging kapalaran mo, n'yo ni Tito Andrew. Let me live my life the way I wanted it! Huwag kang umakto na isa kang Diyos!"
Tuluyan na siyang napahagulhol. Malinaw sa video na iyon na ipinaglalaban siya ni Ezekiel at hindi ito natatakot na sabihin sa makapangyarihang ama nito ang pagmamahal nito para sa kanya.
Tuluyan na siyang napahagulhol. Malinaw sa video na iyon na ipinaglalaban siya ni Ezekiel at hindi ito natatakot na sabihin sa makapangyarihang ama nito ang pagmamahal nito para sa kanya.
"Ezekiel, Son, you haven't seen my darkest side yet. Lilinawin ko, gagawin ko ang lahat para maalis sa buhay mo ang hampaslupang iyon." Umakto ang señor na nag-iisip."What to do? Ipatapon sila palabas ng lupain ko? Ipa-gang rape ang babaeng iyon? O ipapatay?Isama ko na rin kaya ang hampaslupa ring nanay niya?"
Napatayo siya mula sa kinauupuan at hindi naiwasang batuhin ng matalim na tingin ang señor. Sa pagkagulat niya ay umiiyak din ito. Pero wala siyang panahon para analisahin ang reaksiyon nito. Ibinalik niya ang paningin sa monitor at doon ay kitang-kita niya ang pamumutla ng binata.
"Dad! Hindi mo magagawa iyan, Dad!"
Ngumisi ang Señor na para bang alam na nito kung paano mapapasunod ang anak.
"I can and I will if you disobey me. Kilala mo ako, Ezekiel. Hindi ko ugaling manakot lang. Tinototoo ko ang sinasabi ko. Binibigyan kita ng isang araw para magdesisyon. Hindi ko gagalawin ni dulo ng daliri ng babaeng iyon at ng kanyang ina kung hihiwalayan mo siya."
Ang sumunod na eksena ay nagmamakaawa si Ezekiel sa ama nito para pabayaan na siya, para huwag na siyang guluhin. Pakiramdam niya ay may bakal na kamay na pumipiga sa puso niya sa napapanood.
BINABASA MO ANG
Story Of Us Trilogy: Book 2 (Completed)
RomantizmIisa lang ang nasa isip ni Patrice nang magbalik siya sa Pilipinas pagkalipas ng labindalawang taon--- ang maghiganti kay Ezekiel. He was her first love who gave her the most painful heartache possible. Isinumpa niyang magbabayad ito ng mahal para s...