Part 11

11.4K 326 5
                                    


"HAPPY birthday," malambing na bati ni Ezekiel sa kanya. Nasa loob sila ng isang simbahan sa Kidapawan. Tanghali na kaya iilan langang tao sa simbahan, lalo na at wala pang misa. Iyon ang unang pagkakataon na lumabas sila ng binata sa bayan. Napapayag siya nitong lumabas kahit nag-aalala siya na makarating sa señor ang tungkol sa kanila. Ayon dito, malabong mamukhaan ito ng mga tao sa bayan bilang si Ezekiel Moreno na anak ni Señor Artemio Moreno. Paslit pa lang ito nang manirahan sa Maynila at kalaunan ay mag-aral sa ibang bansa.Ang malalapit na kamag-anak naman daw nito ay bibihirang umuwi roon at ang mga kaibigan nito ay hindi na nakatira sa Kidapawan. Nagpahinuhod na siya dahil gusto rin niyang maging espesyal ang araw na iyon dahil sa kaarawan niya. Mabuti nalang at mayroon siyang magandang bestida na binili para sa kanya ng nanay niya noong nakaraang JS prom nila kaya may naisuot siya.

Kinuha nito ang kamay niya at ginagap iyon, pagkatapos ay sinalubong nito ang mga mata niya."Gusto kong bigyan ka ng singsing at isuot sa daliri mo. Isang singsing na magbibigkis sa ating dalawa. May pera ako, puwede akong bumili ng mamahaling singsing..."

"Zeke..."

"Pero espesyal ka sa akin, Patrice. Gusto ko na pinaghirapan at pinagtrabahuhan ko ang perang ibibili ko ng singsing at hindi galing sa daddy ko o kay Tito Andrew." Ngumiti ito. "I promise, I'll buy you a ring on my first million.Pero habang wala pa akong trabaho, sa 'yo muna ang singsing ng mommy ko,"anito.Hinugot nito mula sa bulsa ang isang singsing. Napasinghap siya. It was a simple yet elegant.

Gusto niyang maiyak. Kung totoo na singsing iyon ng mommy nito, para sa kanya ay isa iyong malaking patunay na totoo ang nararamdaman nito para sa kanya. Subalit nahaluan ang kasiyahang iyon ng pag-aalala dahil sa naisip. "Paano kung hanapin ito ng señor at malaman na nasa akin? Siguradong hindi niya iyon ikatutuwa..."

"Ibinigay na sa akin 'yan ni Mommy. Isa pa, walang pakialam diyan ang daddy ko. Huwag kang mag-alala, ang singsing na iyan ay galing sa angkan ng mommy ko. Hindi iyan mula sa pera ni Daddy."

"P-pero..."

"Ayaw mo ba nito?" malungkot na tanong nito.

"Hindi sa ganoon," umiiling na wika niya. "Ang totoo..." Nag-init ang sulok ng mga mata niya hanggang sa manlabo iyon dahil sa mga luhang namuo."Zeke, isang malaking karangalan na sa akin mo ibinibigay ang singsing na iyan. Hindi mo lang alam kung gaano mo ako napasaya. Ito ang pangalawang pinakamagandang regalo na natanggap kosa buong buhay ko. Ikaw ang una at pinakamahalaga." Tuluyan nang nalaglag ang mga luha niya.

Lumambot ang ekspresyon ng mukha nito. "Then accept this ring..."

Lumuluha man ay nagawa pa rin ni Patrice na ngumiti at tumango nang sunod-sunod. Nakangiting isinuot ni Ezekiel sa daliri niya ang singsing, pagkatapos ay masuyong dinampian nito ng halik ang palasingsingan niyang kinasusuotan ng singsing. Lalo siyang napaiyak sa ginawa nito.

"Ang iyakin mo naman," nangingiting sabi nito. Ikinulong nito ang mukha niya sa mga palad nito at tinuyo nito ng halik ang mga luha niya sa mga mata.Pagkatapos ay marahang ipinaloob siya nito sa mga bisig nito. Gumanti siya ng yakap.


Story Of Us Trilogy: Book 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon