Part 45

11.8K 287 0
                                    

"NGUMINGITIna ang mga mata mo, Zeke," puna sa kanya ni Bainisah nang makaalis si Patrice. Nakasalubong nila ito ni Patrice sa hallway ng MBN. Saglit na nag-usap ang dalawang babae bago nagpaalam si Patrice na gagamit lang ng ladies room.

"Talaga?" pakikisakay niya rito.Humalukipkip siya at relaxed na sumandal sa pader. Nasa lobby na sila at doon na lang niya hihintayin si Patrice.

"Yes, sa loob ng tatlong taon na nakilala kita, ngayon ko lang nakitang ganyan kaaliwalas ang mukha mo. Of course, alam ko ang dahilan. Si Patrice, hindi ba? Laman kayo ng mga pahayagan at telebisyon. Kung hindi lang ako busy sa paghahanda sa sariling kasal ko, noon pa sana kita kinulit. Loko ka! Sa balita ko pa nalaman na sa bahay mo nakatira si Patrice. At 'yong phonepatch interview mo? My God! It was really something."

Natawa si Ezekiel.

"You're definitely in love. Kahit ang tawa mo, buhay na buhay."

"I love her,Bai.She's the only girl I love. At gusto kong malaman mo na magpapakasal na kami ni Patrice. Sa isang buwan."

"Holy cow!" nanlalaki ang mga matang bulalas nito. "Magpapakasal na kayo at sa isang buwan na? Ibig sabihin, mas mauuna ka pa kaysa sa akin?"

"Yes," natatawang sagot niya."Bukas gaganapin ang formal announcement. Be there with Vlad."

Ilang sandaling hindi ito umimik at nakaawang lang ang mga labi. Mayamaya ay ngumiti ito nang maluwang. "Wow! CEO and chairman Ezekiel Moreno will tie the knot, huh? Tiyak na nanlulumo na ngayon ang business associates mo na gusto kang maging manugang." Pumalatak ito."Akalain ko bang uunahan mo pa kami ni Vlad?"

"I'm sorry,dear, pero hindi na kasi ako makapaghintay na maging asawa si Patrice."

"Are you kidding me? Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon. Oh, Zeke!You've been so busy trying to hide how sad you are. Ngayon ay nasa buong aura mo ang kasiyahan," anito bago tumayo at niyakap siya.

Bumuntong-hininga muna siya bago muling nagsalita. "Siyanga pala, pumunta ako saThe Medical City."

Bumakas ang katuwaan sa mukha nito. "That's good! Nakapag-usap kayo ng daddy mo?"

Umiling siya. "Tulog siya nang sumilip ako. Well, 'sabi ng mga doktor niya, he's doing fine at puwede nang umuwi sa Cotabato." Ang akala niya ay matitiis niya ang ama pero hindi pala niya kaya dahil natagpuan na lang niya ang kanyang sarili na nasa harap ng pintuan ng hospital suite nito.

"That's a good start. Si Patrice ang dahilan, hindi ba? Nabura ng pagmamahal ang galit na nasa puso mo."

"I guess so," pagsang-ayon niya.

"Zeke, napansin mo ba ang napansin ko kay Tito Artemio?" maingat na tanong nito.

Hindi niya alam kung ano ang tinutukoy ng pinsan. Subalit kung may napansin man siya sa ama sa pagdalaw niya rito, iyon ay ang kakaibang aura na mayroon ito. Hindi na mabangis ang dating ng mukha nito. Tila wala na ito sa trono nito. Naging dahilan ba ang heart attack nito para naisin nito na magbagong- buhay na? Nakapag-isip-isip at nagsisisi na ba ito sa mga kasalanang ginawa nito?

"Alam mo ba na noong huling dumalaw ako sa kanya, narinig ko na iniuutos niya sa abogado niya na asikasuhin ang pagbabalik sa mga may-ari ng mga lupang kinamkam niya? O kung naisin man ng may-ari na tuluyang ipagbili iyon ay babayaran niya iyon nang tama? Bukod doon, narinig ko rin na balak niyang magtayo ng mga foundations."

Umawang ang bibig niya sa pagkagulat. "It can't be!" umiiling na wika niya.

"Hindi ka makapaniwala na maaaring nagbabago na ang daddy mo?"

"Bai, hindi mo kilala ang ama ko! Sagad hanggang buto ang kasamaan ng ugali niya!" maigting na wika niya.

"Pero, Ezekiel, lahat ng tao, gaano man kasama ay puwede pa ring magbago. It's never too late, lalo na kung nais niyang iayos ang lahat."

"Honestly, hindi ko alam kung ano ang iisipin ko..." naguguluhang wika niya. Akmang magsasalita pa ito nang dumating na si Patrice.

Story Of Us Trilogy: Book 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon